the elites ✔ chapter forty eight - hero

13 1 5
                                    

theia celestine greene.

"Proposed by our Academies' councils, we will have a week for joint classes with all Elite Trio academies. Students, enjoy!" Sabi ng director ng Delcroix, and ngumisi naman si Leo sa tabi ko.

"Ang talino natin," sabi ni Leo, and I rolled my eyes.

"Technically, idea to ni Shin. Puro taga-oo ka lang nun, kaya wag kang piling," sabi ko kay Leo, kaya lang ay nagpout naman siya.

"Mahal mo pa ba ako?" Tanong ni Leo, nagpapacute, kaya naman ay kinurot ko yung mga pisngi niya.

"Ang drama ng bampira na to. Mag aral ka na nga. Dun ka na sa joint class niyo," sabi ko, kaya lang ay nanahimik ang lahat nang may biglang sumigaw.

"SUNOOOG! SA MAY BUILDING NG LABS! SA MAY LIBRARY DIN!" sigaw ng isang estudyante ng Delcroix, kaya naman nagpanic ang lahat.

Nagsisitakbuhan sila at nagtitilian kaya naman hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano ko sila mapapakalma?

"Everyone, please stay calm and evacuate. Magpunta ang lahat sa labas ng gates," sabi ko, kaya lang ay masyado silang lahat na focused sa pagpapanic nila.

"Hindi ko alam kung totoo ba o hindi, pero natatakot ako," sabi ni Leo sa akin, with furrowed brows.

Teka. Umamin siyang natatakot siya? Para saan?

"Natatakot ka?" Tanong ko, at tumango naman siya.

"Masama ang kutob ko, Theia. Wag naman sana mangyari," sabi ni Leo, kaya naman I looked at him softly at saka hinawakan ang kamay niya.

Nanginginig siya.

And it was a fact na ganun din ang mga kamay ko. Kasi this time, hindi na sila Shin ang behind dito.

Hindi namin kilalang talaga.

✔✔✔
third person.

Here lies the remains of the library. Next was the laboratory. Rinig na rinig ang pagsabog ng mga glass sa loob, at pati na rin ang impit na sigaw ng tatlong babae.

Isa sa kanila ay nagpunta upang pumigil, at ang dalawa naman ay dinakip ng mga lalaki na planong maghasik ng lagim sa paaralang iyon.

"Pakawalan mo na siya!" Sigaw ni Calix, kaya lang ay ayaw itong gawin ng kaibigan.

"Bakit ko siya pakakawalan, e hindi ka tumulong ng maayos? Napatay na sana natin ang maraming estudyante at saka abo na sana ngayon ang DHA?" Sabi ni Lyle, habang hawak hawak si Sandy na nagpupumiglas.

"Wala ka nang katinuan, Lyle!" Sigaw ni Lili na nakatali sa may gilid.

"Wag kang magsasalita, Lili. Dahil matapos nito ay aangkinin na kita!" Sabi ni Lyle, kaya lang ay biglang sumigaw din ang katabi nito.

"No! You can't take her, Lyle! Ako nalang ang patayin ninyo!" Sabi ni Maree, kaya lang ay mas nagtawa si Lyle.

"Kung hindi ka naman sana nagpindot ng pesteng fire alarm, hindi ka mapupunta dito. Wala ka sanang silbi. Kaya lang ay pasaway ka!" Sabi ni Lyle.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now