the elites ✔ chapter ten - hearts

11 2 0
                                    

harvee david hamilton.

Kinabukasan matapos ng meeting about sa Interhigh, agad naman akong pumasok sa Delcroix as a College Prep student. Sa London branch ng Delcroix na ako nakagraduate ng High School, kaya naman nakahabol pa din ako sa mga kabatch ko. Nung kahapon din ay pinaannounce ko na sa speakers na papasok ako bukas, at buhay ako, dahil kung ano ano nanaman ang tatanungin sa akin niyan.

"Hoy, aagawin mo yung spotlight sakin pagbaba mo. Mauuna akong bababa, ha? Mamayang after five minutes ka na bumabang kupal ka," sabi ni Harrison sakin, sabay na itinulak ako palayo sa door.

I groaned, at sinipa ko naman siya. Natanggal pa yung sapatos ko at kukunin ko sana kaso nga lang ay kinuha na niya at itinakbo sa labas.

"Aba'y what the fuck," I muttered, at agad na itinulak pabukas yung pinto ng kotse at hinabol siya.

Paghampas sa akin ng hangin ay agad naman akong nakaramdam ng nostalgia. It felt like it was just tomorrow when I was in the Philippines branch of Delcroix. Nga lang, ibang campus na.

Nagising naman ako sa katotohanan nang marinig ko na may nagtitilian sa may gilid ko.

"AHH! BUTI NALANG TALAGA HE'S ALIVE! MY HEART IS ALIVE TOO! I LOVE YOU, HARVEE!"

"Marry me, Harvee!"

"Kyah! Harveee! May girlfriend ka na po?"

I just smiled and shrugged at them bago ko kinuha yung isa ko pang sapatos at binato si Harrison nun.

"Ouch, man! That hurt!" Sabi niya, and agad naman akong tumakbo papunta sa kanya at agad na nahabol siya.

Football player yata to. Pft.

Teka, nasaan kaya si Romaine? Hindi niya kasi ako nakwentuhan tungkol sa mga nangyari after kong magdisappear, e.

Nakita ko naman na naglalakad na magkasama sina Gabrielle at Theia kaya napakunot yung noo ko. Alam ko na naging college prep na si Theia, pero hindi ko alam bakit hindi nila kasama si Romaine. Anong meron? Nag away away ba sila?

"Huy, Harvee! Tingin dito," sabi ni Harrison, at ako naman tong gwapong bobo na tumingin sa kanya.

"Aray!" Sabi ko, nang tamaan ng sapatos ko yung mukha ko.

Agad ko naman na pinagpupulot yung sapatos ko, at isinuot yun bago isinukbit ng maayos yung bag ko sa shoulder ko't hinabol yung kuya kong asal mas nakakabata.

Takbo siya ng takbo, tsaka naman ayan. Naitumba tuloy ang bobo. Pagkadapa niya pa, nagasgas yung pisngi niya kaya naman medyo may sugat.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya sabay na umiling habang tinulungan siya na tumayo.

"Ang bobo kasi, e." Sabi ko, at nagchuckle naman siya.

"Salamat. O sige, alis na ko, ha?" Sabi niya, at tumango naman ako after I pat his shoulder.

We separated ways at nagkunot ang mga noo ko nang makapasok ako sa classroom namin.

Binati ako ng lahat at sinabi na masaya sila na nandito ako, pero bakit ganun? Nandito si Vance. Nandito si Gabrielle. Nandito si Theia. Pero bakit wala si Romaine?

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now