the elites ✔ chapter thirty nine - princess

3 1 0
                                    

apollo octavian solace.

"But Tavi, sabi mo sasamahan mo ako?" Tanong ni Sophie sa akin, at ngumiti naman ako sa kanya bago ko siya hinawakan sa ulo.

"Sophie, I'm sorry. Kailangan ko na kasing umalis, e. Maybe next time?" Sabi ko naman sa kanya, at nagpout siya bago tumango.

Her short curly ginger hair emphasized her icy blue eyes, at yung freckles niya sa mukha. She reminded me vividly of Gabrielle, kaya naman lumingon ako palayo.

Wala naman nang problema. Magkakaayos na ang lahat pero hindi ko magawang sabihin sa kanya muli na gusto ko siyang balikan. Anong gagawin ko?

Nakakainis.

Naglakad na ako palayo, kaya lang ay agad naman akong nakaramdam ng humawak sa uniform ko.

Nilingon ko yun at nakita na si Sophie pa din yun, at saka binigyan niya ako ng makahulugan na ngiti.

"She'd like a short movie. Under the stars. Minimalist." Sabi niya sa akin, her lips trembling as she spoke.

Namumula siya at tila nagpipigil ng emosyon kaya naman napakunot ang noo ko. Bakit niya ako tinutulungan, e nung minsan pa lang ay sinabi niya sa akin na gusto niya ako? Siguro dahil sinabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga ang maituturing ko sa kanya?

Pero bakit ang gulo ng mga babae? Hindi ko na maintindihan.

"Please take her. If you don't take her back, I am taking you," sabi ni Sophie, at nanlaki ang mga mata ko.

Agad naman na binitawan niya ako nang tumango ako, saka ako tumakbo palayo. Uwian naman  na at siyang pauwi na rin ako kaya naman hindi ko na yun pinagdalawang isipan pa.

I'm taking back my Cinderella.

Unang unang tinawagan ko naman si Ethan, at agad siyang sumagot.

"Tavi? Ano ba yan. Busy ako, alam mo bang president ako?" Sabi niya, pero halatang nanloloko lang. "Joke. Pinagmamalaki ko lang talaga yung position ko."

"I need your help. And the Black Reapers'."



"Ang effort mo talaga sa kanyang impakto ka, no?" Sabi ni Leo, habang lumalamon ng saging niya. Nakatayo na kami sa gilid ng isang rooftop building na nirent ko.

"Nakaimpakto kang loko ka. Mukhang unggoy," sabi naman ni Vance, na siyang nagpatawa sa amin.

"Hindi niyo man lang ba ako namiss? Puro kayo events, a. Tapos natalo talo pa kayo sa Interhigh," sabi ni Ethan, kaya naman nagshrug ako.

"Not our year, probably. Anyway, natawagan mo na ba sila Axi? Ayos daw ba?" Tanong ko, at tumango naman siya.

Watch, Gabrielle. This is my nonverbal way of saying I want you back.

✔✔✔
gabrielle stephanie kane.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" Tanong ko kay Axi, na siyang kasama ko ngayon. Tinatanong ko nga din kung nasaan sina Theia at Romaine pero kami lang daw dalawa ngayon.

"Hay nako, Gab. Wag ka muna magtanong sa akin. Importante ang adventure. Tsaka yung ice cream na makukuha ko pag tapos nito," sabi ni Axi, na siyang nagpalaglag ng panga ko.

"Ice cream nanaman ba? Kulang nalang maging ice cream ka na," sabi ko sa kanya. "Isa pa, alam mong dairy yan at nasasaktan ang mga hayop sa paggawa-"

"Gab, Gab, Gab. Not now. Andito na tayo," sabi naman niya, kaya natigil ako sa pag sasalita.

Pagtingin ko sa harapan namin ay bumungad sa akin ang isang mataas na building. May mga nakabukas na ilaw sa iilang rooms, pero nang titingala na sana ako sa may bandang itaas ay nagulat ako after Axi pulled my head down.

"Noooo, Gab. Diretso ang tingin," sabi niya, at tumawa tawa pa nervously.

Kinakabahan ako.

Pumasok naman na kami sa may building na yun at saka nilead niya ako sa may stairs.

Mapapagod talaga kami dito, ha? Why the stairs, wala bang elevator?

"Axi, stairs talaga? Wala ba tayong elevator na pwedeng puntahan?" Tanong ko, at umiling naman siya.

"Gab? Sumama ka nalang," sabi ni Axi, kaya naman I sighed at siyang sinundan nalang siya.


"Sa wakas. Nandito na din tayo!" Sabi ni Axi, at tinignan ko yung nasa harapan namin.

Pintuan na naglelead sa rooftop. Huh?

"Huy, hindi ka naman magpapakamatay, di ba? Minsan nalang tayo magkasama, papakmatay ka pa?" Sabi ko sa kanya at saka naman siya tumawa.

"Hindi. Sige na. Buksan mo na," sabi ni Axi, at saka naman kumunot ang noo ko nang mag umpisa na siya sa pagbaba.

"Huy, bakit mo ako iiwan?" Tanong ko, at nagpout naman siya.

"May naghihintay na ice cream sa akin sa bahay," sabi niya, at tumango nalang ako.

"Fine. Take care, okay? Kung ano man tong pakulo mo," sabi ko, at ngumiti siya nang malawak bago tumakbo pababa.

Dahan dahan ko naman na inikot yun knob ng pinto, at saka itinulak yun. Pagkabukas ko sa pinto ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

There were lights hanging around, tapos ay may nakaset up na projector. May mga pillows din at fluffy blankets along with plushies sa gitna.

There were chopped up veggies in bowls by the side, at nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko ay napalingon agad ako.

My knees felt weak nang makita ko si Tavi, smiling softly at me as he ruffled my hair. I bit my lip as I start to tear up. Ngayon ko lang narealize kung gaano ko siya kamiss, kung gaano kahirap na hindi ko siya nakakasama tulad ng dati.

"Gab, don't cry. Please." Sabi niya, kaya naman pinigilan ko ang pag iyak. He hugged me, at saka naman nilead niya ako dun sa mga pillows at naupo kami.

Inayos niya pa yung blanket para nakapatong yun sa lap namin habang magkatabi kami, and then he gave me the bowl of carrots. I smiled, at tinignan siya.

Kinuha naman niya yung remote at inano yun sa projector, kaya napako ang paningin ko sa pinoproject nun.

It was a slide show of both him and me, na siyang nagpalambot ng puso ko. Yung music pa is A Dream Is A Wish Your Heart Makes kaya naman my heart really softened. Cinderella.

After nun ay bigla naman na nagdim yung lights at saka may ibang clip na na nagplay.

I felt his hand reach for mine, and then intertwine it. I looked at him but he was looking straight with a small smile across his face.

How can this guy make me feel so soft, so at home and so emotional at the same time?

"No matter what happens between us, you're still my Cinderella," bulong niya, at napangiti naman ako. "I'm taking you back whether you like it or not."

Napako na ang tingin ko sa clip, pero napataas naman ang mga kilay ko nang marealize na movie pala yun.

"But before the night ends, I want the moon to witness something incredible, something that no one can explain but the stars as they look down on us," sabi niya, at napaharap naman ako sa kanya.

Pagkaharap na pagkaharap ko ay nanlaki ang mga mata ko when his lips touched my forehead, at yakapin niya ako na tila ayaw niyang mawala ako sa piling niya.

"I want to name you Mrs. Solace soon, when the time comes. Because you're the moon to this sun," sabi niya sa akin, at nagsituluan ang mga luha ko.

"I don't ever want to let you go, because you're my Cinderella, my Princess Cinderella."

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now