the elites ✔ chapter forty one - school

7 1 1
                                    

leo stephen wesley.

"Alam mo ikaw, kanina ka pa, eh," sabi ni Theia sa akin, habang hinihila ko siya papunta sa may garden sa school.

Kasi naman, e. Gusto ko lang naman na makita niya na sumasayaw ako. Paano ba naman, may group project kami, tapos gagawa ng dance cover. Syempre, bilang member ng dance club, nagprisinta naman ako na maging choreographer man lang nila.

Hehe.

Malay naman kasi natin kung mabilib si Theia sa akin? Kaso baka sa section nila hindi ganito. Bahala na! Irerequest ko kay Sir Rino na ipapanood din niya sa section nila yun! Hehe. Para mainlab sa akin lalo si Theia.

"Hala bakit naman?" Sabi ko, at nagkunwari pang nagtataka.

Nakarating na din kami sa garden, saka naman na tumambad sa amin sina Tavi na nakahanda na at nakadamit na. Ififilm na kase namin yung sa amin para ieedit nalang no Tavi mamaya.

Magpaproject ba naman kasi ng Monday tapos ipapass ng Friday. Tapos Dance Cover pa, akala naman ni Sir Rino kagagaling namin sumayaw. Joke hehe.

"Oh, Theia. Andito ka pala. Upo ka muna dyan, o. Magfifilm na kasi kami, e," sabi ni Leo, at tumango naman si Theia saka humiwalay sa akin.

Ngumisi ako nang magformation na kami at nasa harapan ako. Nasa may gilid ko naman sina Tavi at iba pa namin na mga kagrupo.

Nagplay na yung music kaya naman nag umpisa na kami sa pagsasayaw. Finifeel ko yung tugtog, at pumikit pa ako. Sana naman pinapanood ako ni Theia.

Nagpalakpakan naman sila nung nacut na, at ngumiti ako ng malawak saka pinanood yung video namin.

"Uy, Lee, yung sa popping ne, nag iimprove ka na. Ipractice mo pa yan, bro, tapos mas gagaling ka," sabi ko kay Lee, yung isa naming kasama, at nagcheer naman siya saka tumango.

"Yes naman, Leo, angas a," sabi ni Tavi, at tumawa naman ako saka binatukan siya.

"Nuba, pre, hahaha," sabi ko, sabay tingin kay Theia na ang talim ng tingin sa camera ni Tavi na pinangfilm namin.

Tinitignan ko pa siya na parang nagoobserba, paano naman mukhang seryosong seryoso. Napapano to? Napapangitan ba siya sa sayaw namin? Ako pa naman may gawa ng choreo nyan.

Maglalakad na sana ako paalis, kaya lang ay nakaramdam ko na may humawak sa kamay ko kaya naman napalingon ako dun. Nakangiti ako ng nakakapang asar nang makita kong si Theia yun.

Nagsigawan naman yung mga kasama ko na parang mga ewan, kaya naman mas inaasar ko si Theia.

"Hoy, kelan ka natututo ng ganyan? Bakit ang galing mo, ha?" Sabi ni Theia, kaya naman tumawa ako at ginulo yung buhok niya.

"Screw it, landi, Leo," sabi ni Tavi, kaya naman binatukan ko siya at nagtawanan sila.

"Ikaw ha?" Sabi ko, at nagtawanan kami saka nanood nalang ng video.

Hah! Points, Leo. Points. Hehehe.

✔✔✔
akira xaven zin.

"Miss President naman! Kanina pa ako nanliligaw sayo di mo pa ako sasagutin naman?" Tanong nung balahurang Class 1-1 sakin, kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now