the elites ✔ chapter twenty four - quiz

6 1 0
                                    

vance keith mccartney.

Maaga akong pumasok kaya nandito na ako sa room. Wala naman akong gagawin sa hospital at kailangan ko na magquiz para maging participant sa Interhigh.

I stuffed my hands in my pocket, whistling as I sat down on my seat. Mahirap na. Kaya naman sana ng utak ko yung quizzes?

Parami na ng parami yung mga kaklase namin, pero antagal pa din ng teacher namin. Unang una, tapos Genmath agad. Masakit sa ulo. Tsk.

"Hindi mo ba nakikita? Hala? Break na nga kasi sila,"

"Edi libre na din si Vance? OMG,"

"Si Harvee, hindi ko lang alam,"

"Si Leo break na sila,"

"Pati daw sila Apollo?"

"Gaga, pati sila Lili,"

"Edi pano yung mga yun, edi break na din friendship nila?"

I scoffed, nang marinig ko yung mga usapan ng mga classmates ko. Hindi talaga sila nahihiya na pinaguusapan kami na parang mga artista, e mga kaklase lang din nila kami.

Tss.

Bigla naman na nagbukas yung pinto kaya nagsitahimikan na silang lahat. Baka mamaya, hindi nanaman yung teacher namin, e.

"Morning, class. Alam naman na siguro ninyo yung gagawin natin ngayong araw?" Sabi ng teacher namin, and everyone nodded. "Buti at pumasok ka pa, McCartney?"

"I was sick, what do you expect, ma'am? I'd bring an oxygen tank here?" Sabi ko naman, and everyone shut up.

"Very well," sabi niya, nodding.

Ganyan kasi sa teacher na yan, e. Kung marunong kang sumagot sa kanya, mas gusto ka niya. Ayaw niya na natatakot sa kanya to the point na hindi na katotohanan ang isinasagot. Not that I care.

"Sit down, I'm passing the papers." Sabi niya, and everyone hushed.


Lunch, and I am so pissed. Halos lahat ng questions, kahapon yata idiniscuss. Pakiramdam ko tuloy, ang baba ng scores ko. Tss.

Nasa music room ako ngayon, dahil wala ako sa mood na sa cafe nanaman ang tambay. Andaming ingay, at napakasakit sa ulo.

May grupo ng mga cheerleaders, grupo ng mga club members, sama sama pa sila. Ako? Mag isang lumalamon ng fries dito. Wala naman akong club members. As usual.

Pero... papasa kaya ako?

✔✔✔
krill jairell vertes.

"Let's just hope na nakapasa kayo, kids. Especially Ymir and Krill. You know na sa section natin, kayong dalawa ang pinakamagagaling sa sports. Itataas ninyo ang bandera ng Rakuzen, ha?" Tanong ni Mr Roschdestvo, at nagsitanguan naman sila.

I'm pissed. Naiinis ako to the point na gusto kong sakalin si Ymir. Hindi niya pa din kami kinakausap, at hindi niya rin plano na kausapin pa daw si Lili. Lili told me na mukhang malabo na daw.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now