the elites ✔ chapter thirty one - problems with them hearts, pt. 1

7 1 0
                                    

theia celestine greene.

"Seriously?! Natalo ka?!" Sabi ni Gabrielle, habang nakatingin sa akin.

I looked down at tumango, dahil malalaman niya na nagsisinungaling lang ako kapag nagkataon. These days ay mas nakakasama ko naman na si Gabrielle, dahil high school pa lang si Axi at wala din naman si Romaine sa amin. Fab Four will always be Fab Four, yun lang ang pinanghahawakan namin.

"Wag mo akong lokohin, nanalo ka! Pinanood kita!" Sabi ni Gab, kaya naman ay napatingin ako sa kanya and gaped.

"Sinira mo yung joke ko!" Sabi ko naman, at tumawa siya. Siya naman ang kasama ko ngayon dahil hindi namin kasama si Vance, e.

Kinakabahan nga ako. Nainjure daw si Harvee, tapos ay hindi pa sigurado kung makakapaglaro siya ng football nyan kung magkataon. Andami pa naman niyang sports na sinalihan and without Vance, mas humina din ang teams namin.

Paano kapag hindi kami maging overall nyan? Kinakabahan ako.

Hinila naman niya ako sa may gilid, at saka sumilip sa may gilid kaya nagtaka ako kung ano yun. Ano nanaman ba?

When I was about to speak, she shoved her index finger against my lips at saka sinilip ulit kung ano yun kaya naman ay napasilip na din ako. My eyes almost went out of their sockets nang makita ko yung tinitignan niya kanina.

There Tavi was, talking with a short haired ginger girl while she was laughing. Si Tavi naman, nakangiti lang habang nagkukwento pero halatang naeenjoy niya ang pakikipag usap kahit na hindi siya nakatawa.

Tumingin naman ako kay Gab, kaso nga lang ay nasa malayo na ang tingin niya.

"Gab? Are you okay? You look sad," sabi ko, pero nginitian naman niya ako matapos na ibaling muli ang atensyon sa akin. Hindi ko ba alam sa kanila.

"I'm fine. It's just that I didn't expect that he would have someone by now. I mean, wala namang silbi yung basis niya ng pakikipagbreak sa akin, but I can't even explain now because he has a cute ginger girl with him," sabi ni Gab, biting her lip kaya naman ay hinawakan ko yung hand niya para man lang malaman niya na kahit paano ay kasama niya ako.

"Gab, don't worry about him. He's not that kind of guy, you know? You know him," sabi ko, at ngumiti lang siya habang umiiling.

"I know. But he doesn't really want to talk to me now, you know?" Sabi ni Gab, making me sigh.

Ano ba yan? Pabebe naman nila. I just wanted to get them back together because it was clear that they need it. I know that they broke up, but they literally aren't themselves when they aren't with each other. We're all missing the usual Tavi and Gab.

Inaya naman niya ako na umalis na, kaya ay sinundan ko nalang siya. Hindi pa kasi tapos ang table tennis pero ang chess ng girls ay tapos na. I won, dahil mukhang hindi naman ganun kaexperienced yung mga nakakalaban ko. I didn't even know kung sino sila, but I guess that they did try their best. Sa Junior representatives naman yun, kaya iba yung sa Seniors, unlike sa Interhigh last year. Sa Chess lang naman yung ganun, pero sa ibang sports ay same category na.

Nakarating kami sa may lugar kung saan naglalaban yung mga sa table tennis, and I raised my brows. Ang naglalaro ngayon ay si Xena, battling a Shinzen senior.

What surprised me even more ay kalmado lang si Xena habang naglalaro pero mukhang nagsstruggle na yung kalaban niya. And to think that she was just calm? Tapos senior pa yung kalaban niya?

"Isn't that Xena Zin?" Tanong ni Gab sa akin habang tinuturo yung half sister ni Ymir, and I nodded.

Nagtaka naman ako, bakit ayaw siyang tanggapin ni Ymir? Bakit ano bang mayroon sa kanya at hindi niya matanggap tanggap si Xena e she is smart, beautiful and seems pretty chill? She's impressive, pero hindi naman niya matanggap tanggap?

Maybe dahil half sister lang siya at hindi niya kayang tanggapin yun?

"She won, Thei. Easily. And it's the championship," sabi ni Gab, raising her brows. Agad naman akong napatingin, at nakita na kahit kinocongratulate na siya ay kalmado lang siya at hindi ipinapakita na masaya siya.

Maglalakad na sana kami paalis nang makasalubong namin si Arianne, clenching her fists habang nakatingin sa baba. Agad naman namin siyang pinuntahan ni Gab, tapos ay niyakap kaso nga lang ay hindi siya tumigil.

"What happened?" Tanong ko, at huminga naman siya ng malalim.

"Harrison. I can't even talk to him," sabi niya, at nagkatinginan kami ni Gab.

Nagulat kaming dalawa dahil sa narinig. Isn't she the one na nakipagbreak kay Harrison? Tapos sa gym pa yun at napakaraming nanood? I could remember seeing Harrison walk out with teary eyes and furrowed brows. No one even dared to talk to him as he went away.

"Um, didn't you break up with him?" Sabi ni Gab, at kinagat niya ang pang ibabang labi at magsasalita na sana kaso nga lang ay nakarinig kami ng mga boses sa likod namin.

"Oh, why is Ari crying? Did you hurt her?" Tanong ni Chloe, at inihiwalay pa kami sa kanya.

I gaped at her, pero nginitian niya lang ako at tinignan na nag aalala si Arianne. I processed everything in my mind at naalala ko na galing nga pala sa Serenity si Arianne bago siya nalipat sa Delcroix. Chloe and the rest must have been friends? Pero bakit pakiramdam ko ay ayaw niyang makasama sila Chloe ngayon?

"No, Chlo. They didn't make me cry. Let's just go," sabi ni Arianne, at bago pa kami makapagpaalam ay umalis na sila.

Sabay kaming nagkatinginan ni Gab, at saka umiling. We probably were thinking of the same thing about this matter.

"There's clearly something wrong, Gab. I know it," sabi ko, at tumango naman siya habang inumpisahan na namin ang paglalakad.

"I know. I know it, too. She seemed scared even with Chloe's touch," sabi ni Gab, and I thought about it.

Why did she seem so vulnerable at mas natakot pa siya nang puntahan siya ni Chloe? At bakit biglang lumitaw si Chloe? Hindi kaya siya yung nagpaiyak kay Arianne?

Nakarating na kami sa meeting place namin ng mga kaibigan namin, at nag usap usap. There was the Razkals, the Black Reapers, at yung girls. Ang kulang lang sa amin ay sina Ethan, Axi, Ari, at Akira.

"Who won the table tennis matches?" Tanong ko, at nakita ko naman na ngumisi si Ymir dahil nandito din siya.

"Syempre, yung pinakagwapong vice president ng Rakuzen. Duh," sabi ni Ymir, at ngumisi pa. Nakita ko na tinitignan siya ni Lili, pero hindi ko nalang sinabi dahil walang maitutulong yun sa nangyayari ngayon. They might get out of the Interhigh mood at maapektuhan ang performance nila.

"Bwiset ka. Isa kang hangal," sabi ni Lexus sa kapatid niya, sabay sinabunutan ito kaya naman sinipa siya ni Ymir dahilan para mapabitaw ito.

"Tamang sipa lang bago maghanap ng bagong kalandian," sabi naman si Leone, kaya nagtawanan ang lahat bukod kay Lili at Ymir.

"Tarantado ka, Honesto, sinong nagsabi sayo niyan?"

"Your mum."

✔✔✔
author's note.
pigilan niyo ako. di ko pwedeng maging crush si leone. matagal ko nang kinikimkim to. your mum. huhu.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now