the elites ✔ chapter thirty seven - a trickster, pt. 1

5 1 2
                                    

arianne levireigh kavinsky.

"So, ang huling ipapagawa ko sayo... hmmm. Get a boyfriend from your friends. Like, steal one of your friends'. Or better yet, get Harvee as your boyfriend," sabi ni Chloe sa akin, nang cornerin nila ako sa Acquaintance Meet.

Friday ngayon at Acquaintance meet nalang. Iaannounce din mamaya ang winner at magkakaroon ng toast para sa kanila. No, hindi tulad daw sa nangyari last year. Whole afternoon lang ang event at hindi aabot ng gabi dahil nga sa dangers ng last year.

Naghihintay kami ngayon sa labas ng hall, pero kinaladkad ako nina Chloe sa may gilid para sabihin sa akin ito. Oo, natatakot ako sa kanila pero hindi ko yata kayang gawin yung pinagagawa nila sa akin.

Lahat kami dito ay suot suot ang school uniforms namin dahil pride daw ng school ang dapat na ipakita ng bawat estudyante sa event na ito at hindi ang pride ng inyong last name.

"Hindi ko kaya yan, Chloe. Isn't breaking up with Harrison enough for you?" Sagot ko sa kanya, and she gaped at me.

"Sa tingin mo ba, kapag nakipagbreak ka kay Harrison, pupunta na siya sa akin? Hindi! He needs a reason to replace you! Make that reason!" Sabi sa akin ni Chloe, at sinampal pa ako pagkatapos.

Napahawak nalang ako sa pisngi ko sa sakit at natutunan na hindi siya bigyan ng reaksyon na tulad ng pagsigaw dahil mas magdadrive lang yun sa kanya na saktan pa akong lalo.

"Alam mo ikaw, salot ka sa buhay namin ni Harris-"

"Ah, I see how it is. Ganito naman pala? I guess I turned a blind eye on this one," sabi ng isang pamilyar na boses dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Is this real?

Wait, bakit ba siya nandito...?

"H-Harrison, no. You got it all wrong! Plano niya akong siraan sayo-"

"Sus. Siniraan mo nga siya sa akin. Just stop, Chloe Henderson. Wala rin naman akong interes sa mga babaeng katulad mo. A good face, a good body, but a very very bad heart. Tss. No, thanks. I'd want the full package, which is my Arianne," sabi naman ni Harrison, at saka tumingin sa akin.

Nangingilid ang mga luha ko at hindi ko alam ang gagawin. I thought I will never see him smile again. I thought that he will never talk to me or about me ever again.

Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang mga kamay ko kaya mas nanlambot ang mga tuhod ko.

"I... I hate you both! Hmp!" Sabi ni Chloe, at saka iniwan kaming dalawa dun na nakatayo.

Nang makaalis na siya ng tuluyan ay saka ko lang naramdaman ang hiya kaya tinry kong bawiin ang kamay ko. Kaya lang, mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin which made me worriedly look at him.

He was smiling at me na parang ako yung mundo niya, kaya naman naramdaman kong mamula ang pisngi ko na siyang nagpatawa sa kanya.

"Sus. May pa hiya hiya ka pa dyan. Halika na nga. Tsaka anong binibitaw bitaw mo dyan? Ayoko ngang mawala ka nanaman sa akin!" Sabi niya, kaya naman ay tuluyan na akong naiyak.

Bakas naman sa kanya ang pagkagulat, tapos ay pinunasan niya ang mga luha ko.

Damn. Harrison, bakit mo ako pinaiiyak?

the elites || the elite trio #2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant