the elites ✔ epilogue

24 1 2
                                    

ymir xix zin.

Nandito kaming lahat sa may hall ng Delcroix, lahat ng students ng DHA, Rakuzen at ng Shinzen. Sa Serenity naman ginanap ang memorial nina Sandy at Calix. Dahil nga sa masamang nangyari na yun ay isasama na ang Delcroix sa Rakuzen. Hindi na ginamit pa ang DHA campus, pero nandito kami ngayon dahil ngayon ang memorial ceremony.

I clenched my fists, at saka naman naramdaman ang kamay ni Bastille at Leone sa magkabilaang balikat ko.

"Dude, it's gonna be okay soon," sabi ni Bastille sa akin, at hindi ako nagsalita.

Nakatayo kami sa side ng Rakuzen, at hindi ko mapigilan ang nangingilid kong luha. Nakakagago naman kasi e.

Gago ka, Krill. Sabi natin pagmamalaki pa natin yung business natin paglaki natin sa isa't isa, e. Nakakagago ka naman.

Pumunta naman na sa harapan yung dad ni Leo na siyang director ng DHA, and then cleared his throat. Natuon na ang pansin ng lahat sa kanya.

Napapatanong nalang ako sa sarili ko, bakit kami pa? Hindi ba sabi ng mga tao, kung mayaman ka, mas madali ang buhay mo? Pero kaya kong patunayan na hindi porket mayaman ka ay mas madali na ang pamumuhay mo.

Mabibili ba ng kayamanan ang buhay ng mga kaibigan ko na nawala? Ang mga memorya na pilit kong tinatandaan para lang sa alaala ng mga kaibigan ko?

Hindi. Never.

"We are all gathered here for the death of Mr Krill Jairell Vertes of Rakuzen Academy, heir to the Vertes clan. His friends and fellow Elite Trio Council members, Kei Shinzen, Ymir Zin and Leo Wesley will give their final message for him," said the Director, at nagtinginan naman kami nina Shin.

He nodded, at saka naglakad na papunta sa harap.

Lahat kami dito ay nakasuot ng black na robe over our uniforms at saka may hawak na white roses.

I tilted my head to the side, pinipilit na wag maiyak. Best friend ko to, e.

"Greetings, everyone. I'm Kei Kenjin Shinzen from Shinzen Heirs' Academy. Krill started out as an enemy to me. Hindi kami magkaibigan last year, magkakabunggo ang mga ulo namin at hindi yun basta bastang bungguan lang. Kami kami lang ang nakakaalam kung ano man yun, pero isa lang ang masasabi ko. Krill, you died a hero. I... nakita kita sa huling sandali na nakamulat ang mga mata mo. You thanked me for reducing the damage, at nagpasalamat ka din na pinagkatiwalaan ko yung teorya mo na may masamang mangyayari. Krill, bro, you left my Aly. You left my sister, pinaiyak mo siya. But still, you're a hero. And it is plastered across her heart. And ours. May you rest in peace," sabi ni Shin, and then he bowed 90 degrees for two seconds saka naglakad na pabalik.

Sumunod naman si Leo, kaya mas napako ang paningin ng lahat.

"God, di ko alam paano ko sisimulan to. Bro, tulad kay Kei, magkakaaway tayo nun e. Since mga mas bata pa tayo, rivals na ang Razkals at Black Reapers. Pero dahil sa nangyari last year, we became close friends. And I wouldn't have that any other way. Bigla kang nang iiwan, pre. Usapan natin, manliligtas tayo pero ikaw naman yung hindi naligtas. Just- pre. Rest in peace," sabi ni Leo, at ngumiti siya ng mapait saka nag bow at bumalik sa pwesto.

Hindi ako makagalaw. Kakayanin ko ba? Kahit na siraulo yung best friend ko na yun at minsan nagkakalabuan kami, wag naman sana yung ganito? Sana niloloko lang niya kami.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now