Chapter 1

854 22 0
                                    

"Angel, timplahan mo nga ko ng kape." Utos sakin ni Ma'am Joyce.

Nandito ako ngayon sa station nila dahil nagma-mop ako nadumihan kasi ang sahig gawa ng umuulan sa labas. Janitress kasi ako dito sa J.E Real Estate Company.

Mag tatatlong buwan na din ako dito mula nong tanggalin ako sa trabaho nong fiance ng dati kong boss dahil sabi niya inaakit ko daw ang fiance niya. Lagi nalang gano'n ang nangyayari. Lagi akong natatanggal dahil gano'n ang eksena. Inaakit, nilalandi ko daw kahit hindi naman. Hindi naman ako ganong klaseng tao at hinding hindi ko magagawang manira ng relasyon.

"Hoy Angel! Kape ko ano na?"

Dali dali ko nalang sinunod at baka masigawan pa ako umagang umaga pa naman mapapagalitan pa ko. Mahirap na.

"Ma'am Joyce, eto na po yung kape niyo"

"Lapag mo muna diyan. Tsk bakit ba ang tagal mo gawin tong kape ko?"

"Sorry po ma'am may iniisip lang."

"Sa susunod gawin mo nalang agad. Pinaiinit mo agad ulo ko ang aga aga ha!"

"Opo. Sorry po."

Mainit lagi ulo nila sa akin. Laging ganon naman.

"Grabe ka naman makautos kay Angel, Joyce! Di mo naman sekretarya yan eh!" Sabat ni Sir Allan.

"Shut up, Allan. Wag kang dumagdag sa pagpapainit ng ulo ko."

Girlfriend ni Sir Allan si Ma'am Joyce. Mabait naman si Ma'am Joyce sa akin dati, kaso nong simulang kausapin ako at laging lapit lapitan ni Sir Allan eh naging ganyan na siya sa akin.

"Angel, pagpasensyahan mo nalang muna yang Ma'am Joyce mo ha? Kinulang ata sa tulog."

Napangiti naman ako don. Mabait talaga to si Sir Allan.

"Opo. Baba po muna ako Sir. Salamat po."

Tinanguan niya naman ako kaya naglakad na ako pababa.

~~~

ALAS DOS ng hapon nang magpatawag ng meeting ang may ari nitong kompanya. Mag iisang oras na rin mula nong magsimula ang meeting nila.

"Gosh! Naeexcite na ko next week!"

"Ako din! Grabeeee! Big event yon! Kaloka. Magsimula na tayong maghanap ng masusuot."


"Tama ka sis!"


Huh? May event? Ano kayang meron? Para saan naman 'yong event na 'yon?

Isa isa na silang nagsisibalikan sa mga area nila. At ako? Nandito lang sa quarters nag aantay ng lilinisan.

"ANGEL, pakiayos paglilinis dito sa area ko ha? Tignan mo nang maiigi mga papers baka may maitapon kang importante"

"Yes po, Ma'am Grace."

Papauwi na sila. Samantalang ako, magsisimula nang gawin ang trabaho ko. Nac-curious talaga ako kung anong event ang mangyayari next week. Bukas pa kasi panigurado sila magpapaskil ng mga announcement. Naeexcite na din ako dahil base sa pagkakarinig ko big event daw yon!






MATAPOS kong maglinis ay umuwi na rin ako.


Pagbaba ko sa may kanto ng tinitirhan ko ay may nakita akong mga tindang damit. May mga dress din. Tiyak na babagay para sa big event na mangyayari sa kompanya next week.

The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon