Chapter 24

107 3 0
                                    

"Sa'n tayo pupunta?" agad na tanong ko nang mahimasmasan sa mahimbing na pagkakatulog. Sumulyap ako sa orasan sa side table at nakitang ala-sais palang ng umaga.


"Ang aga pa!" mahinang reklamo ko.


"C'mon sleepy head, get up."

Hindi ko alam kung anong naisip ni Nate at bakit ako ginigising ng ganitong kaaga. Wala rin naman akong trabaho dahil nga tinanggal niya ako.

Dahil nagising na rin naman ako at nilayasan na ako ng antok ay bumangon na ako para maghanda. Wala na rin naman akong choice.



Makalipas ang ilang sandali ay natapos na akong maligo at gawin ang aking morning routine. Lumabas ako ng banyo at halos tumakbo ako pabalik nang makita ko si Nate na nakaupo sa kama ko.


"A-ano ka ba naman, Nate!" mabuti na lang at naka bathrobe ako at hindi masyadong nakakailang makipag usap kay Nate.



He chuckled and shook his head. "Wear this," aniya at itinuro ang paper bag na noon ko lang din napansin.

Kunot noo akong naglakad palapit sa kama at inabot ang paper bag. "Ano 'to?" tanong ko habang binubuksan ito.



Nang makita ang nilalaman ay umupo ako sa kabilang banda ng kama at in-examine ang damit. "Wow, ang cool nito. Teka bakit ito ang isusuot ko?"



"Nothing. I just want you to wear that. I want you to look like a badass." he shrugged and winked at me.

Napanguso naman ako sa sinabi niya. "I'll wait you outside." aniya at lumabas na.

Tumayo ako at inilapag sa kama ang damit na ibinigay ni Nate. Muli ko itong pinasadahan ng tingin. Black crop top, skinny jeans and high heeled boots.

Nang maisuot ko ito ay panay tingin ako sa salamin. Nang makuntento ss itsura ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso pababa.




Nakita kong nag-uusap usap sila sa baba at nang marinig ang tunog ng takong nang itapak ko ito sa isang baitang ay sabay sabay silang nag-angat ng tingin. Bigla naman akong nahiya sa mga titig nila sa akin kaya inipit ko ang takas na buhok sa kaliwang tainga at napapayukong naglalakad pababa.



"Woah!" rinig kong usal ni Leon.

"Nate, si Angel ba talaga 'yan?" wika ni Diego.

Nang makarating ako sa tapat nila ay gano'n pa rin ang tingin nila sa akin. I bit my lower lip and look at Nate. He smiled at me and he stood up.



"Let's go?" aniya at tumango ako bilang sagot.


Nang nasa sasakyan na kami ay gano'n pa rin ang pwesto namin gaya ng nakagawian. Nasa labas ng bintana ang tingin ko inaaninag kung pamilyar ba sa akin ang daang tinatahak namin. Nang hindi ko makuha kung saan ba kami patungo ay pumihit ako ng pwesto at tumingin kay Nate na ang braso ay nakapulupot sa bewang ko habang pinaglalaruan ang ibabang labi at nakatingin sa labas.


"Nate."


"Hmm?" he hummed and looked at me.

"Saan ba tayo pupunta?"


He smiled at me and pinched my cheek enough not to get me hurt. "Don't be impatient, Dear. You'll know it when we get there."

Tumango nalang ako at hindi na nangulit pa. Ibinalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa pagtingin tingin ng kung ano ano sa mga nadadaanan namin. Tinignan ko ang oras sa hawak ko na cellphone at nakitang mag a-alas otso na. Do'n ko lang din naalalang hindi pa kami nag aagahan.



The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon