Chapter 23

113 2 2
                                    

at dahil malapit na mag 300 reads si Nate at Angel T^T here's the update!! Maraming salamat sa mga nagbabasa ❤❤


~~~



Kinabukasan ay maaga kaming tumulak pabalik sa ospital kung saan naka-confine si Leon.





Pagkadating namin sa private room na inookupahan ni Leon ay nadatnan namin silang nag aasaran.






"Oh! Nandito na pala sila," ani Diego nang mapansin kaming pumasok.




Agad dumirekta ang paningin ko kay Leon at nakita kong malaki ang ngiti niya sakin. Kaya naman agad nangilid ang luha ko at mabilis na lumapit sa kanya.



"Ayos ka lang ba, Angel?" nakangiting wika niya.



Mabagal akong tumango bilang sagot. Nilunok ko muna ang bara sa lalamunan ko bago ako nagsalita. "K-kamusta? May masakit ba sa'yo?"



Bigla naman siyang tumawa na ikinakunot ng noo ko. "Oo naman 'no! Ako pa ba!"



"Akala ko hindi na kita makikitang ngumingiti ulit," mahinang sabi ko na mas ikinalakas ng halakhak niya.



"Ano ka ba, hindi ako mamamatay sa gano'n lang 'no!"

"Nako, Angel! Matagal mamatay ang masamang damo!" pang aasar ni Zach na agad namang ginatungan ni Diego. "Oo nga saka hindi pa pwedeng mamatay 'yan ng gano'n gano'n lang! Virgin pa kasi yan kaya 'di pa pwede 'yan."


"Ulul!" sigaw ni Leon at itinaas ang isang kamay na walang cast at ipinakita ang middle finger niya sa dalawa kaya naman mas lalong nagwala ang mga ito sa kakatawa. "Saka bro, 'di ka tatanggapin sa langit, e. Kaya siguro binuhay ka pa para magbago." pang aasar ulit ni Diego. "Mga pakyu!" mas malakas na sigaw ni Leon ngayon.



"Hey, don't go near him that much. I'm getting jealous," pang aagaw ni Nate sa atensyon ko na nakaupo sa isang pang solong couch.




Natigil naman sa tawanan ang dalawa at parang naging hudyat 'yon kay Leon para siya naman ang tumawa. Agad kong napansin ang pagsasalubong ng kilay ni Nate dahil sa pagtawa ni Leon. "What's so funny, dummy?"




Tumigil sa pagtawa si Leon at pumeke ng ubo bago sumagot kay Nate. "Wala naman bossing."



Nate rolled his eyes on Leon. Nanlaki naman ang mata ko sa nakita. "Teka, did you just roll your eyes on Leon?" nakangising tanong ko kay Nate.




"That's so gay, man." Zach said and grinned at Nate.




"Really, asshole? Well do you want to break you nose, hmm?"




Natawa naman ako sa kanila kaya bago pa mas lalong uminit ang ulo ni Nate ay lumapit na ako sa kanya at umupo sa arm rest ng couch na inuupuan niya.



Naramdaman ko namang pumulupot ang braso niya sa bewang ko kaya tumikhim ako at umayos ng pagkakaupo sa arm rest. Naagaw ko naman ang atensyon nila kaya ngayon ay nakatingin na sila sa akin. Isa isa ko silang pinasadahan ng tingin bago nagsalita.




"Nanahimik ako kahapon at hindi nagtanong. Pero...pwede na ba akong magtanong ngayon?" matapang na wika ko at tinitigan si Nate direkta sa mga mata nito.



Sandali pa kaming nagtitigan bago siya huminga ng malalim at tumango. Tinikom ko ang aking labi bago nagsalita. "A-ano...ano bang nangyari kahapon? Bakit...bakit gano'n? Ano 'yon?"




The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon