Chapter 25

105 3 0
                                    

...and finally! We've reached 300!  Nag-antay talaga ako bago i-publish tong chapter hehe HAPPY 300 READS PO!! HAHAHAHA magpapa-give away na ba ako? CHAROT!!! Thank you so much everyone!! 🥺✨ this chapter is dedicated to everyone who's reading this right now!! Enjoy ❤ Feel free to leave a comment everyone!! Para na rin mamotivate ako hehe,,, Mwaps~

we're already halfway!!! thank you so much for reading!! enjoyyy ❤❤

~~



Matapos sa meeting room ay dinala naman nila ako sa tinatawag nilang interrogation room kung saan daw nila kinakausap ang mga may atraso sa kanila at ang mga nahuhuli nila.



Naglalakad kami sa pasilyo nang mapadaan kami sa isang bintana. Napahinto ako sa paglalakad at lumapit sa bintana. Nakita ko ang isang gusali hindi kalayuan.






"That's the warehouse." wika ni Nate na nasa likuran ko na pala. "D'yan namin nilalagay ang mga produkto na ibinibenta namin." dagdag naman ni Leon.







Tumango ako at ngumiti sa kanila. Nagpatuloy kami sa paglalakad huminto kami sa tapat ng elevator at pumasok doon. Nang bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa paningin ko ang training grounds ay napangiti ako ng malaki.








Dali dali akong lumabas at patakbong lumapit. Naiwan ko sila na prenteng naglalakad. Nakangiti ko silang pinagmamasdan nang makalapit ako. Pero agad silang nagsihintuan sa pinaggagawa nila at sabay sabay akong nilingon. Nawala ang ngiti na nakapaskil sa mga labi ko nang makita kung ano ang tingin nila sa akin.







Dahan dahan akong napaatras at nagulat ako nang mapahiga ako nang bigla akong dambahin. Napapikit ako nang akma niya akong susuntukin pero mabuti at mabilis siyang napigilan.






"Stop it, Green!" ani nang isang babae. Nang dumilat ako ay nakita ko si Amalea. Tinulungan niya akong tumayo kaya umusal ako ng mahinang pasasalamat.







"What? Are you nuts, Amalea? Why are you stopping me? Can't you see that she's  an outsider!!" gigil na ani ni Green.





Napatitig ako sa kanya at nakita kong totoo ngang green ang mga mata niya pati ang dulo ng mga buhok niya. Inis na bumaling siya sa akin. "What are you staring at?" aniya kaya mabilis naman akong umiwas ng tingin.






"We should call our master. May nakapasok na outsider," wika ni Zorro na nakalapit na pala sa amin.






"Baka naman ispiya 'yan?" sabi ni Tiger at lumapit sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita. "Ispiya ka 'no?!" sigaw niya sa akin kaya mabilis akong umiling.





"Assholes. She's not a spy. Do you all think that we can easily enter with just a girl without any weapon?" wika ni Cold.




Sabay sabay silang nagtanguan nang makuha ang punto ni Cold. Natigil ang katahimikan nang umalingawngaw ang malakas na tawa ni Leon na agad din namang tumigil nang mapansin ang paligid.





"Oh? Anong nangyari?" aniya at nang mapatingin sa akin ay agad nanlaki ang mga mata. "Oh shoot!"




Mabilis silang naglakad papunta sa akin at nang makalapit ay mabilis akong chineck ni Nate mula ulo hanggang paa. "What the hell happened?" inis na tanong niya.




"They thought she's an outsider. So..." si Amalea ang sumagot.





"I told you. She's not an outsider," wika ni Cold atsaka tumalikod.






The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon