Chapter 5

485 13 0
                                    

"You can start tomorrow, but If you want to be more familiar with your new work, I suggest you to ask my old secretary, John. I bet he's still out there."





"Okay, sir." sagot ko at tumayo mula sa pagkakaupo para lumabas at interview-hin ang dating secretary ni Architect Wren.






"Ahm... hi?" bati ko sa lalaking mukhang nasa mid 30's ang edad na bahagyang nililigpit ang mga gamit niya.




"Oh, ikaw ba ang bagong secretary ni Architect?" ani niya habang inaayos ang salamin.




"Opo, sabi niya tanungin daw po kita sa kung paano ang gagawin ko,"




"Ah, yes! First, obviously as a secretary you need to check and fix his schedule. You should always have a small notebook with you because everytime there's a board meeting you need to take down notes. Second, kapag tinawag ka niya ano man ang ginagawa mo kailangan mong itigil, he hates waiting. Third, pagkarating na pagkarating niya palang ay dapat mag-prepare ka agad ng coffee, take note. black. with 2 teaspoons of sugar."





Jusko ang dami palang kaartehan maging secretary ni Architect Wren!!





"Fourth, kailangan maayos at malinis ka manamit. Fifth, he wants his works to be neat and properly arranged. So far, iyon lang naman. Ikaw na bahalang umalam sa mga susunod pang araw," nginitian niya naman ako. Tumango tango nalang ako sa mga sinabi niya at maiging tinandaan ang mga sinabi niya.




Tinulungan ko siyang magligpit nang may maalala ako, "Uh, if you don't mind po, bakit po hindi na niya kayo secretary?" mabagal kong tanong sa kanya,




Tumigil siya sandali sa pag-aayos ng gamit niya at napaisip saglit, "Hmm... let's just say that I found a better opportunity," sagot niya at nagpatuloy sa pag aayos ng gamit.



Nang matapos kaming mag ayos ng mga gamit niya ay nagpaalam na siyang umalis. Pumasok muna siya sa opisina ni Mr. Wren para magpaalam, matapos no'n ay hinatid ko siya sa elevator.





"Uh, lastly miss Joaquin, don't be late. Mr. Wren really hates latecomer. Lalo na kapag siya ang naunang pumasok kaysa sayo." huli niyang paalala sa akin bago pumasok sa elevator.




"Noted po! Ingat po kayo!" nakangiting kaway ko sa kanya, tinanguan niya naman ako at nginitian bago tuluyang magsara ang pintuan ng elevator.





Bumalik naman ako sa bago kong workplace. Sakto namang lumabas si Mr. Wren sa opisina niya, mukhang paalis.




"You can go now, ms. Joaquin" sabi niya bago naglakad patungo sa elevator.






Nang makasakay siya sa elevator at makaalis ay umupo ako sa swivel chair at dinama ang upuan.




Tumayo din naman agad ako nang maalalang kailangan kong bumili ng mga kakailanganin kong gamit sa bago kong trabaho.





Dumiretso ako sa malapit na mall galing sa kompanya. Pumunta ako sa National bookstore para bumili ng magandang notebook at ballpen pang take down notes. Bumili na rin ako ng planner para sa schedule ni Mr. Wren, sticky notes at index card.




Nang mabayaran ang mga binili ay nag ikot ikot muna ako sa mall para magpalamig. Naisip kong wala pa pala akong maayos na maisusuot sa una kong araw bilang secretary.





Umalis ako sa mall at nag antay ng jeep na masasakyan. Pupunta ako ng ukay ukay malapit sa tinitirhan ko para maghanap ng maisusuot.





Madaming magagandang damit sa ukay ukay. Kaunting laba lang ay mukha na ulit mamahalin.









Nang makanap ng iilang pares ng damit na maaaring gamitin pamasok ay umuwi na kaagad ako para malabhan ang mga nabiling damit. Maaga pa naman kaya paniguradong matutuyo pa ito hanggang kinabukasan.






Nang matapos labhan ang mga nabili sa ukay ukay ay nilabas ko naman ang mga napamili ko sa national bookstore, at inilagay sa bag na gagamitin ko bukas.







Isinulat ko na din ang mga paalala sa akin ni Mr. John. Nang wala nang makaligtaang gawin ay maaga na akong nag ayos para matulog.







Pakiramdam ko ay mapapagod ako bukas sa unang araw ko bilang secretary ni Mr. Wren.





Kinaumagahan ay maaga akong nagising at nag ayos para sa unang araw ko bilang secretary ni Mr. Wren. Ninenerbyos ako na nakakaramdam ng excitement para sa araw na ito.




Secretary huh? I am the CEO's Secretary! Naks ang bongga mo, Angel!


"La," nilapitan ko ang litrato ng aking yumaong lola na nakapatong sa gilid ng higaan ko. "Hindi nalang ako basta Janitress ngayon, isa na po akong Secretary," mapait akong natawa. 


"Kung sana po ay nandito pa kayo, alam kong masaya kayo para sa akin. Kayo pa po ba? eh, number one fan ko kayo?" napangiti ako at kasabay non ang pagpatak ng luha ko na agad ko naman pinunasan.



"Lola, guide mo po ako ha? I love you lola," wika ko atsaka hinalikan ang larawan bago tumayo.





Palabas na ako ng pinto ng mahagip ng paningin ko ang coat na nakasampay sa may cabinet ko. Naalala kong hindi nga pala iyon sa akin, at kay Mr. Wren iyon.



Tumingin muna ako sa nakasuot kong mumurahing relo, at nang makitang maaga pa naman ay mabili akong kumilos para maghanap ng magandang lalagyan. Hindi naman pwedeng basta basta ko lang na ilagay iyon sa plastic bag? Hindi ata makatarungan 'yon dahil alam kong mas mahal pa iyong coat na 'yon kesa sa suot kong damit ngayon.



Nang makahanap ng disenteng paper bag ay maingat kong tinupi ang coat at isinilid sa lalagyan, at agad nang umalis.






Mabilis naman akong nakarating sa opisina, at mabuti ay wala pa akong Mr. Wren na naabutan.





Kakaupo ko pa lang nang bumukas ang elevator at iniluwa noon ang gwapo kong amo, teka.... gwapo? Oo, gwapo siya, pero maghunos dili ka Angel, nandito ka para magtrabaho at hindi para sa lovelife! Pagkastigo ko sa sarili ko.



Tumayo ako para salubungin ng ngiti at batiin si Mr. Wren ng "Good morning, Sir."




Tinanguan niya lang ako at dirediretso nang pumasok sa opisina niya. Napanguso nalang tuloy ako. Uupo na sana ako nang maalala kong kailangan niya nga pala ng kape.




Tinimplahan ko siya ng kape. Mariin ko talagang tinandaan ang mga paalala ni Sir John.




Kumatok ako sa opisina ni Mr. Wren para ihatid ang kape niya at syempre, dala dala ko na rin ang coat niya para isauli.




"Come in," nang marinig ay agad ko nang pinihit ang seradura ng pintuan at pumasok.




Dumiretso ako sa table ni Mr. Wren na hindi manlang nag angat ng tingin mula sa pagbabasa. Maingat ko namang inilapag ang kape sa takot na baka matapon at may madumihan na importanteng dokumento.



Nang mailapag ko ang kape ay hindi muna agad ako umalis. I stood there for about a minute or two, bago siya nag angat ng tingin at bumaling sa akin.





"Yes?"



Imbes na sagutin ay iniabot ko sa kanya ang paper bag na dala ko. Inabot niya naman agad ito at tinignan ang laman bago inilapag sa gilid ng lamesa niya.





"Thank you po diyan, Sir," nakangiti kong sabi, "Have a nice day po!" dagdag ko at bahagyang yumuko bago tuluyang naglakad papaalis.






Nang isasarado ko na ang pinto ay nahagip ng paningin ko ang bahagyang pag ngiti ni Mr. Wren na iiling iling pa.















The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon