Chapter 27

98 3 0
                                    

Warning: R-18

Matapos mapanuod ang balita ay agad akong dumiretso sa kwarto. Doon ko nilabas ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

Kanina pa rin akong kinakatok nila Jea, ngunit hindi ko sila pinapansin. Masyado pa akong nabibigla sa napanuod kanina. My mind was in turmoil.

"Gel?" narinig kong usal ni Jea kasabay ng mahinang katok. "Kumain ka na nang hapunan. Ano oras na o, hindi ka na nga kumain ng tanghalian kanina. Masyado ka nang nalipasan ng gutom." pagkasabi noon ni Jea ay napatingin ako sa bintana at wala na ngang aninag ng kaunting liwanag galing sa labas.

Ang tagal ko na rin palang nagmumukmok dito sa kwarto. "Mauna na kayo, Je. Hindi pa ako nagugutom." wika ko kasabay ng pagkalam ng sikmura ko.

"Anong hindi? Narinig ko kumalam ang sikmura mo, lumabas ka na diyan at kumain. H'wag mong antayin na pwersahin kita." pagbabanta nito.

Hindi ko alam pero wala akong maramdamang gutom kahit na kumakalam na ang sikmura ko. Sa huli ay napagpasiyahan ko na ring bumangon at sumabay sa kanilang kumain.

"Akala ko aantayin mo pang kaladkarin kita e," nakahalukipkip na anito.

Binigyan ko lang siya ng magaang ngiti bago kami tumuloy papuntang hapag.

Sa hapag ay tahimik lang kaming kumakain. Nang maamoy ko ang mga nakahaing ulam ay doon ko palang naramdaman ang gutom. Tanging ang pagtama lang ng mga kubyertos sa plato ang maririnig mong ingay.

Natapos na kami't lahat ay wala man lang nagsalita sa amin. Miski ang natural na maingay na si Leon.

Tatayo na sana ako para bumalik sa kwarto nang biglang magsalita si Leon.

"Tangina. Hindi ko inaasahan 'yong napanuod natin kaninang umaga," inis na wika nito. "Hindi ko alam pero gusto kong saktan si, Nate. Tangina, ang kupal niya."

"Ang kapal ng mukha ni sir Nate, bwisit kahit tanggalin niya ako sa trabaho wala akong pakealam! Demonyo siya!" gigil na sabi naman ni Jea.

"Hindi ko alam pero alam kong may malalim na dahilan si Nate kaya niya nagawa iyon." kalmadong ani naman ni Diego.

"Tanginang dahilan 'yan. E 'di sana sinabihan niya tayo! Ano kaya halos hindi nila tayo i-contact dahil dito? Naknampucha!" rinig mo sa boses ni Leon ang frustration. "Atsaka kung concern siya sa mararamdaman ni Angel, sana sinabihan niya tayo kung ano mang putanginang dahilan ang meron siya," dagdag nito.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam pero ni isang salita ay walang gustong kumawala sa bibig ko.

"Gel, tara umalis na tayo dito. Do'n ka nalang mag-stay sa apartment na tinutuluyan ko. Ano pa naman kasing ganap mo dito? E may fiancée na nga 'yong hayop na 'yon?"

I bit my lower lip restraining myself to answer. I actually thought about it. Ano pa nga namang gagawin ko dito? E may fiancée na si Nate, ayoko namang maging kabit.

Isipin ko pa lang na mayroon nang fiancée si Nate at wala na lang ako sa buhay niya, sumasakit na ang puso ko.

Nagsisimula nang mangilid ang mga luha ko nang bigla kaming makarinig ng ugong ng sasakyan. Nag angat ako ng tingin at pare parehas kaming nanlalaki ang mga matang nagkatitigan.

"Sigurado akong si Nate 'yan," wika ni Leon at biglang tumayo at lumapit sa akin.

"Tara," aniya

"Huh? Saan tayo pupunta?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi ka niya dapat makita. Ang lakas naman ng loob niyang magpakita matapos ang balita?" kita mo sa mga mata nito ang inis.

The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon