Chapter 26

93 4 0
                                    

Its been exactly three days since I last saw Nate. Iyon ay noong nagpunta kami sa hideout nila at iyon na rin ang huling beses na nakasama ko siya. Nakakausap ko naman siya through call pero sobrang saglit lang. He's only calling to check on me and when I already said that I'm okay, okay na sa kanya 'yon he'll immediately ended the call saying he had other things to do. Nagkakatext naman kami but his replies are so cold and distant. I'm starting to over think things, pero alam kong walang mangyayaring maganda kung hahayaan kong lamunin ako noon.






Naiwan ako dito sa mansion ni Nate kasama sila Leon, Diego at Jea. Yes, Jea's with us, Nate ordered Jea to stay here with us, at nang mismong araw ring iyon kung kailan dumating si Jea dito ay ang araw na umalis siya kasama si Zach.







Nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto bago ito bumukas. "Gel! Tara na, breakfast na, 'wag ka nang mag-emote d'yan!"  I gave Jea a small smile and after that I sighed.






"Uy, anong problema? Iniisip mo ba si sir Nate? 'Wag kang mag-alala, baka na-busy lang." ani nito na umupo sa tabi ko.





This time I gave her a genuine smile before I stood up. "Tara na, baka lumamig pa ang pagkain."






"Lezgaw!!"






Pagkarating namin sa dining area ay saktong kakaupo lang rin nila Leon at Diego.






"Good morning, Angel!" magkasabay na pagbati ng dalawa.





"Good morning din sa inyo." I greeted them back with a smile.





A week has passed and I never heard anything from Nate. He's not even answering my texts and calls. Kapag naman tinatanong ko sila Leon at Diego ay wala silang maisagot. They even tried to call him, but he's not answering as well.






Nag-aalala na ako. Paano kung napahamak sila? Hindi ko maiwasang mag-over think lalo na't alam ko kung ano ang isa pa nilang pinagkakaabalahan.




Tahimik na nakaupo ako sa couch habang nakayakap sa throw pillow nang biglang tumabi sa akin si Jea. "Gel, alam kong hindi ka ayos, dahil miski ako ay nag-aalala sa kanila sir Nate." she sighed dramatically.




"Labag man sa loob ko 'to, pero ayaw kong nakikitang malungkot ka, kaya sige, ita-try kong tawagan si Zach." she rolled her eyes while saying Zach's name, kaya naman napatawa ako.




"Talaga? Gagawin mo 'yon?"





"Parang nagbago na isip ko, naging energetic ka bigla e." I pouted and she laughed at my reaction.




"Joke lang! Sige na, ito na." she said and fished her phone out on her pocket.





She dialled Zach's number. "Uy, nagri-ring," wika nito.





Hindi naman nagtagal ay nanlaki ang mga mata nito bago tumikhim at itinuro ang hawak na cellphone. "Sinagot." sinabi niya ng walang boses.





She cleared her throat once again before she speak. "Uh, ano... Kamusta?"





Gusto kong matawa sa nakikita kong reaction ni Jea but, I can't I am grateful to her that she made an effort like this even if it means she will be placed in an awkward situation with her ex, like this.





"Ah, si sir Nate?... Ah, oo kasi nag-aalala si Angel dahil isang linggo na rin kayong hindi umuuw- Ano?! Gago ka ah! Hello... Hello? BWISIT!" gigil na inilayo nito ang cellphone sa tainga.







The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon