Chapter 20

134 5 0
                                    

Naiwan ako dito sa bahay kasama si Leon nang umalis si Nate kasama sila Zach at Diego. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta dahil no'ng tinanong ko si Nate kung saan sila pupunta ay hindi niya ako sinagot. Gayon din naman si Leon. Ang sinasabi niya lang sa akin ay hindi niya alam. Hindi naman ako naniniwala pero hindi nalang ako nangulit. Kasi kung gusto nilang malaman ko, hindi ko na kailangang magpaulit ulit ng tanong, hindi ba?

Abala akong nanunuod dito sa sala ng movie. Nang bigla akong lapitan ng isang kasambahay. "Ma'am Engel, may beseta ka puh."

"Huh? Sino po? Patuluyin niyo po," tinalikuran niya ako para papasukin ang nasabing bisita. Muli akong bumaling sa pinapanuod nang biglang magambala sa isang sigaw.


"Geeeeel!" I know its Jea. Siya lang naman ang kaisa isahang tumatawag sa akin ng gano'n.

"Huhu! Anong nangyari sa'yo? Ayos ka na ba? Diyos ko po!" aniya at hinawakan ako sa braso ng magaan na animoy mababasag ako. Natawa naman ako sa kanya. 'Yong itsura niya kasi ay parang paiyak na.

"Ayos lang ako, Je. Medyo makirot nalang pero okay na."

Napaigik naman ako nang bigla niya akong hampasin sa hita. "Bruha ka! Hindi ka na anghel! 'Di mo man lang ako sinabihan! Kung 'di pa ko tinawagan ni Sir Nate hindi ko malalaman ang nangyari sa'yo! Kaya naman pala tatlong araw kang hindi nakapasok!"

"Sorry nawala sa isip ko."

Ilang minuto ko pang sinuyo suyo si Jea dahil talagang nagtatampo daw siya sa akin at hindi ko daw naisip ang mararamdaman niya. Na-touch naman ako sa kanya. Hindi naman nagtagal ang panunuyo ko sa kanya dahil bumigay na siya. Pero nagpakwento siya kung anong nangyari nang araw na 'yon.

"NASAAN ANG WALANG HIYANG IYON!?" histerikal na wika niya at tumayo pa mula sa pagkakaupo. Natataranta ko naman siyang hinila paupo at nahihiyang tumingin sa mga kasambahay.

"Ano ka ba, Je. Kumalma ka nga, nakakahiya."

"Aba!" may sasabihin pa sana siya pero ibinuga nalang niya sa hangin ang nais na sabihin. "Ano nang nangyari do'n sa kupal na gumawa niyan sa'yo?"

"Ayon, si Nate na daw ang umayos. Okay na daw."

"Mabuti! Buti nalang din at si Sir Nate ang boyfriend mo kaya nakamit mo agad ang hustisya."

"Ano ka ba, Je."


May sasabihin sana siya nang bigla siyang natigilan. Napansin kong nakatingin siya sa likuran ko kaya lumingon ako para alamin kung anong nasa likod ko. Si Leon lang naman. Anong meron?

"Oh, Angel! Kaibigan mo pala si Jea?" wika niya ng nakangiti at bahagyang sumulyap kay Jea.

"Uh, Oo, Leon. Kilala mo pala siya?"


"Hmm.." aniya at tumango. "Sige, akyat na muna ako. Dito lang kayo ha? Kung aalis kayo, sabihan niyo ako, ako na maghahatid sa inyo." tumango ako at nagpasalamat sa kanya.

Nang tumalikod si Leon ay bumaling na ulit ako kay Jea at napansin kong tumahimik siya. "Je? Ayos ka lang?"

"Ah, Oo! Sa'n na nga ba tayo?" naweweirduhan ako kay Jea ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon.

Pinalipas namin ang oras sa pagkikwentuhan. Dito na siya nag tanghalian at hapunan. Nagpapasya na din kami na dito siya mago-overnight. Inaantay nalang namin si Nate umuwi para makapagpaalam.


"Tapos manunuod tayo ng maraming movies. Grabe! First time ko makakaexperience ng sleep over sa ganito kagandang bahay! Tapos do'n sa kwarto mo? Dabest! Prinsesa ang datingan HAHA! Tapos sabay tayong papasok kinabukasan. Tapos sasabay ako sa kotse ni Sir Nate? Wow!!" nagpaplano kami ng nga gusto naming gawin para mamaya nang makarinig kami ng tunog ng sasakyan.

The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon