Chapter 3

546 18 0
                                    

Nagising ako dito sa loob ng kotse. Nakita ko yung lalaking nakamaskara na parang leader kanina no'ng kabilang grupo.



Gumalaw ako nang bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo. Hinawakan ko ito at nakita kong may dugo ang ulo ko.



"Move, the you'll die."



Hindi talaga ako gumalaw dahil ayoko pang mamatay. Marami pa akong plano sa buhay ko.



"P-parang awa niyo na po. Wag niyo kong papatayin please."


"Let's see."


At bigla niyang hinampas sa ulo ko ang isang matigas na bagay.



"D-dugo."




Napatingin naman siya sakin.




Napatulala ako at kasabay no'n ay ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi niya 'ko pinansin. Hinayaan niya lang ako.




Maya-maya huminto na ang sinasakyan namin. Tuloy tuloy padin ang pag-agos ng luha ko. May naaalala kasi ako sa tuwing nakakakita ako ng dugo. Hindi ko naiiwasang hindi maiyak.



Hinatak niya ako palabas ng kotse. Masakit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kumikirot din ang ulo ko dahil sa pagkakahampas niya. Pero hindi ko ito inintindi at para lamang akong manika na hinahatak niya habang ako ay nakatulala.



Hindi ko na napansin ang lugar na pinagdalhan niya sa akin. Kaya nagulat na lang ako nang bigla kaming huminto sa paglalakad. At nang mag angat ako ng tingin ay wala na palang suot na maskara ang lalaking humahatak sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha niya pero wala akong maalala kung nagkita na ba kami kaya hindi ko masabi na may kasalanan ako sa kanya kaya bakit naman niya ako dinala dito?




"Where's Wren?" Tanong nitong lalaki na may hawak sa akin.




Napasipol naman ang tinanungan niya sinulyapan ako saglit bago bumaling sa lalaking nasa gilid ko. "Nandon sa office niya." Sagot niya. Tinitigan niya ito nang parang nagbabanta bago nagkibit balikat na nilampasan kami.





"Ge." ani nitong lalaki bago ako muling kinaladkad.




Hinatak niya ulit ako paakyat. Nang makaakyat kami ay lumiko kami sa kaliwa at saka dumiretso ng pasok sa kwarto sa dulo ng pasilyo.




Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang isang lalaki na nakaupo sa swivel chair at mukhang malalim ang iniisip.




Naramdaman niya ata ang presensiya namin kaya nag angat siya ng tingin at nagtagpo naman ang mga mata namin. Napatulala ako sa mukha niya. Siya naman ay napakunot ang noo at agad na umayos ng upo.



"Who is she?" kunot-noong tanong nito.





"Witness," he answered.


"Witness?" Nakakunot noo paring tanong ng lalaki. He stood up and he walked slowly, he stops in front of his table. May inabot siyang kung ano doon na hindi ko alam kung ano.



"Yes, sir."



Tinitigan naman ako ng maiigi nitong lalaki atsaka siya tumingala na animo ay nahihirapang huminga. "Didn't I tell you to make sure there's no inconvenience?!" 



Napapiksi ako sa pagtaas ng boses niya. Napalunok ako nang dumapo sa akin ang nanlilisik niyang mga mata.

The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon