Chapter 28

101 3 0
                                    

Nagising ako nang may nararamdamang kirot sa pagitan ng mga binti. Agad ko itong ipinagdikit, namula nang maalala ang nangyari kagabi.

Lumingon ako sa gilid ko at agad nagsalubong ang mga kilay nang walang naabutang nakahiga doon. Umupo ako at inangat ang kumot para matakpan ang nakabalandra kong dibdib. Tumayo ako hila hila ang kumot upang dumiretso sa banyo at makapaglinis ng katawan. Nararamdaman ko pa rin ang kaunting kirot dulot ng nangyari kagabi pero tolerable naman siya kaya hindi ko na inintindi.

Nang matapos makapaglinis ng sarili ay agad akong lumabas upang tumungo sa kusina. Ngunit imbes na ang nagkakapeng si Nate ang maabutan ko ay sila Leon, Diego at Jea ang nakita kong nakaupo sa hapag na tila ay inaantay ang pagdating ko.

Kumunot ang noo ko at nilingon ang wall clock sa may sala at nakitang pasado alas sais pa lang ng umaga.



"Good morning. Ang aga niyo namang gumising?" nakangiting bati ko sa kanila at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Jea.

"Good morning, Je. Tara, kain na tayo." ganting bati sa akin ni Jea.

Nagtataka ko silang tinitigan. May problema ba?

Hindi ko nalang sila inintindi at kumuha na lang ako ng pagkain na nakahain sa lamesa. Susubo na sana ako nang bigla kong maalala si Nate.


"Nasaan nga pala si Nate at Zach?"


Parang wala silang naririnig na nagpapatuloy lang sa pagkain. Kaya ang kaninang nagtataka kong ekspresyon ay mas lalong tumindi. Salubong ang dalawang kilay ko silang pinagmamasdan.


Nang mukhang hindi na maatim ni Leon ang paninitig ko sa kanila ay pabalya niyang binitawan ang mga hawak na kubyertos. "They left. Kaninang madaling araw," walang ganang wika nito.



"Huh? Saan daw sila nagpunta?"



This time, si Jea naman ang pabalyang bumitaw sa hawak na kubyertos na nakaagaw ng atensyon ko. "Pwede ba, Gel? Umalis na lang tayo dito?"


"Huh? E, bakit? Ano bang sinabi sa'yo ni Zach? Sinabi njya ba yung dahilan ng pagkaka-engaged ni Nate?"



Huminga siya ng malalim. Tila nagtitimpi. "Hindi. Wala siyang sinabi. Dinala niya lang ako sa loob ng kotse niya at kahit anong pilit ko sa kanya ay hindi siya nagsasalita."



Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Diego kaya napabaling ako sa kanya. "I'm starting to get annoyed, really. Nate didn't explain anything to us no'ng tinangka namin siyang kausapin kaninang papaalis sila. And I bet, he didn't also explain to you?" dahan dahan akong tumango sa sinabi ni Diego.



Nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata. A-ano bang nangyayari? Ayaw na ba sa'kin ni Nate?


"Ilayo natin si Angel," suhestiyon ni Jea.




"Really? 'Yan na ba ang best idea mo, Jea? You know Nate. He can pull a string without any sweat just to find where on goddamn Earth is Angel," mariing wika ni Leon.



"Patawa ba s'ya? Hahanapin niya pa si Angel, gayong mayroon naman na siyang fiancée?" taas kilay na sabi ni Jea.




"But, well, we can try that idea," singit ni Diego.

Kaya naman natuon sa kanya ang atensyon naming tatlo. "Let's just try. If Nate will come and find Angel. Then, Angel should shoo Nate away right?" tumango naman ang dalawa sa sinabi ni Diego.


"So, paano kung pilitin niya si Angel na sumama sa kanya?"



"Then we'll butt in. I'm gonna say that I like her or maybe Leon."


"Huh? Paano naman magiging epektibo 'yang naiisip mo, Diego?" tanong ko.


"Trust me," he said and winked at me.




Nang araw ding iyon ay umalis kami sa bahay ni Nate at dumiretso kami sa bahay ni Leon.


Leon suggested na siya na daw ang magkukunyaring may gusto sa akin. Since nanggagalaiti naman daw siya kay Nate. I didn't get his point but I still agreed.


Hinatid nila akong tatlo sa kwartong ipinahiram sa akin ni Leon at hindi naman nagtagal ay hinayaan na rin nila akong makapagpahinga.


Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa mga sigawan at kalampag na nanggagaling sa labas.

Pupungas pungas akong bumangon. Napapikit ako nang mabigla ang mata ko sa biglaang exposure sa liwanag kaya bahagya ko itong kinusot habang pababa ng hagdan.



Nang nasa hamba na ako ng pinto ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Nate sa gate nila Leon. Nakahalukipkip si Leon habang pinapanuod ang pagkalampag ni Nate sa gate niya. Habang nakapameywang naman si Jea at masama ang titig kay Zach at si Diego na nakapamulsang nagmamasid.

Nang biglang napatingin si Nate sa banda ko ay mas lalo niyang kinalampag ang gate. "Fuck you, Leon! Give me my Angel back!" Nate said in his gritted teeth.


"Just so you know, Nate. Angel's not yours anymore the moment na nagkaroon ka ng fiancée," panunuya ni Leon. "At gusto ko lang ring sabihin na, I'm going to pursue her," dagdag niya at agad na tumalikod at nagsimulang naglakad papasok.



"Asshole!" nakita kong bumunot ng baril si Nate ikinasa niya ito at itinutok sa nakatalikod na si Leon.



Nanlalaki ang mga mata kong nagsimulang naglakad palapit. Nakita ko namang lumapit si Zach kay Nate at may kung anong ibinulong. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit ay pumihit si Leon paharap kay Nate na may hawak na ring baril. Hindi ko namalayang bumunot siya ng baril. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.


Nakatutok ang baril nila sa isa't isa. Parehas madilim ang anyo. Naglakas ako ng loob maglakad palapit kahit na natatakot ako na baka may isang magpaputok sa kanila.




I saw Nate glanced at me. Abot abot ang tahip ng dibdib ko habang papalapit sa kanya.



Tila nanlambot naman ang ekspresyon niya at dahan dahan nang ibinababa ang baril na nakatutok sa kaibigan nang marinig naman ang isang putok ng baril. Atomatikong napatakip ako sa aking mga tainga at nahihintakot na lumingon kay Leon na nakataas ang kaliwang kamay na siyang nakahawak sa baril.




"Hanggang diyan ka lang, Angel. You shouldn't get near him," madiing wika ni Leon.




"And who are you to tell her what she gonna do?" galit na turan ni Nate.



Hindi pinansin ni Leon ang sinabing iyon ni Nate. Itinago na niya ang hawak na baril atsaka muling humalukipkip. "Sabihin mo na ang sadya mo. Bilisan mo dahil kakain na kami."



Pumikit ng mariin si Nate bago huminga ng malalim na tila ba'y pinapakalma ang sarili. Nang magdilat ng mga mata ay sa akin agad nakatutok ang mga iyon. "Angel, I'm sorry. Hear me out, please?"



Nakatitig lang ako sa mga mata niya bago bumuntong hininga at lumingo sa banda ni Leon.




"P-Pwede ba na..." hindi ko alam kung tama ba na sabihin ito pero wala akong choice. Mahihirapan kaming magkaintindihan dito. Baka makaistorbo pa kami sa ibang tao.


"What is it?" tanong ni Leon.



"Pwede bang sa loob nalang tayo mag usap usap? Para mas magkaintindihan tayo."




Tinignan ko ang mga reaksyon nila. Wala namang ipinakitang violent reaction sila Leon at Diego. Samantalang nakaawang ang mga labi ni Jea na tila ba hindi makapaniwala sa aking tinuran.



Nang mapadako ang paningin ko sa banda ni Nate ay nakita kong lumiwanag ang mga mata niya.











The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon