Chapter 21

117 5 2
                                    

Nagising ako sa nagwawalang ingay mula sa alarm clock na nasa table katabi nitong kama. Pinatay ko ito bago umupo at nag unat unat. Humikab pa ako at sumulyap sa orasan bago tumayo para mag ayos para sa trabaho.


Hindi naman nagtagal ay natapos akong mag ayos kaya bumaba ako ng bagong ligo at bihis na bihis na ng pamasok. Tumungo ako sa kusina para magluto ng agahan. Sinabihan ko na sila ate na gusto kong ako ang nagluluto ng pagkain. Kabayaran na rin kay Nate para sa pagpapatuloy niya sa'kin dito sa bahay niya. Nakakahiya naman kasi kahit sabihin pang boyfriend ko siya.



Tapos na akong magluto at naghahain na nang marinig ko ang ingay nila. Sabay sabay silang umupo at bumati sa akin ng good morning. Nandito din si Zach dahil umuwi din siya kagabi nang nalamang umalis si Jea sa bahay.

"What are you wearing?" tanong sa akin ni Nate nang maupo ako sa tabi niya.


"Huh?" naguguluhang tugon ko at tinignan pa ang suot. "Damit," I smiled cheekily at him. He groaned as a response that gained a laugh from me.


Naagaw ni Leon ang atensyon ko ng humahagalpak ito sa tuwa. "Panes ka pala kay Angel, Nate, eh."



Tumikhim siya at umayos ng upo ng makita ang matalim na tingin ni Nate. "Sabi ko nga, eh."


Nate asked me again the same question. "Why are you wearing like that?"




"Eh syempre papasok ako," I said in a matter of fact tone as I put bacon and a toast on his plate.



"Who told you that you're going to work?"


"Uh.... Ako?"


He hissed on my answer. "You're not going to work. Not today and tomorrow. Ever."




"Huh? Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ko sa kanya.




"I terminated you being my secretary."





"A-ano? Teka... Paano na ako?"




"Anong paano ka na?" he asked.




"Paano ako mabubuhay kung wala akong trabaho?"




He chuckled and shook his head. "Darling, you don't need work to live. I can provide for you. Anything you want."





"Huh? Hindi naman kita asawa, eh."




He grinned at me. "What? You want me to marry you? I'll marry you then. Lets get married."





"A-ano? Teka, hindi naman kasi iyon ang ibig kong sabihin, ano ba!" nagugulantang na sagot ko. Ano ba 'to! Nakakahiya naman!




He laughed at me. "Tsk, you don't want to marry me?" he asked me as he stifle a smile.




Halos mahinuha ko na kung gaano na kapula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. "Hindi naman sa gano'n.... Pero, kasi.... Ewan! Bahala ka nga!" naiinis na sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya at kumain nalang.

Sabay sabay silang nagtawanan sa tinuran ko. "Ang cute ni Angel," natatawang sabi ni Diego.


Tumikhim si Nate at seryoso akong tinignan. "But, seriously love, I already have a new secretary."

I pouted and looked away at him. "Hey, if you'll gonna miss me so bad just by staying here you can always come with me in the office."

"Sinong nagsabing mamimiss kita?" pagsusungit ko sa kanya na umani ng tawanan at pang aasar mula kayla Zach na kanina ay nananahimik. I playfully smiled at him before I nod. "Sige, sabi mo 'yan ha? Ayokong dito lang ako lagi. Nakakaboring mag-isa sa malaking bahay na 'to."

The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon