Chapter 29

111 4 0
                                    

Sumang ayon si Leon sa sinabi ko kaya naman narito kami ngayon sa sala. Katabi ko si Jea, si Leon, Diego at Zach naman ay parehong mga nakatayo. Samantalang si Nate ay nakaupo sa harap ko.





Tumikhim siya bago nagsalita. "Baby, I'm sorry," aniya.







"Tss, baby ampucha," inis na bulong ni Jea kaya napabaling ako sa kanya gayon din si Nate.







"I know I've been an asshole for not giving you any word."







"Buti alam mo," muling bulong ni Jea na tila ba siya ang kinakausap ni Nate.








Nakita kong nagbago ang ekspresyon ni Nate. Unti unting kumukunot ang noo niya pero huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.







"It's not really what you think--"







"Sus, kunyari it's not really what you think. Huli na nga magdadahilan pa," putol ni Jea sa sinasabi ni Nate.








Nakita ko ang paglingon niya sa banda ni Zach at ang pag irap niya dito kaya hindi ko naiwasang bahagyang mapatawa. Iiling iling na lumapit si Zach sa kanya at hinawakan siya sa palapulsuhan.







"Let's go. You just keep on interrupting," wika ni Zach at tuluyan nang dinala si Jea palabas.








Ngayong tahimik na ang paligid ay nakaramdam naman ako ng tensyon. Binaba ko ang tingin sa aking mga kamay na nakapatong sa aking tuhod.







"My engagement with Jinna is just for a show," diretsong sabi niya na nakapagpaangat ng paningin ko.








Nilingon ko sila Leon sa gilid at nakita kong nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin kay Nate. Wala sa sariling naupo silang dalawa bago nagsalita. "Don't tell me..." pabiting saad ni Leon.







"Yes, you fucking idiot," masungit na sagot ni Nate.







Naguguluhan man ay hindi ako nagsalita. Muling bumaling sa akin si Nate at tinitigan ako. "She is the daughter of my enemy. I just need her. I will just use her to get to her father. But I'm not really going to marry her. Do you understand me?" aniya kaya naman napatango ako.







"B-Bakit kailangan mo pang manggamit, Nate?"









Huminga siya ng malalim bago tumayo upang lumipat ng upuan sa tabi ko. "I know you wouldn't understand this. But, please, trust me on this, okay?" he said.








I just nod and I felt his lips on my forehead.








Ano man itong ginagawa ni Nate sana lang ay hindi siya mapahamak. Magtitiwala nalang ako sa mga salitang binitawan niya sa akin.






Sabay sabay kaming kumain na para bang walang nangyari.







"So, ano palang plano mo, bro? Hanggang kailan ang engagement niyo na 'yan?" usisa ni Leon.








"I don't know. But I swear, it wouldn't take a month," sagot niya pero sa akin nakatingin.







Nginitian ko naman siya. Panatag ang loob ko. May tiwala ako kay Nate.







Hindi naman kami nagtagal doon at bumalik kami ng bahay ni Nate.








Parang walang nangyaring kaguluhan sa aming lahat. Bumalik sa dati ang mga nangyayari, maliban kay Nate at Zach na madalang pa ring mapadpad dito sa bahay. Pero hindi na katulad ng dati na nag aalala kami kung napano na sila. They're now answering our texts pero ang mga tawag ay miminsan lang. I understand the situation naman because of his "show" with Jinna. I sighed.








The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon