Chapter 2

579 21 0
                                    

Sabado na nang umaga ngayon. Mamayang alas sais ng gabi ang start ng event.




Alas dose palang ng tanghali at ngayon palang ay nakahanda na ang susuotin ko para mamayang gabi. Hindi naman halata masyado na excited ako 'no? Tinawanan ko nalang ang sarili. Pero mayroon sa aking parte na hindi mapakali, na para bang may kakaibang mangyayari mamaya? Guni-guni ko lang siguro 'to dahil sa sobrang excitement na nararamdaman. Hindi ko nalang inintindi ang sarili. Humiga ako sa kama at maya-maya ay hindi ko namalayang hinatak na ko ng antok.


Alas tres nang magising ako, agad akong bumangon para maghanda. Wala pang isang oras ay bihis na ako. Hindi na ako naglagay ng kung ano ano pang kolorete sa mukha dahil bukod sa hindi ako marunong ay wala rin naman akong mga make up. Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa dingding at nakitang maga-alas kwatro pa lang. Nag aalinlangan akong umalis na dahil pakiramdam ko sobrang aga pa, kaya kumuha muna ako ng libro upang magpalipas oras.



Masyado akong nawili sa pagbabasa kaya nang muli kong sulyapan ang orasan ay maga-alas singko na. Dali dali akong bumangon at inayos ang suot, muli ko pang pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin bago ako umalis ng bahay.






Gaganapin ang event sa isang kilalang hotel. Na pagmamay ari ng kaibigan ng boss namin. 5:30 nang makarating ako dito sa hotel. Kakaunti pa lamang ang mga taong nakikita ko. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at isa lang ang masasabi ko, "WOW". As in, grabe sobrang ganda ng pagkakaayos. Halatang pinaggastusan ng malaki ang event na 'to. Hindi ako makapaniwala na isa akong "bisita" dito ngayon at hindi tagapagsilbi.






Nilibot kong muli ang paningin ko at parang nahiya naman ako sa suot ko. Napaka-simple ng suot ko kumpara sa naglalakihan at naggagandahang mga dress nila. Hindi ko nalang pinansin dahil hindi naman ako nandito para sa gown. Nandito ako para maka-experience ng bago.





~~~~




Someone's POV



"Handa na ba ang lahat?" Tanong ng nasa kabilang linya.



"Yes, boss. Okay na ang lahat. Hihintayin nalang namin ang tamang oras para mangyari ang iniuutos mo."



"Mabuti. Siguraduhin niyong walang magiging aberya sa transaction."


"Areglado, boss."






~~~


Angel's POV


Grabe. Sobrang namamangha ako sa mga nakikita ko. Pang mayaman pala talaga ang party na 'to. Nakaka-out of place.




Nililibot ko ang paligid, ina-appreciate ang kagandahan ng lugar. Nang hindi ko mapansin na may makakasalubong ako, huli na para umiwas dahil nagkabungguan na kami. Natapunan ng dala niyang wine glass ang puti kong dress.






"Look what you did to my gown! Alam mo ba kung magkano 'to? Gosh! Bakit ba pakalat kalat ka?" Galit na sabi niya habang pinupunasan ang dress niya na halos wala namang patak ng wine dahil sa akin lahat napunta ang laman ng wine glass niya.



Nakatingin na sa'min ang karamihan. Naiiyak na ako dahil sa kahihiyan at nanlalagkit na din ang pakiramdam ko dahil sa natapon na inumin sa damit ko.


"Sorry po ma'am. Sorry." Inabot ko ang table napkin na nakalagay sa isang table at akmang pupunasan ang suot niya nang bigla niya 'kong itinulak ng malakas na naging sanhi ng pagkakasalampak ko sa sahig.




"Don't you dare touch me! Aarrghhh!!! You bitch! You'll pay for this!" Pagkasabi niya non ay agad siyang tumalikod paalis.




Napatingin ako sa paligid at halos lahat sila ay nakatingin sa akin at nagbubulungan.





Dahil sa kahihiyan ay tumakbo ako palabas. Naluluha na ako, hindi ko din malaman kung bakit napakababaw ng luha ko. Naghahanap ako ng CR habang umiiyak pa rin pero hindi CR ang natagpuan ko kundi parking lot. Biglang tumigil ang pag agos ng luha ko at saka iginala ang paningin sa paligid. Tumataas ang balahibo ko dahil sa sobrang tahimik. 





Naglakad lakad pa ako, nagbabakasakaling may makitang CR. Nang may maaninag ako mula sa kinatatayuan ko na mayroong mga nakatuxedo'ng lalaki, lumapit ako ng dahan dahan at narinig kong nag-uusap sila. Lumapit pa ako ng kaunti para marinig ang pinag-uusapan nila.






"Ilapag mo ang attache case na yan," utos ng isa.






Nagtaka ako kung anong ginagawa nila kaya naman mariin kong tinitigan kung anong nangyayari. Hindi ko namang maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya akmang aalis na sana ako nang mahatak ng kuryosidad ko kung anong "attache case" ang tinutukoy ng lalaki kaya sumilip ako upang maki-usyoso.






Nagulat ako dahil pagkasilip ko ay mga lalaking nakamaskara at mga may hawak na malalaking baril ang nakita ko. Agad akong nataranta sa nakita, at sa pagkataranta ko ay na-estatwa ako sa kinatatayuan ko hanggang sa makarinig ako ng sirena ng pulis.





Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sirena ng pulis, iniisip na wala nang masamang mangyayari sa akin. Akmang aalis na sana ako nang may marinig akong putukan ng baril at mga yabag ng mga tumatakbo. Dahil sa narinig ay napaupo ako sa sahig at napapikit ng mariin saka nagtakip ng tainga. Umuusal ako ng dasal at kung sino sinong santo na ang tinatawag ko para lang mailigtas ako at walang mangyaring masama.





Makalipas ang ilang segundo ay naging okay na ang pakiramdam ko. Pinakiramdaman ko ang paligid bago ko idinilat ang aking mga mata. Iginala ko ang paningin at nang wala nang makitang ibang tao ay tumayo ako. Ramdam ko ang panginginig ng binti ko kaya napahawak ako sa pader. Pero... teka bakit parang ibang pader itong nararamdaman ko sa palad ko? Unti unti kong inangat ang tingin ko sa "pader" at nang makitang isang mataas na lalaki na nakasuot ng maskara ang nakita ko ay patay malisya akong tumalikod. Sigurado akong isa ito sa mga lalaking nakikipagbarilan kanina! Akmang aalis na ako nang may maramdaman akong matigas at malamig na bagay sa ulo ko. Nanigas ang buong katawan ko sa aking kinatatayuan. Maglalakas loob sana akong lilingon pero bago ko pa magawa yon ay idiniin niya sa ulo ko ang bagay na iyon.




"Move, then you'll die."





Huling narinig ko bago ko maramdamang may matigas na bagay na ipinukpok sa ulo ko, and everything went black.
















♥ 

The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon