Chapter 22

111 4 0
                                    

September 14 ang death anniversary ni Lola. Ngayon din ang araw na 'yon. Kaya papunta kami ngayon sa sementeryo kasama sila Zach.






Dumaan kami saglit sa isang flower shop para bumili ng bulaklak para sa lola ko. Nang makarating kami sa sementeryo ay agad akong bumaba at dumiretso sa bilihan ng kandila sa bungad ng sementeryo.





Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Nate papasok sa sementeryo. Habang ang kabila ko namang kamay ay bitbit ang kandila'ng binili at siya ay bitbit ang bulaklak. Si Zach ang may dala ng basket na naglalaman ng pagkain, si Diego ang may dala sa sapin na uupuan namin habang si Leon ay prenteng naglalakad ng walang dala kaya naman kinakantyawan siya ng dalawa na siya namang dinidedma nito.





Nang makarating kami sa puntod ng yumao kong lola ay inilapag ni Nate ang biniling bulaklak samantalang ako ay  agad na nag-squat para alisin ang mga nakaharang na dumi para mabasa ang pangalan ng lola ko.







Aurora L. Joaquin

September 14, 1945 – September 14, 2015









"Namatay ang lola mo Angel mismong birthday niya din?" tanong ni Leon habang naupo sa nilatag na sapin ni Diego.






Mapait akong ngumiti bago tumango sa kanya. Nilabas ko sa supot ang biniling kandila at sinindihan ito bago nag usal ng maiksing panalangin sa kanya.






"Hello po, Lola, limang taon na din pala kayo d'yan sa heaven ano? Parang kahapon lang kasama pa kita." pabulong kong wika na marahil ay narinig pa rin nila dahil ni isa ay walang lumilikha ng ingay sa kanila.







Ang nangingilid kong luha kanina pa ay pumatak na. Hindi na siguro kinaya ng mga mata ko ang bigat ng naipong mga luha. Mabilis ko namang pinalis iyon at nag angat ng tingin. Tumingala ako sa nakatayong si Nate na mariing nakatitig sa akin kaya nginitian ko siya. Inabot ko ang kamay niya at sapilitan itong pinaupo.







"Akalain mo 'yon, 'La? Dati po ako lang mag-isa ang nagpupunta ngayon pero ngayon may kasama na ako," pilit kong pinasigla ang boses at bumaling kay Nate. "Lola, si Nathaniel Wren po, boyfriend ko." nakangiting wika ko. "May mga kaibigan na din po pala ako, Lola. Gusto ko sanang ipakilala sa inyo si Jea, pero kasi po wala siya dito. Baka sa susunod nalang.  Ito nga po pala si Leon, Diego, at Zach," lumingon ako sa banda nila at isa isa ko silang tinuro.






Muli kong binalik ang tingin sa lapida ng lola. "Mga kaibigan ko po. Dati po 'no? Halos wala akong kaibigan, pero ngayon nag uumapaw na ako sa kaibigan," humagikhik ako bago tuluyang naiyak.






Naramdaman ko namang ang mga braso ni Nate na pumulupot na sa akin. "Miss na miss ko na po kayo, Lola. Kung ako lang ang masusunod ay gusto ko na po kayong sundan diyan sa taas," naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Nate matapos kong sabihin iyon. Kaya naman inangat ko ang kaliwa kong kamay at inihawak sa braso niyang nakayakap sa akin.






"Pero dati lang po 'yon, Lola. Dati no'ng hindi ko pa nakikilala si Nate. Siya po ang nagbigay ng panibagong pag-asa sa akin. Sila po ng mga kaibigan ko ngayon." kinalas ko ang mga braso ni Nate na nakapulupot sa akin.






Nang magtagumpay ay pumihit ako paharap sa kanya at dinala ko ang dalawang kamay sa mukha niya para hawakan ito matama ko siyang tinitigan sa mga mata. "Ipangako mo na hinding hindi mo ako iiwan," napuno ng pag-asa ang boses ko at lihim na nagdadasal na sana ay mangako siya.





Dinala niya ang isang kamay sa kamay kong nakahawak sa mukha niya at marahan itong dinama at pinisil na para bang binibigyan ako ng assurance. "I promise, and I promise not to break my promise," natawa naman ako at niyakap siya agad.






The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon