Chapter 4

537 15 0
                                    

Maganda ang gising ko. Hindi ko alam kung bakit, kulang naman ako sa tulog pero pakiramdam ko punong puno ako ng energy. Linggo ngayon, kaya naman walang pasok. Nag mumuni muni lang ako dito sa bahay. Wala din naman akong ibang magawa dahil bukod sa wala akong TV, eh wala rin akong mapaglibangan, tanging pagbabasa lang ng libro ang ginagawa kong pampalipas oras gaya nalang pag wala akong trabaho. 


 

Times flies so fast at monday na naman. As usual, may trabaho. Nakangiti akong naglalakad papasok sa building na aking pinagtatrabahuan. Binabati ko ng Good morning ang mga nakakasalubong.




Kakarating ko lang sa quarters namin nang bigla naman akong kinalabit ni Lea, "Angel, pinapatawag ka ni Madam,"




"Bakit daw?"




"Ewan ko eh, basta pumunta ka nalang don sa office niya,"



"Okay, Thank you,"



Napaisip ako kung anong nagawa ko, wala naman? Kaya
nagtataka ako habang naglalakad papunta sa office ni Madam Grace, ang Head ng HR.



Kumatok muna ako bago pumasok. "Good morning po, Madam," bati ko.



"Good morning, Ms. Joaquin. Please take a seat," turan nito.



Nginitian ko siya bago ako umupo, "Uh, Madam bakit niyo po ako ipinatawag?"



"Oh, regarding that Ms. Joaquin, You can't work here anymore."



Nanigas ako sa narinig. Hindi ko naproseso agad pero kailangan kong sumagot.



"P-po? Ma'am naman... bakit po? w-wala naman po akong matandaang may nilabag akong panuntunan sa kumpanyang to," naiiyak kong sabi saka yumuko upang itago ang mga nagbabantang luha.




"God," natatawang sinabi ni Madam Grace, kaya napaangat ako ng tingin sa kanya mula sa pagkakayuko.




"Ms. Joaquin, don't cry, okay? What I mean is, You've been transfered to another company, so you don't have to worry and most especially, don't cry," napaluwag ang damdamin ko dahil sa sinabi ni Madam, hindi pa naman pala ako mawawalan ng trabaho buti na lang.



Agad naman akong nagtaka bakit ako na-transfer? Kaya napabaling ako sa kanya upang magtanong.

The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon