Chapter 15

210 9 2
                                    

Kinabukasan ay nagising akong mahapdi ang mga mata. Tinignan ko ang sarili sa salamin at nakitang mugto ang mga mata. Napabuntong hininga nalang ako.




Hindi ko napagilang umiyak kagabi dahil sa nangyari. Hindi ko maintindihan si Nate. Ganon niya ba tratuhin ang taong gusto niya? Napailing nalang ako sa naisip at bumangon para maghandang pumasok.



Habang nagsasabon ay napansin ko ang brasong bahagyang nangingitim. Magkakapasa ata dahil sa higpit ng hawak kagabi ni Nate. Napangiti nalang ako ng malungkot bago tinapos ang pagliligo. Nang makapag ayos na ay agad na akong umalis para pumasok.


Pagkarating ko sa trabaho ay kumunot ang noo ko sa nakita sa desk. Isang rose at paper bag ng isang mamahaling coffee shop sa baba. Hindi na ako nagtaka kung kanino galing ito, kay Nate, wala nang iba pa. Mas maaga pala siyang dumating kesa sa akin.



Hindi na ako nag inarte pa at kinain ko na ang cheesecake at inubos ang kape dahil hindi pa naman ako nag aalmusal. Tumayo ako para itapon ang basura nang bumakas ang pinto ng opisina ni Mr. Wren at iniluwa siya nito. Hindi ko siya pinansin at bumalik sa pwesto ko nang dumaan ako sa tapat niya ay hinawakan niya ang braso ko kaya napaigik ako.





Nilingon ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa braso ko. Sinundan ko naman ang tinitignan niya at nakita ang brasong bahagyang nangingitim. Binawi ko ito at dumiretso sa mesa ko at kunwaring inabala ang sarili sa pagbabasa. Sinulyapan ko siya at nakitang nandoon pa din siya at nakatayo.




Lumingon siya sa banda ko kaya agad kong binawi ang paningin at ibinalik sa binabasa. Lumapit siya sa gawi ko at lumuhod bago marahan na hinaplos ang braso kong nasaktan.




"Did..... A-am I the one who did this?" he whispered while looking at my arm.




Dahan dahan naman akong tumango at tinitigan siya. Mariin siyang pumikit at mahinang nagmura bago tumayo at pumasok sa opisina niya.





Hindi naman nagtagal ay lumabas siya at pumunta ng pantry. Pagkabalik ay dumiretso siya sa pwesto ko at muling lumuhod.




Dinampi niya ang panyo niyang nakabalot sa yelo sa braso ko. Nakatuon doon ang atensyon niya habang marahan niyang dinadampi ito.




"S-sorry...." mahinang usal niya.




"Ha? Ano yon?" tanong ko kahit narinig ko naman.



He looked at me with his brows furrowed, and I looked back at him innocently. He growled before saying it again. "I said, I'm sorry."




I smiled and caressed his hair. Inangat niya naman ang paningin sa akin. Kaya inilagay ko ang kamay sa pisngi niya at tinitigan siya sa mata.




"Ganyan dapat, Nate. Learn how to say sorry. Kung alam mong ikaw ang nagkamali. Hindi mo naman ikamamatay ang humingi ng tawad e," marahang wika ko at nginitian siya.



Yumuko siya kaya inilagay ko ang isa ko pang kamay sa pisngi niya para iangat ang mukha niya sa akin.



Nakangiting nakatitig ako sa kanya. Ang gwapong nilalang naman nito. Hindi tuloy ako makapaniwalang may gusto siya sa akin. Sa akin na simple lang naman at walang maipagmamalaki.




"Sorry din, Nate. Kung naging ganon ang asta ko kagabi." he smiled at him and hold my hand that's resting on his face.



"Its okay." aniya at unti unti na niyang inilalapit ang mukha sa akin.





The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon