Chapter 13

235 8 2
                                    

Matapos ang nangyari sa amusement park ay hindi ko na nakita pa si Mr. Wren. Hindi ko alam kung bakit pero nag aalala ako. Wala siyang hinabilin kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Buti nalang wala masyadong nakaschedule na important meetings si Mr. Wren kaya hindi masyado nakakastress yung mga nagpapa appointment lang talaga ang problema dahil hindi ko rin masabi sa kanila kung kailan sila pwedeng magkaroon ng appointment.



Hindi ako mapakali dahil simula nong umamin sa akin si Nate ay halos hindi na ako makatulog pa. Hindi pa din nagsi-sink in sa akin ang nangyari sa amusement park. Gusto ko siyang kausapin kung seryoso ba siya don o ano, pero paano? Gayong hindi ko siya mahagilap?

"Hayst!" naiinis kong wika atsaka ginulo ang buhok bago dumukdok sa lamesa.


Agad ko din namang inangat ang ulo para tignan ang oras sa wall clock. Napabuntong hininga nalang ako. Alas singko na nang hapon, ibig sabihin tapos na ang oras ng trabaho para sa araw na 'to. Ni hindi ko manlang nakausap o nasilayan si Nate. Ano? Nasilayan? Nababaliw kana ata talaga, Angelina.


Napagpasyahan kong umuwi na kaya niligpit ko na ang mga gamit ko, nang biglang tumunog ang elevator indikasyon na may dumating. Agad kumunot ang noo ko. Wala naman na akong inaasahang dumating ngayon dahil tapos na ang office hours. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong maalala si Nate! Bumilis ang tibok ng puso ko sa pag asang makikita ko na siya pero nabigo din nang makita ko si Leon na naglalakad patungo sa pwesto ko. Napaupo nalang ako sa dismayang nararamdaman.



"Oh, disappointed ka ata na ako ang nakita mo?" wika ni Leon nang makalapit sa akin at bahagya pa siyang natawa.



Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at binigyan siya ng maliit na ngiti. "Anong kailangan mo? Wala si Mr. Wren eh."



"Alam ko. Pinasundo ka niya, tara!"




Nalilito man ay agad na akong tumayo at sumunod sa kanya nang magsimula na siyang maglakad papuntang elevator.




Nang makarating kami sa parking lot ay agad niyang pinatunog ang kotse niya. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto ang umusal ako ng mahinang pasasalamat.




Nang umaandar na ang sasakyan niya patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan ay pasulyap sulyap ako sa kanya. Hindi naman ako kinakabahan na sumama ako kay Leon kahit na hindi ko alam kung saan kami pupunta. Tiwala naman ako sa kanyang hindi niya ako ipapahamak.




"Oh? kanina ka pa pasulyap sulyap diyan, Angel. Ano bang itatanong mo?"


Napakagat ako sa labi at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung itatanong ko ba dahil pakiramdam ko ay wala naman akong karapatan. Sa huli ay napabuntong hininga nalang ako at hindi na napigilan ang sarili.


"Uh, ano.... Si Mr. Wren? Kumusta siya? Hindi kasi siya pumapasok sa trabaho."



Humalakhak muna siya at lumingon sa side mirror bago ako bahagyang nilingon at sinagot. "Wag kang mag alala, Angel. Ayos na ayos yon si bossing! May inaasikaso lang na mga bagay bagay."


Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Anong mga bagay yon? Assistant niya ako. Dapat alam ko 'yong mga 'yon."



Binigyan niya naman ako ng ngiting alanganin at napapansin kong kanina pa siya tingin ng tingin sa side mirror at sa akin. Bahagya ding bumibilis ang takbo ng sasakyan na kanina lang ay nasa tamang bilis.



Kinuha niya ang cellphone niyang nakapatong sa dashboard at may tinawagan.

 

"Code red. Locate," iyon lang at agad niyang ibinaba ang tawag at sinulyapan ako.

The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon