Chapter 10

295 11 6
                                    

"Good morning po," agad akong tumayo at bumati nang makita ko ang tatlong kaibigan ni Mr. Wren.







"Magandang umaga para sa magandang binibining katulad mo," nakangiting ani ng isang morenong may dimples, lagi siyang nakangiti kaya halatang halata ang mga ito. Leon ata ang pangalan nito.






"Good morning, Miss Joaquin," bati naman ng isa na mukhang masungit. Kung tama ang pagkakaalala ko ay Zach ang pangalan niya. Maitim ang mga mata niya at may pagkachinito kaya kung pagmamasdan mo ay mukha talaga siyang masungit.




"Hi, Angel," bati naman ng isang pinaka mukhang pormal sa kanilang lahat.







Nginitian ko sila pabalik. Ihahatid ko na sana sila papasok sa opisina nang bigla nila akong pigilan.






"Sandali, Miss Angel. 'Wag mo munang sabihin na nandito kami, may mga kaunting itatanong lang kami sa'yo." ani Leon, "Anong kami? Ikaw lang ugok!" sabat ni Diego at binatukan pa si Leon. While Zach hissed as an answer.








Nagtataka man ay pinagbigyan sila baka importante ito. "Ano po ba iyon?"







"Hindi ka ba nililigawan ni Mr. Wren?" agad na sagot sa akin ni Leon.








Halos masamid ako sa sarili kong laway sa narinig. Akala ko kung ano. Teka, ano daw? Ako? Nililigawan ni Mr. Wren?







"Naku, hindi!" mabilis kong sagot at umiling iling pa.








Madalas kaming magkasabay kumain ng lunch ni Mr. Wren. Marami na rin kaming napag uusapan tungkol sa buhay ng isa't isa. Masasabi kong magkaibigan na kami. Pero ang nililigawan niya ako? I wish.








"Talaga?" wika ni Leon at mapaglarong ngumisi.








Tumango naman ako bilang sagot. Sakto naman no'n ang paglabas ni Mr. Wren sa opisina niya. Binalingan ko ang relo sa palapulsuhan ko at nakitang alas dose na pala.









"What the fuck you fuckers are doing here?!" he snorted.









"Kalma, napadaan lang kami," si Leon ang naglakas loob na sumagot. Tinignan ko ang dalawa at parehas lang silang nakangisi kay Mr. Wren na animo'y nangaasar.







"Napadaan? You really think I would buy that you stupid fucking creatures?" he said in a spiteful tone.







Bigla namang humalakhak ang tatlo na akala mo ay nanunuod ng nakakatawang palabas. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Nang magawi ang tingin sa akin ni Mr. Wren ay agad kong inalis ang ngiti ko.






"Let's go," aniya.






"Uh....." binalingan ko ng tingin ang tatlong kaibigan niya, "Paano sila?"







"Tss. Don't mind them," he said in annoyance.






Siya na ang kumuha ng bag ko at saka ako hinatak papuntang elevator.






"Ingat sa date! Humayo kayo at magpakarami!" Sigaw na pang asar ni Leon. Huminto ng lakad  si Mr. Wren ngunit bago pa 'ko makalingon ay nagsimula na muli siyang maglakad matapos no'n ay narinig namin ang walang humpay nilang halakhak kaya nagtataka naman akong sumunod na lang.







"Assholes," he whispered and shook his head.








Pakiramdam ko ay sobra na ang pamumula ng mukha ko. Ano ba naman kasi 'yong sinasabi nila? Nakakahiya kay Mr. Wren. Palihim ko s'yang tinignan nang nakapasok na kami sa loob ng elevator.







The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon