Chapter 11

273 9 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakatulog isang lunes ng umaga. Nagising akong pawis na pawis at hinahabol ang hininga.




"A-Ano 'yon? Bakit gano'n ang napanaginipan ko?" mahinang usal ko.







Napanaginipan ko na takbo daw ako ng takbo, nang lumingon ako sa likuran ko ay nakita ko si Mr. Wren na galit na galit ang mga matang nakasunod sa akin at may hawak na baril sa magkabilang kamay.





Kahit anong takbo ko ay hindi ako makalayo sa kanya. Hanggang sa makarating ako sa isang matayog na pader. Dead end.




Lumingon ako sa banda ni Mr. Wren at nakita ko siyang nakamasid sa akin na may nakapaskil na nakakatakot na ngiti sa kanyang mga labi.



"Stop running, Angel. You can't escape from me." He said and lift his right hand holding a gun. And he also lifts his left hand holding the other gun and suddenly he shifted his position. I was taken aback, I thought he's going to shoot me. But I guess, I was wrong.



From standing straight looking directly at me, ay bigla siyang tumalikod sa akin, bigla na lang ay may grupo ng kalalakihan ang nakatayo sa likuran ni Mr. Wren at isa isa n'ya itong pinagbabaril.


Ngunit mayroong nakalusot kay Mr. Wren at tinutukan ako ng baril mula sa malayo. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Mula doon ay napako ako at halos mawalan ng hininga. Nang biglang iputok ng lalaki ang baril, sakto naman ang paglingon ni Mr. Wren sa banda ng lalaki ngunit huli na. Nabaril na niya ako at natamaan ako sa bandang tagiliran, binaril naman agad ito ni Mr. Wren at agad tumakbo papunta sa pwesto ko.



"A-Angel? Fuck. No! Don't leave me..."  nangingilid na wika ni Mr. Wren.






"....I love you so much,"




Iyon lang at nagising na ako. Ang weird. Nakakatakot ang napanaginipan ko. A-Ano 'yon? Bakit gano'n ang napanaginipan ko?




Inabot ko ang cellphone ko na nakalagay sa ilalim ng unan ko para tignan ang oras. Alas siyete na pala.




Tumayo na ako para mag asikaso. Wala akong pasok ngayon. Birthday kasi ni Mr. Wren. Napagdesisyunan niyang mag celebrate kasama ako at ang mga kaibigan niya. Pakiramdam ko tuloy ay parte na ako ng squad nila. Napangiti naman ako sa naisip ko.








Nang matapos maligo ay namili ako ng susuotin. I chose to wear a white sleeveless top, mom jeans partnered with a white sneakers. Mainit ang panahon ngayon kaya naisipan kong mag sleeveless. Alam ko din namang hindi kami sa isang mamahaling restaurant ngayon dahil bumili kami ng ingredients kahapon ni Mr. Wren dahil aniya ay siya daw ang magluluto.




The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon