Chapter 16

184 8 5
                                    

hello!! hindi ko alam na may ibang nagbabasa nito bukod sa kaibigan kong si Divine (shout out sayo bal akdkskd) thank you so much!! namotivate tuloy akong magsulatfeel free to leave comment po to inspire me hehe!! to @ ClaireCalderon this one's for you!! Enjoy ❤




*


"Angeeel, tara lunch na tayo!" aya sa akin ni Jea.





Nginitian ko siya bago sumagot, "Talagang dinayo mo pa 'ko dito, sana tinext mo nalang ako para 'di ka na nag abala."








"Nako! Ayos lang 'no! Namiss ko din namang pumunta dito. Alam mo na, no'ng mga panahong MIA si Sir dito ako tumatambay."







Nakangiting umiling nalang ako sa sagot niya at ipinagpatuloy ang pag liligpit ng mga nakakalat. Nang matapos ay agad na kaming tumungo sa cafeteria sa baba.







Naka-order na kami parehas ni Jea at magsisimula na sanang kumain nang biglang mag ring ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller ID at nakitang si Nate ang tumatawag.









"Oh? Si boss? Sagutin mo na baka emergency." wika ni Jea at nagsimula nang kumain.







Sandali ko pang tinitigan ang hawak na cellphone bago napagpasyahang sagutin.







[What took you so long to answer?] pambungad na bati sa akin ni Nate.







"Uh, hello."





[Tss..] he hissed. [Hi... Where are you? You're not in your workplace.]








I looked around before answering him. "Nasa cafeteria. Bakit?"





Iyon lang at naputol na ang tawag. Dahan dahan kong inilayo ang cellphone ko sa tainga at nagtatakang tinitigan ito bago inilapag sa lamesa at nagsimulang kumain.






Kumakain kami ng matiwasay ni Jea at nagkikwentuhan ng kung ano ano nang biglang parang mga naging bubuyog ang tao dito sa cafeteria. Nagkatitigan kami ni Jea bago inilibot ang paningin sa paligid. Nang parehas naming makita ang dahilan ng komusyon ay nanlalaki ang mga mata naming muling nagkatitigan.






"Si Sir!!" pabulong na histerikal ni Jea. "Anong ginagawa niyan dito? Kaya pala parang mga bubuyog kung mag ingay 'tong mga haliparotchi na 'to!"







Ipinagsawalang bahala ko iyon at kibit balikat na nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman nagtagal ay nahinto ulit ako dahil sa taong naglapag ng tray sa tapat ko. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Nate na mariing nakatingin sa akin. Kunot noo ko siyang tinitigan hanggang sa makaupo siya.






Samantalang mas lalong lumakas ang bulungan sa paligid. Laking pasasalamat ko nalang at wala akong naririnig ni anumang pinag uusapan nila. Siguro sa takot nila sa taong nasa harapan ko ay takot silang mag salita ng ayos.






"Bakit ka nandito, Sir?"







"Am I not allowed here?"








Sumulyap ako kay Jea na nasa tabi kong hindi na rin natuloy ang pagkain. "Ah... Hindi naman, kasi ano... Nakakagulat lang,"







He gave me a small smile and he gestures his hand towards my food. "Continue to eat. Don't mind me here."







I pursed my lips before I resume to eat. Siniko ko ang katabi ko at para naman siyang nagising sa pagkakahimbing at tumingin sa banda ko. "Kumain ka na."






The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon