Chapter 9

361 11 9
                                    

Angel's



Maaga akong nagising nang sumunod na araw para pumasok. Pikit mata kong nililinisan ang sugat sa leeg kahit labis na nangangatal ang mga kamay.





Nagsimula akong magkaroon ng homophobia nang patayin ang mga magulang ko sa harap ko mismo. Matapos looban ang bahay namin. Sa edad na limang taon ay ulila na ako. Kaya napunta ako sa lola ko at siya ang nagpalaki sa akin.




Gusto kong mawala na ang takot ko kaya heto, pinipilit kong labanan ang takot at nginig na nararamdaman. Nagtagumpay naman ako pero labis pa rin ang pangangatal ng kamay ko kaya nagpalipas muna ako ng ilang minuto. Nang bumuti na ang pakiramdam ay agad na akong tumayo at umalis.




Medyo natraffic ako kaya pagkadating ko ay andyan na daw si Mr. Wren, kinabahan ako dahil baka magalit siya pero ang kabang nararamdaman ay napalitan ng pagtataka ng may makitang isang tangkay ng rosas sa ibabaw ng lamesa ko.





"Kanino galing ito?" mahinang tanong ko kahit alam ko na walang sasagot sa akin.




Inabot ko ito at nagulat nang may maliit na papel ang nahulog. Agad kong dinampot iyon para tignan, meron palang nakasulat, marahil galing ito sa kung sino mang nag iwan ng rose sa lamesa ko.




"Have a nice day"





Iyon lang ang nakasulat sa papel. Napangiti naman ako at muling napatingin sa bulaklak na hawak ko. Ganito pala ang feeling ng makatanggap ng bulaklak? Nakakataba ng puso.




Tinimplahan ko muna si Mr. Wren ng kape bago ako pumasok sa opisina niya.





"Uh, good morning Mr. Wren, sorry po medyo nahuli ako," wika ko habang bahagyang nakayuko.





"It's okay," he said, and I nod as an answer.






Akmang tatalikod na ako para umalis ng pigilan niya ako, "Wait," lumingon ako sa kanya, "Yes Mr. Wren?" I asked.






"Have you seen the rose?" he suddenly asked.






Napangiti naman ako atsaka tumango, "Glad you liked it," bulong niya na narinig ko naman, "Po?" naguguluhang tanong ko.





"Nothing, you may go," he said in a dismissal tone.






Nalilito man ay tumalikod na ako para umalis. Ano 'yon?






11:30 ay lumabas si Mr. Wren sa opisina niya.





"Ms. Joaquin,"






"Yes sir?"






"Do you have any plans later?"






Napaisip naman ako bigla. Naalala ko si Jea pero wala namang kaming usapan. "Uhm, wala naman po sir. Bakit po?"




"Let's go," aniya saka naglakad papuntang elevator.





Dali dali ko namang kinuha ang bag ko saka sumunod kay Mr. Wren.





Nang makarating kami sa sasakyan niya ay pinagbuksan niya ako ng sasakyan bago siya sumakay. Nakakunot noo ko siyang pinagmamasdan. Teka, ano bang nangyayari?




Kakaiba si Mr. Wren ngayon. May something sa aura niya na kakaiba talaga eh. Hindi na ako nakapagpigil ay tinanong ko na siya.



"Uh, Sir? Kung hindi niyo naman po mamasamain, ayos lang po ba kayo?" nagaalangan kong tanong.




The Devil's Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon