▫ Kabanata 1

14.7K 515 51
                                    

The atmosphere seems dull and heavy. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at aking pinapakiramdaman lamang ang paligid.

Sigurado ako na ako'y nasa ilalim pa rin ng tubig. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Kahit na kinakapos na ako sa hininga ay hindi ko pa rin ito maigalaw kahit na ang dulo ng aking daliri. I want to breath so much but I can't. Add up to that is this heavy feeling.

Tila ba may humahatak sa akin pababa ng pababa. Wala mang nakahawak sa akin pero may pwersang humahatak sa akin patungo sa pinakailalim na parte ng dagat. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko ngunit hindi ko pa rin magawang igalaw man lang mga ito. Nakakairitang malaman na hindi sumusunod sa'kin ang sarili kong katawan.

Ilang segundo ang lumipas ay naramdaman ko na ang paglapat ng aking likod sa pinakailalim na parte ng dagat. Ngunit laking pagtataka ko noong naramdaman ko na tumagos ang katawan ko rito. The sands slid off my skin as I sink.

Tuluyan ng tumagos ang katawan ko rito at hindi ko na naramdaman pa ang tubig na nakapalibot sa akin. Sa halip, malakas na hangin naman ang nararamdaman ko. Para bang bumabagsak ang katawba ko mula sa himpapawid. Ano ba talagang nangyayari?

Aki's Point of View

Nilalakbay ko ang daan pauwi sa aming munting tahanan dala ang mga tuyong kahoy na aming gagamitin upang panggatong.

Ako'y sigurado na matutuwa si ina. Marami akong napulot na tuyong kahoy ngayong araw na ito. Ito'y aabot na siguro hanggang bukas. Nasasabik na akong umuwi upang ibigay kay ina ang mga panggatong na ito.

Sa gitna ng aking paglalakbay pauwi sa aming munting tahanan, ako'y napadaan sa isang lawa. Naging interesado naman ako kaya ay nilapitan ko ito. Aking inilapag ang dalang bagahe sa gilid ng isang puno at nilapitan ang malinaw na tubig.

Sobrang linaw nito at tila hindi pa nababahiran ng maruming bagay. Nahihiya naman akong hawakan ang tubig dahil sa aking mga maruming kamay.

Napangiti na lamang ako noong gumalaw ng kaunti ang tubig. Senyas na hinahayaan niya akong siya'y hawakan at pakiramdaman. Inilubog ko ang aking kamay sa tubig at doon ko naramdaman ang daloy ng tubig.

Napakalaya. Sobrang tahimik at tila gusto niyang manatiling payapa magpakailanman. Ngumiti ako at aking nakita ang sariling repleksyon sa tubig. Katulad ng ibang mga nilalang, may kamalayan rin ang kalikasan. Minsa'y nagbibigay sila ng mga senyales ngunit hindi iyon napapansin ng lahat ng tao.

"Ika'y maganda." papuri ko sa kaniya. Ako'y napangiti na lamang noong gumalaw ang tubig at tila natuwa sa aking sinabi.

Ako'y pumikit at aking pinakiramdaman ang buong kapaligiran. Sumasabay ang mga puno at halaman sa paghampas ng hangin, payapang namumuhay ang mga hayop at maayos ang daloy ng tubig.

Ngunit nakakapagtaka na medyo malakas ang ihip ng hangin sa araw na ito. Idinilat ko ang aking mga mata at tumingin sa kalangitan. Nagulat ako noong mapagmasdan ang isang malaking hugis bilog na liwanag. Sobrang laki at liwanag nito na tila nakakasilaw na. Ito'y kulay ginto at may mga letrang nakasulat dito na hindi ko maintindihan.

Nanlaki ang aking mga mata noong aking masilayan ang isang bagay na bumabagsak mula sa himpapawid, siya'y nagmula sa gitna ng bilog na iyon. Hindi ko ito masyadong matukoy at iyon ang dahilan kung bakit sumiklab ang kaba sa aking puso. Tuluyan na itong bumagsak sa lawa kaya naman ay may tumalsik pang mga butil ng tubig sa aking balat dahil sa malakas na pagbagsak na iyon.

Excelium [Editing]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt