Kabanata 36

7.5K 400 9
                                    

Pagkababa ni Jebal mula sa puno ay inayos niya ang kaniyang pagkakabuhat sa dalawang bata na kaniyang dala.

"Let's go. It's almost moon down" sabi niya sa babae na hindi na lamang ito tinitignan at diretso lamang ang tingin sa daanan. Maglalakad na sana siya ngunit nagsalita ang dalaga.

"Wait" pagpigil nito sa kanya kaya napatingin siya rito. Nagtaka pa siya noong makita ang ginawa nito. Binunot muli nito ang sariling espada.

Isn't she satisfied?! She's already dead!

Ayun ang unang pumasok sa kaniyang isipan. Bakit nga ba nito binunot ang espada? May balak ba itong gawin sa katawan ng isang bruha? Hindi niya inalis ang kaniyang mga mata sa mga galaw nito. Nagtungo ito sa gilid ng bangkay at itinarak ang espada sa lupa. Muli nitong binunot iyon kaya naman umangat ang bahagi ng lupa na iyon.

Unti-unting kumalma ngunit bakas pa rin ang pagkagulat sa mga mata ni Jebal. Hindi siya makapaniwala habang pinagmamasdan ang dalaga na naghuhukay gamit ang espada nito. Ilang segundo siyang nakatitig sa likod nito. Ang kaninang nakaawang niyang bibig ay napalitan ng isang maliit na ngiti.

Umupo na lamang siya at inilatag ang suot na coat sa lupa upang ihiga ang dalawang walang malay na mga bata. Maliit ang ngiti niya habang pinagmamasdan lamang ang dalaga na maghukay. Hindi siya tumayo upang tulungan ito. Dahil habang nakatingin siya sa likod nito, alam na niya. Hindi gusto ng dalaga ang kaniyang tulong. Nais nitong maghukay ng mag-isa. Habang pinapanood niya itong maghukay, magpunas ng sariling pawis at ang pagtaas baba ng mga balikat nito dahil sa malalim na paghinga, may bumubuong isang bagay sa kaniyang kalooban na hindi niya inakalang kaya niyang maramdaman para sa babaeng ito na naging dahilan ng pagkatali ng kaniyang buhay sa paaralan.

Habang pinagmamasdan niya ito, wala siyang nararamdamang iba pa para rito kundi ay respeto. Nirerespeto niya ang ugali ng dalaga. Nirerespeto niya ang paggalang nito sa katawan ng isang nilalang na kaniyang nakasagupaan.

She's indeed unpredictable.

Pagkaraan ng isang oras na paghuhukay, natapos niya na rin ito. Lumapit si Zai sa bangkay ng babae at binuhat ito. Hindi ito ganoon kabigat. Marahil ay talagang ninanais nito ang isang magandang katawan. Marahan niya itong inilapag sa libingan nito at sinimulan ng tabunan ito gamit ang mga kamay.

Batid niya ang hirap. Ngunit hindi siya hihingi ng tulong sa kaniyang kasama. Gusto niya itong gawin mag-isa. Dapat niya itong gawin mag-isa. Natabunan na niya ang kalahati ng mukha nito. Pinagmasdan niya ang itsura ng unang tao na kaniyang napaslang. Nakapikit na ang mga mata nito at tila payapa ng natutulog.

Pinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa hanggang sa natapos na rin niya ito. Pagkatapos niya itong gawin ay tinitigan niya ang bahagi na iyon ng lupa. Tulala lamang siya habang inaalala ang mga nangyari kanina sa kanilang laban. Pinagmasdan niya ang kaniyang kamay na nakulayan na ng lupa. Tanda pa niya ang pakiramdam ng paghiwa ng kaniyang espada sa braso nito.

Tanda pa niya ang pagtalsik ng dugo nito sa kaniya. Tanda pa niya ang pagpatak ng dugo nito sa lupa noong lumandas ang talim ng kaniyang espada sa dibdib nito na naging dahilan ng pagkawala nito ng buhay. Tandang tanda pa niya ang pakiramdam habang pinagmamasdan ang mabagal na pagbagsak nito.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang espada. Tandang tanda pa niya na para bang sumakto sa kaniyang kamay ang hawak na patalim habang kinakalaban ito. Itinarak niya ang espada sa libingan nito at sunod ay ang paglagay ng pag-aari nitong pamaypay sa gilid ng talim nito.

Naglakad siya papunta sa kinaroroonan ni Jebal. Nakayuko lamang siya at tila malalim ang iniisip.

"Let's go" bulong lamang iyon at tila wala pang gana. Binuhat nito ang isang bata at isinakay sa kaniyang likuran. Tumango naman si Jebal at binuhat na rin ang isang bata. Lumabas na sila ng teritoryo ng babae at tinahak ang daan palabas ng gubat. Muling lumingon si Jebal sa kanilang pinanggalingan at nakita niya pa mula sa malayo ang nakatarak na espada ni Zai at ang isang pamaypay sa gilid nito.

Excelium [Editing]Where stories live. Discover now