Kabanata 39

7.4K 371 23
                                    

"Start" pagkasabi pa lamang ng kanilang guro ang hudyat, mabilis nilang sinugod ang isa't isa. They're swords clash and they're waiting for each other's opening. Napapaatras si Wein dahil sa lakas na ibinibigay ni Trois.

He gritted his teeth because of irritation. Habang si Trois naman ay tuwang tuwa at tumatawa dahil sa kasabikan at sayang nararamdaman.

Ito ang unang beses na nakalaban niya ang binata. Palagi itong naghahamon ng labanan ngunit hindi niya inakala na kaya rin pala nitong pangatawan ang mga pag-aaya nito.

Kaunting lumayo si Trois at ipinalandas ang kaniyang espada sa tiyan ni Wein ngunit mabilis nitong naiharang ang sariling espada. Tumatawa lamang si Trois na tila ba nalunod na sa sayang nararamdaman habang nagkikiskisan ang kanilang mga sandata.

Tumalon palayo si Wein ngunit mabilis siyang hinabol ni Trois at sumunod-sunod ang kaniyang pag-atake. Wein was on defense and he can't find any opening and timing to fight back.

"More. More! Swing your blade! Fight! Fight! Hahaha!" nababaliw na sabi nito at mas lalong bumilis ang atake.

Damn! That wasn't his top speed?!

Dumidiin lalo ang pagkakakagat ni Wein sa kaniyang labi tuwing napupunit ang kaniyang damit dahil sa paglandas ng espada nito dito. Kahoy lamang ito ngunit ginawa itong tunay na sandata ni Trois.

"That's enough" utos ng kanilang guro ngunit para bang walang naririnig si Trois at nagpatuloy lamang.

"I said ENOUGH!" sigaw nito kaya naman para bang bumalik sa reyalidad si Trois at tumigil na. Pinunasan naman ni Wein ang kaniyang pawis habang nakatingin siya kay Trois na kasalukuyang nakatingin sa kanilang guro. Suot pa rin nito ang palagi nitong suot na ngiti.

Naglakad na papalayo si Wein rito at naupo.

"How was it?" tanong sa kanya ni Zai noong nakaupo na siya. Inabot pa nito ang isang towel at tubig sa kanya.

"He's a monster" komento niya na ikinangiti naman ni Zai. Tumigil sa kaniyang harapan si Trois at bahagyang yumuko pagkatapos ay naupo na rin sa tabi ni Layn.

"He's a monster, but he's still our friend" nakangising sabi naman ni Axen na nasa kaniyang tabi.

"I'm glad that he's on our side" tila ba nakahinga ng maluwag na komento ni Ace. Tumayo na ito at sumunod naman ay si Axen. Nagtungo sila sa gitna at ihinanda ang kanilang sarili. Axen held the sword with two hands while Ace hold the sword on his chest and his left arm is behind his back.

"Royal Sword Technique?" bulalas ni Vyann habang nakatingin lamang sa stance ni Ace. Tumango naman ang kanilang guro bilang sagot. Noong ibinigay na ng guro ang kanilang hudyat, naunang sumugod si Axen habang nakatayo lamang si Ace at hinihintay ito.

Axen swing his sword but Ace successfully blocked it. Nagsalitan na sila ng pagkumpas ng kanilang sandata. Ace was on defense na para bang hinihintay niya ang isang oportunidad upang maatake na ito habang si Axen naman ay patuloy ang pag-atake.

Sa sumunod na pagtama ng kanilang espada, pinadulas ni Ace ang kaniyang espada sa sandata ni Axen at mabilis na pinatama ang espada sa balikat nito. Naghiwalay sila at ngumiti naman si Axen na tila inaasahan niya ang pagkatalong iyon. Ngumiti rin naman si Ace. Itinaas nila pareho ang kanilang kamay at nag-apir.

Naglalakad pa lamang sila pabalik ay mabilis ng tumayo sina Vyann at Kleiv. Mabilis silang naglakad patungo sa gitna na para bang hindi na sila makapaghintay.

Noong sila ay nagsimula, parehas silang sumugod sa isa't isa at mabilis na umatake. Halos hindi na nila makita ang pagtama ng mga sandata ng dalawa. Walang nagpatalo. Ang naririnig lamang nila ay ang pagtama ng mga kahoy na sandata sa isa't isa.

Excelium [Editing]Where stories live. Discover now