Kabanata 33

7.7K 424 109
                                    

Sabado na naman at ang ibig sabihin non ay kailangan ko na namang magpunta sa bayan para maghanap ng isang tao na maaaring sumali sa amin. Isa na lamang ang kailangan namin upang makagawa na ng isang misyon na maaari naming pagkakitaan. Seriously, we'll die if we wwo't earn some money.

Bumaba ako ng hagdan at nadatnan sila na nasa sala. Trois and Axen was playing tag. Sobrang likot nila pero wala naman kaming pakialam dahil hindi naman kami nagagambala. Kleiv and Vyann was playing arm wrestle. May hawak pang pamunas si Vyann at halatang naistorbo lamang siya sa kaniyang paglilinis.

Ace and Wein was arguing at nasa gitna nila si Layn na mukhang nanginginig dahil sa sigawan ng dalawa. Mukhang pinagtatalunan nila ang nangyari kahapon sa cafeteria. Habang si Zera naman ay parang referee nina Vyann at Kleiv. Wala talagang nagpapatalo sa dalawa.

Napabuga ako ng hangin noong makita si Sensei Sinner na nakahilata sa sofa at natatakpan ang mukha ng isang libro. Hindi talaga siya nababahala sa ingay ng iba.

"Noisy" saad ko na ikinatingin nila. Mabilis na lumapit sa akin si Ace na may inis na ekspresyon ngunit mabilis na hinatak siya pabalik ni Wein at siya ang humarap sa akin.

"You made a scene yesterday!" sermon nito sa akin. I rolled my eyes. It's been a while since I experienced his everyday complains about me.

"Yeah. Sorry about that president" sarkastikong sabi ko at nilagpasan siya. Sumunod naman siya sa akin at patuloy ang pagtalak. Noong hindi ako nakinig sa kaniya, he sighed and fixed his eye glasses.

"I really don't know what to do with you" umiiling na aniya at umupo na lang ulit.

"Zai, you're going somewhere?" tanong ni Layn. As usual, his tone and voice is cute. Tumango naman ako.

"Can I come?" tanong niya pero umiling ako. Lately, I've notice that he likes to stick close to me that I find it cute. But I don't want to show the world his cuteness. Bleh.

Lumungkot ang mukha niya at umupo na lang ulit. Hinimas ko naman ang buhok niya at nagpaalam na. Lumabas ako ng dormitoryo at naglakad palabas ng school. May mga estudyanteng tumitingin sa akin. Hindi katulad ng dati, konti na lamang ang masama ang tingin sa akin.

Noong makarating ako sa bayan, walang pinagbago. Puno pa rin ito ng buhay at abala ang mga tao sa sari-sariling gawain. Bumili na lamang ako ng pagkain ko at naupo sa gilid ng kalsada. Sumandal ako sa pader ng isang establisyamento at pinagmasdan ang paglakad-lakad ng mga tao.

Tinatamad akong maglakad-lakad ngayon at libutin ang buong lugar kaya maghihintay na lamang ako na may mangyari dito. May mga tao na tumitingin sa akin. May iba na binibigyan ako ng barya. Nagpapasalamat na lang ako. At least nadagdagan ang pera ko.

Dumating ang hapon na ganoon lamang ang nangyayari. Kakalubog pa lamang ng araw at naghahalo ang kulay asul at kahel sa langit. Sinubo ko ang huling parte ng tinapay na kanina ko pa kinakain at pinagpagan ang kamay ko. I guess it's time to go back. Tatayo na sana ako ngunit natigilan noong biglang may lumapit na lalaki sa akin at naglagay na naman ng barya sa aking harapan.

Tiningala ko siya upang makita ang kaniyang mukha. He has tanned skin. Yung tipong brown katulad ng kay Zera pero bumagay naman ito sa kaniya. Puti ang kaniyang buhok na may mahabang buntot at nakatirintas. Ang kaniyang kasuotan ay parang kasuotan ng mga tao mula sa Egypt. Matangkad siya at hindi gaanong malaki ang pangangatawan. Masasabi ko rin na may presensya siya. Ang ibig sabihin ko doon ay kabilang siya sa mga taong masasabi mong may espesyal na awra na pumapalibot sa kanila. Masasabi mong may kakaibang abilidad at talento ang tao.

Nagtama ang mga mata namin. Kulay berde ang kaniyang mga mata na bumagay sa kaniyang buhok at balat. Ngumiti siya at naglakad na papalayo. Sinundan ko naman siya ng tingin. Nagkabunggo ang balikat niya at ng isang lalaki. Noong napadaan ang lalaki sa aking harapan, kinapa-kapa nito ang sariling kasuotan.

Excelium [Editing]Where stories live. Discover now