Kabanata 19

8.8K 508 92
                                    

Zai's Point of View

I was lying on my bed when suddenly someone opened the door. Without even knocking! Mabilis akong napadilat at tumingin sa taong iyon.

He sighed and went to my closet. Kinuha niya ang uniform ko na naroon at lumapit sa akin. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?! Teka! Sino ba siya?!

"Get change" anito at inilapag sa kama ang uniporme ko.

"Huh?! Sino ka ba?! At anong ginagawa mo di---" I was cut off when he tightly grip my head and look at me with those dark eyes and aura. He was so scary at that time.

"Change" mariin na utos niya. Hinampas ko ang kamay niya at nagdadabog na kinuha ang uniporme at tumayo.

"Hindi ka lalabas?!" singhal ko sa kanya.

"I'll turn around" anito at tumalikod.

Mabilis kong sinipa ang likod niya at sinarado ang pinto noong napadapa siya sa labas. Mabilis akong nagbihis at tinali ang buhok ko. Malakas niyang binuksan ang pinto at nakikita ko sa mukha niya na napipikon na siya. Sinuot ko ang sapatos ko at tumayo.

"What's your deal? At sino ka ba?" tanong ko sa kanya na matalim ang tingin at lumabas ng kwarto. Sumunod naman siya at mukhang maayos na rin ang emosyon niya. Tinanggal niya ang salamin niya at pinunasan iyon.

"I am here because of Master Levine's order" muli niyang isinuot ang kaniyang salamin.

"My name is Yu. And I am ordered to look out for you, daughter of General Yan" tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil rin siya. Matalim ko siyang tinignan.

"I don't need special treatment. Say that to Levine" saad ko at mabilis na umalis roon. He was even surprised and looked around him then left to look for me.

Mabilis akong umalis ng dormitoryo at naglakad sa pasilyo. Marami na akong estudyanteng nadadaanan at mukhang patungo sila sa lugar kung saan gaganapin ang orientation. Marami ang napapatingin sa akin at mabilis na nag-iiwas ng tingin na tila iniiwasan ang tingin ko. I hissed and kicked Levine's door. Napapitlag ang iba na dumadaan dahil sa lakas ng tunog na nagawa noon.

Nakita ko naman si Levine na nakatayo sa harapan ko at nakangiti. Mukhang inaasahan niya ang pagdating ko.

"Good day we have, right Zai?" pagbati nito at naunang lumabas ng opisina. Sinundan ko naman siya.

"Ano bang ginagawa mo Levine? Why would you send someone to watch over me?" pinipigilan kong sumigaw dahil sa mga estudyanteng nakatingin sa amin.

"Hmm..? Oh. You mean Yu? He's such a nice guy, won't you agree?" nakangiting saad nito.

"I don't need a guard or a servant or a watchdog Levine! Don't treat me differently as your student" reklamo ko.

"Zai, how can I? You are different. You're not from our world, kid. Someone needs to watch over you, all the time" nakangising saad nito. Natigilan ako dahil hindi iyon ang natural na ngisi na nakikita ko madalas mula sa kanya. He's smirk was dark.

"You... don't trust me, do you?" my face remained stoic as I ask him. Tumigil kami sa paglalakad at nanatili siyang nakatalikod sa akin.

"You stayed in the cabin because you don't trust me at all. The one who came from an unfamiliar place. You even suggested to Yan to let me enroll in your school because you can keep your eyes on me here, all the time. Am I right?" nakita ko naman ang pagngiti niya at pag-ayos ng pagkakasuot niya ng kaniyang mga guwantes.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon