Kabanata 44

7.1K 335 35
                                    

Linggo ng umaga, maraming mga estudyante ang nasa bulwagan at field ng paaralan dahil kakabalik lamang ng mga ito mula sa kanilang misyon o pag-uwi sa sari-sariling tahanan.

Nagke-kwentuhan ang mga ito sa mga kaganapan na nangyari sa kanila sa loob ng isang araw. Ang iba ay natutuwa pa dahil sila'y nagtagumpay sa kanilang misyon, ang iba naman ay may bakas ng pagkadismaya at iritasyon sa mga mukha habang marumi ang mga kadamitan na halatang hindi nagtagumpay sa kinuhang misyon.

"I told you! You don't need to bring that!" natigilan sila sa pag-uusap noong marinig ang isang tinig ng binata na parang may pinapagalitan. Tumingin sila sa pinakapasukan ng bulwagan at nakita nila roon ang isang lalaking hindi katangkaran at may bandana sa ulo. Sinesermonan nito ang lalaking dating bise presidente ng studeng council.

Napako ang kanilang atensyon sa kung anong dala ni Kleiv. Walang emosyon nitong hinahatak ang isang bagay na nakabalot ng puting tela na may mga mantsa ng dugo. Base sa hugis nito, isa itong braso ng malaking nilalang.

"It's blood has the ability to regenerate, I'll give it to Zai and see if she can make something out of it" kaswal na sabi nito ng hindi tumitingin kay Axen na nahihiya dahil sa kanilang bagahe.

Lahat ng estudyante ay napanganga sa sinabi ng binata tungkol sa dugo nito. A monster who can regenerate is a very hard foe and that is why that kind of mission is recognized as an A Class. Puno ng isang katanungan lamang ang kanilang isip habang pinagmamasdan ang dalawa na naglalakad palayo at nanenermon pa rin ang isang lalaki. Paano ng mga ito napuksa ang ganoong halimaw?

"Just look what happened to Teddy! Naputol ang isang braso niya!" pagkalipas lamang ng ilang minuto ay may bago namang dumating.

"Wag ka sakin magreklamo, blame it on the witch!" sigaw pabalik ng binatang may mahabang nakatirintas na puting buhok sa lalaking kukay lila ang buhok at may hawak na teddy bear. Ang mga damit ng mga ito ay may maliliit na punit at kaunting sunog.

"You're the one at fault! You shouldn't have used him as your shield!" sigaw pabalik ng lalaki na kinilala nila bilang si Layn.

"Then what should I have done at that moment? Wait until the witch's spell hit me?! Baliw ka ba?!"

"Idiot! You have the ability, then why don't you use it?!" sigaw ni Layn habang masama ang mga tingin nila sa isa't isang sabay na naglalakad.

"I already explained it to you! The witch nullified my ability in the moment of battle! Tsaka teddy bear lang yan! Matatahi rin yan! Masyadong mainit ang ulo mo! Just be thankful that we succeeded our mission!"

"He's not just some random Teddy bear! Teddy is my friend!"

"Oh whatever! I'm done!" binilisan ni Jebal ang paglalakad palayo at sinundan naman ito ni Layn na sumisigaw pa rin.

"Did they just said... witch?" bulong ng isang estudyante habang pinagmamasdan nila ang dalawa na naglalakad palayo.

"HAHA HAHA! Let's go training! Let's fight! C'me on Wein! Let's fight! Fight! FIGHT!" pumasok naman ang apat na tao sa bulwagan. Ang isang lalaki na may dilaw na buhok ay nakangiting kinukulit si Wein na diretso lamang ang tingin.

"Be quiet Trois. Talk about it when we get to the dormitory" seryosong saad ni Vyann na kasama nila.

"Oki oki!" sagot ni Trois at tahimik na lang din na naglakad.

"You're really strict. Hindi ka makakakuha ng girlfriend 'pag ganyan ka" biro ng isang babae at tumawa habang mabigat ang kamay na hinahampas-hampas ang likod ni Vyann. Pagkalabas nila ng bulwagan ay nagsimula naman ng magbulungan ang mga estudyante.

Excelium [Editing]Where stories live. Discover now