▫ Kabanata 4

9.8K 510 32
                                    

Inipit ko ang ilang mga mumunting hibla ng buhok sa likod ng aking tenga. Medyo may kalakasan kasi ang hangin rito sa taas ng puno. But despite that, it's still soothing and refreshing for me.

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang maliit na bayan ng Bermania mula rito sa taas ng malaking puno. Naglilibot lang ako kanina sa gubat pagkatapos kong puntahan ang lawa na tinutukoy ni Aki kung saan niya ako natagpuan at dito nga ako napadpad. Marahil ay hinahanap na ako ni Aki sa oras na ito. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Bermania. Napakaaliwalas na bayan kung ako ang tatanungin.

Ang Bermania ay matatagpuan sa timog na bahagi ng kahariang Centrio. Ayon kay Aki, mayroong limang kaharian na bumubuo sa Archodonia. Ang Archodonia ang tawag sa mundong kinalalagyan ko ngayon. Ito ay nasisinagan ng dalawang araw pero ang temperatura sa lugar na ito ay hindi sumusobra ang init. Very out of the ordinary for me.

Pero ayon na rin sa mga sinabi ni Aki, iba't iba ang klima ng bawat kaharian.

Ang kaharian na matatagpuan sa hilaga ay kanilang tinatawag na Northernium. Ang lugar na iyon ay nababalutan ng nyebe at minsan lamang nakakaranas ng tag-init. Sila ang may pinakamababang populasyon ngunit ang kanilang bilang ay hindi naman ganoon kaunti.

Ang sumunod naman ay ang Westernia na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng daigdig. Ito naman ang tunay na kabaliktaran ng Northernium. Ang kanilang lugar ay madalas na nakakaranas ng tag-init. Kung ang Northernium ay nababalutan ng nyebe, sa kanila naman ay buhangin. Ngunit sa kabila ng matinding init, maraming tao pa rin ang nagnanais na manirahan rito dahil sa yaman ng kultura.

Ang Easternia naman ay matatagpuan sa silangang bahagi ng mundo. Madalas ay tag-sibol sa kanilang lugar kaya naman ay marami silang imbak na pagkain. Sagana sila sa maraming klase ng putahe at marami ka ritong makikitang mga rekado na hindi pamilyar sa inyong paningin at panlasa. Halos lahat ng mga tao rito ay tanging mga gulay at halaman lamang ang kinakain. Madalang lamang sa kanila ang kumakain ng karne.

Ang pang-apat na kaharian naman ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Archodonia, ang Southernium. Tropikal ang klima ng lugar. Tag-araw at tag-ulan. Sagana rin ang kanilang lugar sa mga hayop at ang mga mamamayan na nakatira sa kahariang iyon ay mahilig sa karne. Maraming mga tao ang ilag sa kanila dahil na rin daw sa kanilang ugaling barbaro.

At ang pinakahuli at pinakatanyag sa lahat ng kaharian ay ang Centrio na pinaggigitnaan ng apat na bansa. Maraming klima ang dinadanas ng lugar na 'to. Tag-araw, tag-ulan, taglagas, taglamig at tagsibol. Ito ang may pinakamalaking populasyon sa buong daigdig. Ito rin ang may pinakamalaking sakop na lupain.

Marami pa akong mga bagay na nalaman tungkol sa mundong ito. Katulad na lamang ng pagkawalang karapatan ng mga plebeian sa edukasyon. Hindi sila maaaring matuto at tanging pagsisilbi lamang ang dapat nilang gawin. Nakakairita lang dahil sa katunayan na mas pinaprayoridad nila ang may yaman kaysa sa nangangailangan.

Pumikit na lamang ako at pinakalma ang sarili. Walang magagawa ang galit ko. It's better to calm myself than to remain frowning the whole day. Paniguradong magtatanong lang si Aki.

Muling dumaan ang malinis na hangin at tuluyan na ngang kumalma ang sarili ko. Tila nilinis nito ang lahat ng sama ng loob ko.

Nilanghap ko ang sariwang hangin at hinayaan na damdamin ito ng aking kalooban. It wouldn't be too surprising if the people here rarely have lung diseases. Malinis ang hangin at walang bahid ng polusyon.

"Nariyan ka lamang pala, Ate Zai!" hinihingal na saad ni Aki. Nakatungkod ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga tuhod habang nakatingala sa aking kinauupuan.

"Paano mo 'ko nahanap?" tanong ko at tumalon pababa ng puno. Hindi naman posible na naghahanap siya ng nakatingala.

"Tinuro po sa akin ng kalikasan ang iyong kinaroroonan." saad niya habang nakapikit at hinahabol pa rin ang hininga. Napatango na lamang ako at naglakad pabalik sa kanilang kubo. Sumunod naman siya sa akin.

"Maalala ko lang Ate. Maaari ko po bang malaman ang iyong taglay na abilidad?" bigla niyang tanong sa akin. Tumigil naman ako sa paglalakad kaya naman ay tumigil rin siya. Nanatili ang saglit na katahimikan bago ko siya sinagot.

"Wala akong abilidad na gaya niyo." sagot ko at pinagpatuloy ang paglalakad. Tila naguluhan siya sa aking sinabi pero hindi na lamang pinagtuunan ng pansin. Habang naglalakad kami ay siya lang ang nagsasalita sa aming dalawa. Tatango lamang ako sa kaniya at siya'y ngingiti na lang.

"Alam mo Ate... nung natagpuan kita sa lawa ay nagdalawang isip ako na tulungan ka." mababa ang boses na sinabi niya iyon sa akin. Nanatiling nakapokus ang aking atensyon sa harapan kahit narinig ko ang sinabi niya. Kahit sino naman ay magdadalawang-isip pumulot ng hindi kilalang tao sa kung saan.

Naramdaman ko ang pagtigil niya kaya naman ay tumigil rin ako at tumingin sa aking likuran kung nasaan siya. Nakayuko siya at mahigpit na hawak ang gilid ng tagpi-tagpi niyang bestida.

"Aking inakala na ikaw ay isang tao na nagmumula sa mas mataas na angkan. Hindi ko gugustuhing magkaroon ng ugnayan sa mga taong mga nasa itaas," she pursed her lips as she clutch into her dress tighter, nagpapakita ng inis nito. "Mga nasa itaas ngunit hindi marunong yumuko upang makita ang tunay na nangyayari sa kanilang mga kapwa tao." I remained silent as I wait for her next words.

"Ngunit hindi lang iyon ang dahilan ng aking pagdadalawang isip." she continued.

"Hindi rin kita ginustong tulungan dahil baka ikaw ay maging isang pabigat sa amin ni ina. Mas mahirap pa kami sa daga kaya naman kahit na dalawa lamang kami sa buhay ay nahihirapan pa rin si ina na pakainin kaming dalawa ng tatlong beses sa isang araw. Minsan ay nalilipasan pa siya ng gutom dahil sa akin." lumambot ang mga aking mga mata noong makita ang pangingilid ng kaniyang mga luha noong binanggit niya si Ate Agna.

"Ngunit kalauna'y napaisip ako na ang swerte ko dahil ako po ang nakatagpo sa iyo. Tinulungan mo po si ina sa pagtatrabaho at kailanma'y hindi ka nagreklamo sa mga pinapakain namin sayo o sa mga lumang damit na tanging maipapahiram namin sayo. Parang kami pa nga ang naging pabigat sa inyo." peke siyang tumawa pagkatapos niyang sambitin ang huling mga salita.

"Nagpapasalamat kami sa iyo, Ate Zai." bahagya siyang yumuko sa akin bilang pasasalamat. Tipid akong ngumiti at hinimas ang buhok niya.

This kid really grew quite well despite the poverty they're suffering. I'm grateful. "Thank you so much for everything you've done for me" tila nabigla naman siya at biglang tumuwid ng tayo. Nanlalaki ang mga mata na tumitig siya sakin.

"Ang wikang iyon.. hindi ko man maintindihan ang kahulugan nito ngunit natitiyak ko na iyon ang wika na tanging mga nasa matataas na antas lamang ang gumagamit." bulong nito ngunit sapat na upang aking marinig. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at naglakad na palayo. Ramdam ko ang kaniyang pagtitig sa aking likuran.

Nilingon ko siya at bahagyang iginilid ang aking ulo.

"Tara na Aki, naghihintay na ang iyong ina." tila bumalik naman siya sa realidad at mabilis na tumango. Pinagpatuloy ko naman ang aking paglalakad.

"Sino ka nga ba talaga Ate Zai?" bulong niya. Malungkot akong napangiti sa kaniyang katanungan.

Sino nga ba talaga ako sa mundong 'to? Isa lamang akong ligaw. At hindi ko alam ang daan pabalik sa mundong kinabibilangan ko.

Sa aking pinanggalingang mundo, ako si Zaivrin Hevrion. Isang highschool student na kadalasang nakakaranas ng mga hindi magagandang bagay.

Ako si Zaivrin Hevrion na walang nakasamang magulang at tanging isang brutal na kamag-anak lamang ang nagpalaki.

Ako si Zaivrin Hevrion na wala namang halaga sa mundong iyon. Isa lamang ako sa mga taong hindi espesyal ang pagkatao at hindi mahalaga. Isa lamang akong normal na mamamayan na nabuhay para mamuhay ng normal. Hindi ako isang espesyal na tao katulad ng presidente, artista, senador at kung sino pang mga tao na matatawag mong may espesyal na layunin sa mundo. My existence is not that significant.

But in this different world? I wonder if my name will leave a mark of any sort. Just a speck is enough. As long as there's a proof of my existence.

Excelium [Editing]Where stories live. Discover now