Kabanata 52

7.3K 341 9
                                    

"Hay, balik klase na naman" tinatamad na sabi ni Ace habang sila'y naglalakad sa pasilyo upang pumasok sa sari-sariling silid.

"Bakit ba kasi nila hindi tinuloy yung reward? Edi sana nakakalangoy na ako sa dagat ngayon" nakangusong sabi ni Zera at pinagpatuloy ang pag-inom sa hawak na shake.

"Headmaster Levine wanted to respect Caliver Riessfield. Although, Caliver said that it was nothing, the Headmaster insisted. Pumayag naman si Sensei Sinner kaya wala tayong magagawa." pagpapaliwanag sa kanila ni Wein. Bumuga na lamang sila ng hangin at pilit na tinanggap ang rason. Naghiwa-hiwalay na sila at pumasok na sa sari-sariling silid.

Katulad ng dati, tahimik lamang na nakaupo sina Zai, Trois at Layn. Layn was playing with his teddy bear, Trois is making a mess in his own desk, and Zai is just staring outside the window. Bumabalik sa kaniyang isipan ang pagpapakita sa kanya ni Avis.

She's fully aware that Avis is not an ordinary Exceliumist. She might be more superior. The woman also know that she is an outsider. She really wanted to know what is the woman's true identity. Her curiosity is making her restless.

When it's time for their recess, she immediately stood up and the first to leave the room. Layn and Trois blinked while looking at the door then looked at each other with a confuse expression.

She went to the Teachers Office and opened the sliding door that created a loud sound. The teachers were startled by the noise she just made. Nilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid hanggang sa dumako ang kaniyang tingin kay Corum na natutulog lamang sa lamesa nito.

Mabilis siyang lumapit dito, dinakma ang batok nito at dinala palabas.

"Oy! What's the big deal?!" pilit na nagpumiglas ang pusa ngunit hindi ito binitawan ng dalaga.

"Do you know Avis?" tanong niya rito habang naglalakad pa rin siya sa pasilyo. Medyo mahina lamang ang kaniyang pagkakatanong ngunit sapat na upang marinig ng pusang kaniyang bitbit. Natigilan si Corum sa narinig at biglang sumeryoso. Lumiko si Zai sa isang pasilyo na walang mga dumadaang estudyante. Tumalon pababa si Corum at hinarap siya.

"Let's talk somewhere" naglakad paalis ang pusa na kaniyang sinundan naman. Nagtaka na lamang siya noong pumasok sila sa silid aklatan at nagpunta sila sa pinakasulok kung saan madalang lamang magpunta ang mga estudyante.

"I assume that she talked to you." sabi ni Corum noong tumigil sila sa harap ng isang shelf na puno ng mga lumang libro.

"Avis is someone who made me" nagtaka at medyo nagulat pa si Zai dahil sa sinabi nito.

"I'll tell you the true story of this world. I trust you that you would not tell this to anyone." tumango naman siya. May binanggit na mga enchantment si Corum at bigla na lamang dahan-dahan na gumalaw ang istante na nasa kanilang harapan. Bumungad naman sa kanila ang isang hagdan pababa. Nilingon siya ng pusa at inaya. "Let's go."

Tumango siya at pumasok na nga sila sa loob. Pagkapasok nila ay kusa namang nagsara muli ang lagusan. Biglang sumindi ang mga kandila na nasa dingding. Nagsimula silang humakbang pababa ng hagdan.

"Leonardo Ortron, the man who build this academy, is one of Avis' most trustworthy men. She ordered him to build this school in order to train every generation to fight and also to seal the deepest secret of this world."

"Secret?"

Doon lamang napansin ni Zai na nasa pinakahuling hagdan na pala sila. May barrier pa ito at mukhang matibay. Katulad kanina ay may binanggit na mga salita si Corum na hindi naman maintindihan ni Zai. Pinagmasdan na lamang niya ang barrier sa kanilang harapan na paunti-unting natutunaw. Noong tuluyan na itong nawala, inaya na siya papasok ni Corum.

Excelium [Editing]Where stories live. Discover now