▫ Kabanata 6

9.1K 465 14
                                    

Habang nakaupo kami rito sa loob ng isang malaking kariton, nag-iiyakan ang mga kababaihan. Hindi masyadong malakas para hindi mairita ang mga tauhan sa ingay nila. Umiwas na lamang ako ng tingin noong makita na may mga bata rin na narito.

Umaandar ang wagon patungo sa isang lugar na alam naming makakasama sa amin. Hindi namin alam ang susunod na mangyayari sa amin at iyon ang ikinakatakot nila. Hindi ko alam kung bakit ngunit tila ba ang kalmado ng aking kalooban. I feel so assured that this night would not take a worse turn, rather, it might get better for me.

I'm thinking of every possible scenario just to be ready. Kung sakaling ang bumili man sa akin ay isang matandang lalaking naghahanap ng laruan, tatakas na lang ako.

Kampante ako dahil sa aking kakayahan. I've been fighting in the streets for as long as I can remember and I managed to survive because of what my deceased father has taught me. I have my own body as a weapon.

When my father was still alive, I knew that his occupation wasn't legal. He do have a legal job on the surface but what he really does can't be brought out to the light.

Tinuruan niya ako ng lahat ng bagay na maituturo niya sa akin. All kinds of things that.. normal fathers won't teach their children. With all those things, he might have also planted something dark in me. That sudden urge of desire to just move your limbs to do something.

Napangisi na lamang ako at pinagalaw ko ang aking mga daliri noong naisip na maaari kong gawin ang kahit na anong bagay na gusto ko rito. I'm not that cruel, I think. I won't cut someone up. Maybe I'll just leave some bruises and scratches before fleeing away. Making sure that they'll regret wasting their money on a human like me.

Pinawi ko ang ngisi na nasa aking labi noong tumigil na ang kariton. May isang lalaki na hinawi ang kurtina at pinalabas kami. Noong kami'y nakatapak na sa lupa ay tumingala kami sa isang gusali na nasa aming harapan. Ang kulay nito ay tila kumikintab kahit sa gabi. Ginto, pilak at puti. Just like some goddamn expensive hotel. That's one waste of gold.

Pinalakad kami papasok at nakatingin lamang ako ng diretso habang palihim na pinagmamasdan ang paligid. Ang elegante at ang yaman ng lugar. Habang naglalakad kami sa pasilyo ay may nadadaanan pa kaming mga sculpture at iba pang mga mamahaling bagay. I could bet that those things could even worth more than I expect.

Pinapasok nila kami sa isang kwarto at naglagay ng mga damit sa sahig. Pinagpapalit nila kami at sinarado na muli ang pinto. Sumunod naman ang mga babae dahil sa takot na ayaw nilang masaktan o mamatay. Maaari rin' madamay ang kanilang pamilya kaya sila'y nagiging masunurin ngayon. Bumuntong hinina ako at napagdesisyunan na gawin na lang din ang ginagawa ng mga ito.

Ilang saglit ay bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki. Isa roon ay ang lalaking mukhang pinuno na pumasok sa bahay nila Ate Agna. Nilibot niya ang kaniyang mga mata at itinuro ang isang babae. Mabilis naman itong hinawakan ng dalawang lalaki. Nagpumiglas ang babae at umiyak ng umiyak habang sumisigaw. Hindi ko siya masisisi dahil iyon na lamang talaga ang makakaya mong gawin sa sitwasyong ito.

Noong sumara na muli ang pinto, malakas na nag-iyakan ang mga kababaihan.

"Pakiusap. Kailangan ako ng mga kapatid ko." napatingin ako sa isang babae na nasa gilid. Nakaupo ito at ang kamay ay nakatakip sa kaniyang mukha.

Lumapit naman ako at umupo sa kaniyang tabi. "Magiging maayos rin ang lahat" saad ko. Tumingin naman ito sa akin at may bahid pa rin ng mga luha ang kanyang mga pisngi. Sa aking pagkakatantya ay ang kanyang edad ay naglalaro sa bente.

"Ibebenta tayo at hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari sa atin. Baka mamatay lang tayo o gawing alipin habang buhay," nagpatuloy ang pagbuhos ng kaniyang mga luha, "Kailangan ako ng mga kapatid ko." yumuko ito at idinukdok ang ulo sa kanyang mga tuhod.

"Lahat ng bagay may solusyon. Nasa'yo na lang kung paano mo sosolusyunan. Desperado kang makawala hindi ba? Alam mo naman siguro kung paano mo magagawa 'yon." bahagya pa itong nagulat dahil sa sinabi ko. Alam naman talaga niya ang solusyon, hindi niya lang matanggap o kaya. Tumahimik na lamang ito ngunit tumigil na rin ang kaniyang pag-iyak.

Lumipas ang oras at paunti na ng paunti ang aming bilang. Ang tanging maririnig sa loob ng silid ay ang kanilang mga iyak at dasal. Ilang saglit ay muling bumukas na ang pinto. Pumasok ang mga lalaki na kumukuha sa amin mula rito. Napangisi ako noong dumako ang kaniyang tingin sa akin at ako'y tinuro. Tumayo naman ako at hinawakan ako ng dalawang lalaki at nilagyan ng kadena ang aking mga kamay.

Paglabas ng silid ay nakita ko ang kanilang pinuno at isang lalaki na nakasuot ng isang pormal na kadamitan. Mukhang isa siyang manager ng lugar na ito. Nakangisi ang kanilang pinuno habang nakatingin sa akin. Ngumisi naman ako pabalik. Guys like this one hate women like me. Irritating him is what I want to do right at this moment.

Iniangat nito ang kaniyang kamao. Hindi ko inilagan ang suntok niya sa aking mukha at pagsipa sa aking tiyan. Sa lakas noon ay tumama ang aking likod sa pader.

"Sir! You'll damage the merchandise!" saad ng manager. Napangisi na lamang ako habang dinadamdam ang sakit ng aking tiyan. Kung iniwasan ko iyon, marahil ay tatagal pa kami dito. Ayokong mag-aksaya ng oras dito.

"I'm just taking precautionary measures." saad ng lalaki habang nakangisi sa akin. I just smirked at him.

Pagkatapos ay dinala na nila ako patungo sa isang partikular na lugar. Pinatungan nila ng puting tela ang aking ulo upang hindi makita ang aking mukha pansamantala. Dinala nila ako sa gitna ng isang entablado at pinaupo sa upuan na naroon. Sa aking harapan ay nakaupo ang mga babae at lalaki na pormal ang kasuotan at may suot na maskara upang hindi sila makilala.

"Now ladies and gentlemen. Let's proceed to our best sale for today." saad ng emcee na babae. Tinanggal nila ang tela na nasa aking ulo at pinakita ang aking mukha. Bahagya pa akong napapikit dahil sa liwanag. "The product has a very high quality. You can't see any beauty like this anywhere. Unique skin tone, long black and smooth hair, slim body and most of all are those piercing eyes. The bidding will start at the price of 100,000!"

Mabilis namang nagtaasan ang mga tao at nagpataasan ng presyo. Habang pinagmamasdan sila, hindi ko mapigilang mandiri. Handa silang gumastos ng malaking halaga para lamang bumili ng isang alipin. Hindi nila nakikita na mas kailangan ng mga mahihirap ang kanilang tulong. Mga makasariling tao.

"700,000!"

"900,000!"

"1 million!"

Pataas ng pataas ang presyo at mukhang tuwang tuwa naman ang emcee dahil sa nakikita. Sa nakikita ko ngayon, mukha silang mga aso na nag-aagawan sa isang karne. Mga walang magawa sa sariling yaman at ginagastos na lamang sa mga ganitong bagay.

"7 million"

Lahat ay natigilan pagkatapos marinig ang malaking halaga na iyon. Tumingin ako sa nagsabi noon. Lalaki ito at katulad ng iba ay nakasuot rin ng maskara. Tinitigan ko itong maigi. Ngunit nahirapan ako dahil sa dilim ng lugar.

"Sold!" saad ng emcee at may bahid pa rin ng ngiti ang mga labi.

Great. 7 million is all I worth? How pathetic is that?

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon