Kabanata 46

7.3K 366 16
                                    

"My legs are sore" pagod na sabi ni Axen habang naglalakad silang dalawa ni Zai pabalik sa dormitoryo at dala-dala nila ang mga mababasaging lagayan na may mga lamang iba't ibang likido. Kakatapos lamang ng isang linggong pagtakbo nila sa pangpang at ngayon ay pinagpapahinga muna sila ni Zai ng isang araw.

Kakagaling lamang nilang dalawa sa laboritoryo dahil kinuha nila ang mga potions na ginawa ni Zai mula sa braso ng isang halimaw na inuwi ni Kleiv noon. Isang linggo niya itong pinag-aralan at ngayon niya lamang natapos. Pinayagan naman siya ng mga guro na gamitin ang laboritoryo sa kasunduan na dapat din niyang ipakita ang mga tapos na potion sa kanila. Ang kailangan na lang niyang gawin ngayon ay subukan ang mga ito.

Wala naman siyang problema na ipakita sa mga ito ang mga ginawa niya at ipasa ang mga ito sa Health Department dahil kumikita naman siya. Ang dating healing potion na ipinasa sa Health Department ay bumebenta na ngayon at may porsyento naman siya sa mga ikinikita nito. Kada-linggo ay ipinapadala sa kanya ang perang nararapat sa kanya.

"So? Kanino mo ite-testing 'tong mga 'to?" humihikab na tanong ni Axen rito. Napaisip naman si Zai dahil sa sinabi nito.

Noong napadaan sila sa isang training facility, biglang may taong malakas na tumalsik at gumulong pa sa field. May mga estudyanteng nagsigawan dahil sa biglang pangyayaring iyon. Nanggaling ang taong iyon mula sa loob. Sumilip silang dalawa sa nasirang pinto at nakita nila roon si Nicolov na nakataas ang kamay at nakatutok sa lalaking tumalsik. Mukhang ginamit nito ang excelium sa lalaking iyon.

Ibinaba nito ang kamay at tinignan siya. Naglakad ito patungo sa kanila na nasa pintuan ngunit nilagpasan lamang sila. Papalapit ito sa lalaking nasa field at pinipilit ang sarili na tumayo.

"Siya diba yung humamon kay Nicolov kapalit sa posisyon ng captain?"

"Oo siya nga yon. Matagal na niyang hinahamon ang Captain pero hindi naman siya pinapansin nito. Pero mukhang napuno na"

"Nahihibang na ba siya?"

Nakatayo lamang doon si Zai at pinapanood ang palabas. Bakas sa kaniyang mga labi ang isang ngisi. Nais niyang makita kung ano ang gagawin ni Nicolov rito. Gusto niyang makita ang kayang gawin nito.

Nakatayo na ng tuluyan ang lalaki at nakita niyang pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Nawala ang ngisi sa mga labi niya at napalitan iyon ng seryosong ekspresyon. Nakita niya rin ang isang malaking sugat nito sa braso at tagiliran. Nakita niya ring nagdudugo ang hita nito at noo. Basag na rin ang suot nitong salamin.

Ihinanda ni Nicolov ang kaniyang kamao at tatama na sana ito sa mukha ng binata. Nagulat na lamang siya noong may mahinang tumuhod sa likod ng kaniyang tuhod. Dahil doon ay bahagyang napayuko ang kaniyang katawan. Mabilis siyang lumingon sa kaniyang likuran at nakita roon si Zai na walang ekspresyon na lumapit sa binatang puno ng sugat. Napaupo naman ang lalaki dahil sa panghihina.

"What are you doing here, Haines? Don't you dare interrupt our---"

"Idiot. He can't fight any longer. (Sigh) You're a captain, you should know how to hold back" pagputol sa kanya ng dalaga. Nakasquat na ito at kumuha ng isang maliit na potion sa dalang maliit na kahon at pinagmasdan ito. Suot na niya ang isang pares ng gloves na madalas na ginagamit sa laboritoryo. Isinuot na rin niya ang mask na nasa baba niya kanina pa.

"That man is not part of my team. I have no reasons to hold back to an outsider. Tch. Why can't Caliver handle his team well?"

"Can't blame him. There are many members in his dormitory" Zai shrugged and look at the man in front of her.

"Why would you just go causing trouble? Especially to a Captain? You can't win, you idiot. What the heck is playing in your head... Yu?" direktang tumingin si Zai sa mga mata ni Yu at tinanggal ang takip ng hawak niyang maliit na bote.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon