Zai's Point of View
Kinagatan ko ang hawak kong mansanas at tinignan ang mga estudyanteng naglalakad sa baba. Nakaupo ako sa harang ng rooftop at kinakain ang dala kong mansanas.
Wala kaming training ngayong araw dahil may biglaang meeting ang mga guro ngayon. Kakatapos lamang ng klase at dito agad ako nagpunta. Nag-aya ang iba na kumain sa cafeteria pero umalis na ako agad.
Napangiwi ako habang tinitignan ang isang babae at lalaki na magkahawak ang kamay na naglalakad. Dala-dala pa ng lalaki ang gamit ng babae. Sa nakikita ko, maghihiwalay rin sila sa susunod na araw. Halata ang pagkadisgusto ng lalaki rito.
Dumako ang mga mata ko sa gilid ng school building. Kahit na malayo at madilim roon ay nakikita ko pa rin ang nangyayari. May mga lalaki roon na pinapalibutan ang isang babae. Mukhang hindi maganda ang kanilang balak. Ngunit biglang dumating ang isang guro at mabilis na nagsitakbuhan ang mga lalaki.
Nagtangis ang panga ko noong makita ang eksenang iyon. Bumagsak ang mood ko. Tumayo na ako at naglakad paalis ng lugar na iyon. Nakasalubong ko naman si Ace na mukhang papunta sa lugar kung nasaan ako kanina.
"Pupuntahan sana kita pero mabuti na lang at nandito ka na. Hinihintay ka na nila sa cafeteria" sabi niya at sinabayan ako sa paglalakad.
"I told you. I'm not hungry"
"You can at least join us" ngumiti siya at inakbayan ako. Hinayaan ko na lamang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. All the students were looking at us. Siniko ko si Ace kaya naman ay napabitaw siya.
"Ouch. Is that how you treat your first kiss?" nang-aasar niyang sabi. Tumigil ako sa paglalakad at binigyan siya ng masamang tingin.
"Seriously?" hindi niya makapaniwalang sabi. Nag-iwas ako ng tingin at binilisan ang paglalakad. Sumunod naman siya.
"Are you serious? That was your first?" nakangiti siya at halatang namangha dahil sa nalaman.
"No!" nairita ako dahil halata ang pagkadefensive sa boses ko. Tumawa naman siya ng napakalakas. Nilagpasan ko ulit siya at halos tumakbo na ako papunta sa cafeteria.
"I didn't know that you can make a cute expression!" sabi niya at tinitigan ang mukha ko habang naglalakad sa tabi ko.
"Cute?" sarkastikong tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko. Tumango-tango naman siya.
"You're cute when your cheeks are burning red because of embarrassment" natutuwang sabi niya. I rolled my eyes at him and entered the cafeteria. Pagkapasok ko pa lang ay pinagtinginan na ako ng mga estudyante na naroon. Mabilis ko namang nakita ang mga Kings dahil sila lang naman ang maingay. Halatang may pinag-aawayan na naman sina Vyann at Kleiv.
Pupunta na sana ako sa lamesa nila ngunit biglang may humatak sa braso ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa harapan ni Caliver Riessfield. Nalaman ko rin na ang humatak sa akin ay si Serene Flair. Sa tabi ni Caliver ay naroon si Nicolov Rones na nakahalukipkip ang mga braso at walang emosyon ang mga mata na nakatingin sa akin. The only one smiling was Serene.
Lahat ng estudyante ay tumahimik at ang atensyon ay nasa lamesa namin.
"That table is ridiculous!"
BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasy[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...