Kabanata 35

7.7K 412 17
                                    

Ilang araw na ang nagdaan mula noong makumpleto ang grupo namin. And we already succeeded many type of missions. In every mission we accept, we group ourselves into two. Just like now, I'm currently on a mission with Jebal.

Sa mga nakalipas na araw, wala siyang nagawa kundi ang tanggapin na lamang ang nangyari. Hindi siya makakaalis sa tali ng paaralan hangga't hindi pa siya nakakapagtapos. Sinulyapan ko ang markang nakapalibot sa kaniyang pulso. Isa iyong marka na para lamang talaga sa kaniya.

Hanggang sa nasa balat niya ang markang iyon, matutunton at matutunton pa rin siya ng paaralan. Jebal is truly a thief kaya hindi nila siya pinalampas kahit na naging opisyal siyang estudyante ng academy.

And also...

I doubt that they'll let him go. Jebal is one of those rare people who are gifted with the ability of one of the elements. They are not actually rare but they are also not common. The academy, or should I say, the council will do everything in their power to attain such rare being.

"Oy. Ilang oras na tayong naglalakad rito. Ilang ulit na rin nating nalampasan ang punong iyon!" halata ang iritasyon sa kaniyang mukha habang nakaturo sa punong nasa aming likuran. Totoo naman ang kaniyang sinasabi. Kanina ko pa nga napapansin na paikot-ikot na lamang kami rito sa gitna ng gubat.

"We're just walking straight. That's a proof that this is a work of an unknown being or what" binigyan naman niya ako ng tingin na 'Obvious naman diba?'.

"We're walking on a witch's territory! Goddamnit! Are you half asleep?! And why did you even pick this kind of mission?! It's S class! It's way above our level!" iritadong singhal niya sa akin. Ipinakita ko naman sa kaniya ang papel na kinuha ko sa Mission Board.

"The pay is big" pagsagot ko sa kaniya. Ang misyong ito ay tungkol sa bigla na lamang pagkawala ng mga batang babae. Nagtanong-tanong kami sa bayan at wala rin silang ideya kung ano ang nangyayari. Ngunit may nakapagsabi sa amin na may kumakalat na balita sa kanilang bayan. Ito ay ang paglitaw ng isang bruha sa gubat ng kanilang bayan.

"Wala ka ng pag-asa" umiiling na komento niya at bumuga ng hangin.

"And..." bumalik ang tingin niya sa akin noong nagsalita ulit ako. I showed him my cold dark eyes that I rarely let them see.

"Above our level? Who told you that? None of the Kings are bottom rankers. We are the absolute" malamig ang ngiti na iginawad ko sa kaniya. He was frozen on his feet. Tumalikod na ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Ilang minuto rin ng paglalakad namin ay natanaw na namin ang isang malaking patay na puno. Wala itong dahon at nakikita ko mula sa taas ang isang malapit ng magibang tree house.

Pagkaapak pa lamang namin sa lupa kung saan ito nakatirik, mabilis na may pumalibot na barrier sa lugar at narinig namin ang isang tawa ng babae. Mula sa sira-sirang tree house ay lumabas ang isang babae na nakaupo sa lumulutang niyang walis. Magarbo ang kaniyang pananamit at halatang naghahalaga ito ng malaking pera. Kita rin ang kaniyang malulusog na dibdib habang nakadekwatrong nakaupo sa kaniyang walis. Ngumiti ito. Ngiti ng isang mapagmataas, mayabang at supladang babae.

Sumipol si Jebal noong makita ang makinis nitong mga hita.

"You dare to step in my territory, you brats?" maski ang boses nito ay halatang maarte.

"Wala kaming pake kung tawagin mo kaming trespassers. Ibalik mo na lang yung mga batang babae na kinuha mo" sabi ni Jebal at nakapamulsa pa siya. Ngunit hindi siya pinansin nito. Tahimik naman akong pinagmasdan ng bruha. Direkta rin ang pagtingin ko sa kaniyang mga mata.

Itinaas niya ang kaniyang hintuturo at pa-slant na ikinumpas na tila may hiniwa siya sa hangin. Narinig at naramdaman ko naman ang paghiwa ng damit ko at nahiwa ito sa gitna. Nakikita na ang aking tiyan at sports bra.

Excelium [Editing]Where stories live. Discover now