Kabanata 32

7.5K 459 97
                                    

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa cafeteria. Kami-kaming tatlo nina Layn at Trois. Halata ang pagkapikon sa mukha ni Layn habang nginunguya ang kaniyang pagkain. Si Trois naman ay panay ang tusok at hugot ng tinidor mula sa kinakain niyang steak. Naroon pa rin ang ngiti niya ngunit tila malayo ang kaniyang tingin at medyo madilim ang kaniyang mukha.

Mukhang hindi rin nila nagustuhan ang ugali ng lalaki na si Ace.

"I hate him. I hate him. I hate him" iyon ang patuloy na sinasabi ni Trois na sinang-aayunan naman ni Layn.

"I bet that he hasn't shown his true colors yet" nakangusong saad ni Layn at muling pinuno ang kaniyang bibig. Ngumiti naman ako at ipinatong ang aking pisngi sa aking kamay.

"That's true. Parang tayo-tayo lang din bago tayo naging komportable sa isa't isa." mahina akong natawa noong maalala ang mga biglang pagbabago ng ugali ng mga Kings. Pinatunayan nila na ang First impression never last.

At first, I thought Kleiv was the kind of guy who's always calm, composed, silent and a little bit of a gentleman pero hindi rin pala kahit papaano. May idadagdag pa pala doon. He's actually a kind of guy who can sleep whenever and wherever he wants. He likes to sleep and he doesn't talk much, lalo na sa ibang estudyante kahit na sabihin ninyong siya ang bise presidente ng student council.

Ang inakala ko noon kay Wein ay isang lalaki na talagang pinangatawan ang role niya bilang president of the student council. But he's not. Sadyang pormal lang talaga siya na parang butler ng isang mayamang pamilya. Siya ang may pinakamasamang malas sa amin. Madaldal rin siya lalo na kapag pinapagalitan kami dahil sa pagdadaldalan namin. Pero may puso rin naman yon. Kahit papaano.

Ang sumunod naman ay si Vyann. Noong una ko siyang nakilala, akala ko siya yung tipo ng lalaki na masasabi mong fictional character sa mga istorya. Isang gwapong lalaki na suplado. Pero hindi naman pala. Vyann is a clean freak. Siya ang palaging naglilinis ng dormitoryo. Ayaw niya ng madumi at maruming tignan. He wants clean and proper. Dahil doon nagustuhan din siya ni Sensei Sinner dahil hindi na nito kailangang mag-utos sa amin kung sino ang maglilinis. Kusang loob na gagalaw si Vyann. Pero naiinis ang lalaking iyon kapag hindi kami tumutulong. Lalo na sa bakuran ng dormitoryo na may nagtutubuang matataas na damo.

Ang pinaka hindi ko inaakala ay si Layn. I thought he was the kind of guy is gloomy, anti-social, weak, at tapikin mo lang ay magugulat na. Pero mali pala ako. Madali siyang pakisamahan at kapag nagawa mo na yon ay makikita mo na ang cute side niya. Matured rin siya kahit papaano and he's also smart. Protective rin siya.

Next is Trois. Akala ko siya yung tipo ng lalaki na ang hilig lang ay makipaglaban at subukan ang lakas ng bawat taong nakikilala niya. Ngunit hindi ko inakala na nakakaramdam rin pala siya ng ibang emosyon katulad ng galit kahit na hindi naman nagbabago ang ekspresyon niya sa mukha. Bigla mo na lang mararamdaman sa mood niya ang kaniyang emosyon.

Kay Axen at Zera naman, mukhang ganoon naman na talaga ang ugali nila. Axen is a friendly guy who always wear his boyish smile and he's always energetic. Si Zera naman ay ang boyish na babae na puno rin ng kaartehan sa katawan.

"I can still remember my first impression on you. I thought you were scary. Akala ko rin suplada ka. But I didn't knew that you had another side that is fun to be with" nakangiting sabi ni Layn. Tumango-tango naman si Trois at kumain na rin.

"Kyaah! What's your name?"

Napatingin kami sa isang banda noong marinig ang isang tili ng babae na tila nakakita ng artista. Nagkukumpulan roon ang mga babae at parang puso ang mga mata habang pinagkakaguluhan ang kung sino man.

"It's Ace, sweetheart" napangiwi kami noong makita namin ang lalaking dahilan ng pagkapikon ng dalawa. Matangkad siya kaya madali lamang namin siyang nakita.

"Your name's so cool!" tili na naman nila. Hindi ba nila napapansin na hindi bagay sa kaniya ang pangalang iyon? Tch. Ace chuckled acting like a shy prince. Shit. I'm gonna puke.

"Thanks. Say my name. I'll love it, honey" Aniya at hinalikan ang babae sa gilid ng labi nito. Dahil don, mas lalong nagkagulo ang mga babae at gustong magpahalik sa kaniya. Calling his name nonstop.

We were about to stand up but we suddenly stopped when Sensei Sinner gave him a drop kick. Dahil don padapa siyang sumubsob sa sahig.

"Don't cause a commotion here, idiot! You're holding up the line!" mukhang napikon na rin si Sensei Sinner dahil sa gulong dulot nito. Maluha-luha namang humingi ng tawad ang lalaki at bagsak ang balikat na naglakad palayo.

Noong napadaan ito sa table namin. Binigyan namin siya ng nakakaasar na ngisi at sabay-sabay na sinabing...

"Lame" bumubungisngis na saad namin. Namumulang napikon ito. Mukhang nahiya rin sa nangyari kanina. Natigilan kami sa pagtawa noong malakas niyang ihinampas ang kaniyang kamay sa lamesa at hinawakan ang aking baba upang magtama ang aming mga mata. May munting ngiti sa mga labi niya na tila inaakit ako. Ngayon ay medyo alam na namin ang ugali niya. Siya ang tipo ng lalaki na gustong umakto na parang isang hot na lalaki. He's a playboy but lame.

"My charm isn't lame, babe" mapang-akit at nanlalambing ang kaniyang tono. Kung ibang babae lamang ako, marahil ay nagpadala na ako sa kaniya. Pero hindi eh.

Sinuklian ko rin ang kaniyang ngiti at hinimas ang pisngi niya ng marahan. Namula siya at mukhang hindi inaasahan iyon.

"Are you sure enough to play with me? Babe..." mapang-akit na tawag ko sa kaniya. Hindi ako magpapatalo. Hinawakan ko ang likod ng kaniyang ulo at inilapit ang kaniyang mukha sa akin na lalong ikinapula ng kaniyang mga pisngi. Our lips are almost touching and it looks like he isn't comfortable and he keeps on looking at my lips that made me smirk.

"Too bad, honey. I already won. Game over" may accent pa ang pagkakabigkas ko ng 'honey' at hinalikan siya sa gilid ng kaniyang labi katulad ng ginawa niya sa isang babae. Pagkatapos ay kaunti kong nilayo ang aking mukha at dinilaan ang aking labi na ikinatitig niya. Pulang pula ang kaniyang mukha. I winked at him and stood up.

Lahat ng mata ng mga estudyante ay nakatitig sa amin. I saw men staring at me with their jaw hanging and blushing cheeks. Nakita ko pa ang iba na dinudugo ang kanilang ilong. The girls were red and giving me their glares like death threats. Nakita ko pa ang ibang Kings na nakanganga at sinusundan ako ng tingin. Bago lumabas ng pinto ng cafeteria, muli kong nilingon si Ace na hindi makagalaw sa kaniyang pwesto na tila naestatwa. I smirked and flipped my hair.

Take that, jerk. My charms aren't lame either.

Excelium [Editing]Where stories live. Discover now