Kabanata 31

7.6K 400 46
                                    

Pagkatapos ng nangyari kaninang madaling araw, hindi na ako muling nakatulog. Dilat ang mga mata kong nakatitig sa kisame hanggang sa naramdaman ko na ang init na dala ng sikat ng araw.

Umupo ako at mahigpit na hinawakan ang kumot ko at doon inilabas ang pagkairita ko. Madiin kong kinagat ang labi ko dahil sa frustrasyon na nararamdaman. This scene is cliché as hell! But I won't let that kissing monster have his own ways!

Lumabas ako ng kwarto. Pagkatapos ng nangyari kanina, mabilis kong pinalitan ang damit ko dahil pakiramdam ko ay ang lagkit ko. Just thinking about that guy who has laid his filthy hands on me makes me wanna throw up all the food that I ate. Kaya naman ang suot ko ngayon ay ang isang kulay light blue na long sleeve na kinuha ko mula sa aparador ni papa dati. Sobrang luwag nito sa akin pero komportable ako kapag suot ko ito.

Bumaba ako ng hagdan at ang unang bumati sa akin ay si Layn. Even though this guy is gloomy, I can't deny the fact that he's cute in every angle.

"Zai, you look cute with your outfit" komento niya at tumabi sa akin noong naupo ako sa sofa.

Hindi na ako nagulat noong nagpunta sa likuran ko si Vyann at tinali ang buhok ko sa isang ponytail. He doesn't look like it but Vyann is really the one who's mostly doing some things for us. He cleans the house, because he is a clean freak. He also do massages. Minsan nakikisama siya sa kagustuhan ni Trois na mag arm wrestling. Maybe he likes doing errands for us. See? He's weird.

"You look like an old hag with your messy long hair" matalim nga lang ang pananalita niya minsan. Ayun ang minana niya mula kay Levine.

"Granny is taking her vacation for a while. Who'll cook?" katulad ng dati, mahina ang boses na tanong sa amin ni Kleiv pagkalabas niya ng kusina. Ang Granny na sinasabi niya ay ang matanda na nag-aalaga ng dormitoryong ito.

"I don't know how to cook" mabilis na tugon ni Wein. Defensive masyado.

"Me neither" sumunod naman ay si Layn. Halata naman. All you can do is be cute all day.

"Me too" sambit ni Axen. Ang alam lang ba niya ay magnakaw? Hay.

"I'm not good with cooking" umiiling na sabi ni Vyann. Our only hope has fade.

"I don't wanna" ang huling nagsabi ay si Kleiv. I already expected that answer.

"Me! Me! I wanna try! I'll conquer the fire!" Nakataas ang kamay na sabi ni Trois. Damn it. He'll just burn the whole kitchen.

"Zera---" natigilan ako noong mapansin na wala pa pala siya dito.

"She's still asleep"

"Then how about the new guy?" Suhestyon ni Axen habang humihikab. I grimaced by what he just said. Mabilis akong tumayo at inirolyo ang mga manggas ng suot ko hanggang siko.

"Ako na nga lang. Mga wala kayong kwenta" saad ko at naglakad palayo. Pumasok ako sa kusina at niluto ang pinakamadaling pagkain na alam ko. Adobo.

Pagkatapos kong ihain iyon sa kanilang harapan ay tinitigan nila iyon. Halatang hindi sila pamilyar rito. Lahat sila ay nandito na at lahat sila ay hindi gumagalaw. Bumuga ng hangin si Wein at nagsimula ng kumain. Sumunod naman ang iba. Pagkatapos ng mabagal nilang pagsubo, bumilis ito ng natikman na nila.

"We'll take turns in washing the dishes. Who wants to go first?" tanong ko sa kanila pagkatapos naming kumain.

"Ako na lang" sabi ni Axen at itinaas ang mahaba niyang manggas at nag-umpisa ng maghugas. Mabilis naman kaming naghanda para pumasok sa klase.

Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang tuwalya at mga damit ko. Katulad ng sinabi ko sa inyo dati, wala kaming sari-sariling banyo sa sari-sarili naming kwarto. Kaya naman bababa pa kami sa unang palapag upang magpunta sa palikuran.

Lumabas muli ako ng kwarto at nakita ko naman si Zera na lumabas ng kaniyang kwarto na dala na rin ang tuwalya niya. Nagpunta kami sa banyo para sa mga babae. Magkaiba ang banyo ng mga babae sa banyo ng mga lalaki.

Pagkapasok namin sa banyo ay sobrang laki nito. Sa kaliwang bahagi ng silid ay naroon ang mga cubicle na mayroong mga shower. Sa kanang bahagi ay mayroon roon parang isang maliit na swimming pool na pwedeng pagbabadan ng mga babae. Nasa dulo pa ang mga cubicle na mayroong inidoro or whatever.

Naligo na kami at lumabas ng nakabihis na. Tinutuyo ko na lamang ang buhok ko habang naglalakad patungong sala. Pagkaliko ko sa pasilyo ay may nakabunggo pa ako. Mabilis akong umiwas at mabilis na naglakad noong mapansin kung sino iyon. Presensya pa lamang niya ay alam ko na.

"I'm going" pagpapaalam ko at lumabas ng dormitoryo habang malinis na iniipit ang buhok. Mabilis akong nagtungo sa klase at naupo na parang hangin lamang ang dinaanan kong mga tao. Ilang saglit lang ay dumating na rin sina Layn at Trois.

"You're acting weird" hindi mapigilang magkomento ni Layn. Tumango-tango naman si Trois. I sighed.

"I hate that new guy" matalim ang mata na sabi ko sa kanila. Naging seryoso naman sila at naupo na sa kanilang silya.

"I thought I was just mistaken but I don't really feel any good around him" biglang sabi ni Layn at humigpit ang yakap niya sa teddy bear niya.

"I know someone who is strong when I see one. That new guy is strong but he's giving off a bad vibe" medyo nagulat pa ako dahil seryoso ang tono ni Trois pero may bakas pa rin ng ngiti ang kaniyang mga labi.

Natigil sa pag-iingay ang buong klase noong bigla na lamang may nagbukas ng pinto. Naging alerto kami noong maramdaman ang presensya niya. Naglakad siya na parang walang nakatingin sa kaniyang mga tao. Hindi ko siya tinignan hanggang sa nakarating na siya sa harapan ko.

Hinawakan niya ang baba ko at itinaas upang magtama ang mga mata namin.

"Good morning" pagbati niya. Marahas kong inalis mula sa kaniyang pagkakahawak ang baba ko. Napasandal ako sa sandalan ng silya ko noong itinukod niya ang kamay niya sa lamesa ko at tumunghay papalapit sa akin.

"What are you doing here? As far as I know, this is not your class" may diin ang boses na tanong ko sa kaniya.

"I'm just greeting my possession" nakangiting aniya.

"Get away" utos ko sa kaniya. Ngumiti lamang siya at mas lalong lumapit. Natigilan lamang siya noong may kamay na pumipigil sa kanan niyang balikat. Tumingin kami kung sino yon at nakita si Trois. He's still wearing his smile but he's face is dark.

"Get away from her" babala niya.

"Yes. Please talk to her in a proper distant" sabi ni Layn na salubong ang mga kilay at hawak lamang ang teddy bear niya ng isang kamay at ang isa niyang kamay ay parang naghahanda ng manuntok.

"Hey are they having a fight?"

"Who's that guy? He's not familiar"

"Maybe he's the new guy at the Kings Dormitory that everyone was talking about"

"Then why are they fighting? They're in the same group right?"

Nagbulungan na ang mga kaklase namin at mukhang interesado sila sa sitwasyon namin ngayon. Tumayo ng tuwid si Ace at walang emosyon ang mga mata na tumingin siya sa dalawa.

"No one gave you permission to interfere" mababa ang tono na sabi niya na tila binabalaan sila.

"Behave yourself newbie. You still don't have a place here" saad ni Layn na mukhang ikinagalit ng lalaki. Mabilis akong tumayo at pinigilan ang binti nito noong akma niyang sisipain si Layn. Mabilis ang paa niya pero pasensiya siya at mas mabilis ang mga mata ko.

Gulat siyang tumingin sa akin at binigay ko naman sa kaniya ang pinakamatalim kong tingin. Mukhang naramdaman niya ang pinaparamdam ko sa kaniyang babala at mabilis siyang tumalon palayo.

"Learn where you stand, dumbass." madilim ang mukha na saad ko sa kaniya. Pagkalipas ng isang segundo ay bigla siyang ngumiti at umayos ng tayo.

"Levine was right. The Kings Dormitory is full of interesting people" ngumisi siya at tumalikod na.

"See ya" aniya at umalis na. Hindi ko alam kung anong pakay niya noong pumasok siya rito pero mukhang alam ko na kung paano mag-isip ang lalaking iyon. Isa siya sa mga taong naghahanap ng mapaglilibangan at mukhang nahanap na niya iyon.

Good for him. Damn it.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon