Kabanata 55

6.9K 337 15
                                    

Pumasok na ng gate sina Axen at Zai. Nakahinga ng maluwag si Zai noong makita niyang ayos pa naman ang mansyon. Binuksan ni Axen ang front door at natigilan silang dalawa sa nasaksihan.

Magulo ang sala na at nagkakaroon ng gera. Sa kaliwang bahagi ay naroon sina Jebal, Ace, Zera at Trois. Kasama rin ng mga ito ang iba pang bagong mga miyembro. Nagtatago sila sa nakatumbang sofa at nagbabato sila ng kung ano sa kabilang banda kung nasaan sina Kleiv, Wein, Vyann, at Layn na may kasama ring ibang mga bagong miyembro.

Nagbabatuhan ang mga ito at naririnig nila ang pagbasag ng mga vase at iba pang mga bagay.

"Sugod!!" sigaw ni Jebal at lahat sila ay umalis sa pagkakatago.

"Stop them!!" sigaw ni Wein na lalong nagpangiwi kay Zai at Axen. Naglabasan na silang lahat at akmang susugod na sa magkabilang grupo ngunit biglang ihinampas ni Zai ang kaniyang kamay sa pinto. Lahat ng mata ay napatingin sa kanya at nabakasan iyon ng kaba.

Zai gave them a devilish smirk and an evil gaze. Sa noo nito ay tila ba puputok na ang ugat niya dahil sa galit.

"You got the nerves to disobey my orders." malalim na sabi niya. Mabilis na umayos ng tayo ang mga ito at binitawan ang mga hawak na "sandata."

"K-kasi Zai. Ganito 'yon eh... ano.." pilit na pagpapaliwanag rito ni Jebal ngunit mas lalong tumalim ang mga mata ni Zai.

"All of you...! Run until I tell you stop! Now go!" puno ng galit na sabi nito at tinuro ang labas ng dormitoryo. Wala namang nagawa ang mga ito kundi ang pumunta sa dalampasigan at sundin ang sinabi nito. Bumuga ng hangin si Zai at inayos ang mga sofa. Tinulungan naman siya ni Axen na iayos ang mga ito. Nilinis na rin nila ang mga nabasag sa sahig. Habang pinupulot iyon ni Zai ay mas lalong dumadagdag ang inis niya.

"Do that idiots know how this thing costs?!" narinig ni Axen ang bulong ng dalaga. Minabuti niyang lumayo-layo at sa kabila nagpulot ng mga basag na gamit. Batid ni Axen na si Zai ang bumili ng mga muwebles na ito. Hindi man sinasabi ni Zai sa iba pero alam niyang may pakialam pa rin ang dalaga sa itsura ng kanilang dormitoryo.

Pinapalitan rin nito ang kinakalawang na tarangkahan ng kanilang mansyon. Tinanggal rin nito ang mga halaman na nakakapit sa mataas na bakod.

Matapos nilang maglinis ay kumuha siya ng gatas at mansanas sa kusina. Ngunit ng makabalik siya sa sala ay natutulog na ito. Napatitig siya sa maamong mukha nito bago ngumiti at umupo sa kabilang sofa at kinain ang kanyang mga dala. Halos dalawang oras rin silang naglinis.

Muli siyang napatitig sa sako na nasa gilid kung saan naroon ang basag na mga gamit. Nagbuga siya ng hangin at muling tumingin sa dalaga habang nginunguya ang mansanas. Napapitlag na lang siya noong biglang bumukas ang pinto at naroon ang iba na pawisan at hinihingal.

"Captain! Dalawang oras na kaming tuma---" natigilan si Jebal sa pagsasalita noong bigla siyang binato ni Axen ng mansanas na nasalo naman nito.

"Shut up idiot!" bulong ni Axen habang nakalagay ang hintuturo sa labi. Doon lang din nila napansin ang kanilang kapitan na natutulog sa sopa at malinis na rin ang sala. Lumapit naman ang mga ito sa kanila.

"You shouldn't have done that. Especially ruining the mansion and breaking all those things. She's the one who bought those stuffs. At least care for her efforts, idiots" bulong sa kanila ni Axen na narinig naman ng lahat. Tila ba nakonsensya naman ang mga ito at napabuga ng hangin. Lumapit si Wein kay Zai at binuhat ito.

"I'll take her to her room" sabi nito at naglakad na paakyat sa kwarto ng dalaga. Habang naglalakad sa pasilyo ay naalimpungatan naman si Zai.

"Wein" tawag nito sa lalaki kaya naman ay tumingin ito sa kanya. Inaantok pa ang mga mata nito at halatang pagod. Lalong nadagdagan ang konsensya ni Wein dahil sa simpleng ginawa nila ngunit malalim para sa dalaga.

"Yes?"

"Are... there any members who is hurt? If there is, bring him to the clinic or get a healing potion at my room immediately" nagulat naman si Wein dahil sa sinabi nito. "You idiots shouldn't throw fragile things like that to the new members. They're not like you guys who can avoid getting hit, they're still not trained enough."

Napangiti na lamang si Wein noong muli itong bumalik sa pagkakatulog. Pumasok siya sa kwarto nito at ihiniga ito sa kama. Ngumiti siya at hinalikan ito sa noo.

"You're the best. Captain." aniya at lumabas na ng silid nito. Naabutan naman niya roon sina Ace, Layn, Trois, Axen at Jebal. Nakasimangot ang mga ito habang nakatingin sa kanya.

"You kissed her didn't you? You pervert" tila ba nagseselos na saad ni Ace.

"Says the one who kiss her all the time" Layn rolled his eyes because of irritation.

"This is so unfair. I can't even hug her and yet you already planted kisses on her!" Jebal exclaimed. Axen rolled his eyes because of their childish acts.

"Me too! Me too! I want to kiss her!" inosenteng sabi ni Trois habang nakataas ang kamay.

"You won't!" sabay-sabay nilang sabi sa binata. Ngunit napatingin sila sa di kalayuan noong makita si Zera na nakataas ang isang kilay at ang mga kamay ay nakahalukipkip sa kaniyang dibdib. Nakapamewang rin ito.

"You perverts!" bigkas nito at bigla na lamang hinatak silang lahat sa tenga paalis.

--

Nagising si Zai dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kaniyang silid. Hindi pala niya natakpan ang bintana ng kaniyang kurtina. Tumayo siya upang takpan ito ngunit natigilan siya sa nakita.

Mabilis siyang lumabas ng silid at tumakbo palabas ng dormitoryo. Imbis na matataas na damo ang kaniyang nadatnan, malinis na at hindi na mataas ang mga ito.

Napatingin siya sa isang gilid at nakita roon ang iba na nakaupo sa damo na tila ba nagpapahinga. May mga damo rin na nakadikit sa katawan ng mga ito. Napangiti na lang siya at nagpunta sa kusina. She tied her hair into a bun and prepared the ingredients. Sinabihan na rin niya si Granny na siya ang magluluto.

Saktong pagkatapos niyang magluto ng agahan ay ang pagdating ng mga ito. Inaya na lamang niya itong kumain at naupo.

Napuno ng daldalan at tawanan ang lamesa. Ang iba ay humingi pa ng paumanhin sa kanya. Binigyan na lamang niya ang mga ito ng isang maliit na ngiti at pinagpatuloy ang pagkain.

"Zai" natigilan sila sa pagtawa noong biglang dumating si Sinner. Itinuro nito ang daan palabas ng hapag kainan. Pinunasan ni Zai ang kaniyang bibig at tumayo. Sinundan niya ang guro palabas.

Nagtungo sila sa opisina nito sa loob ng dormitoryo. Naupo ito at nanatili siyang nakatayo sa harapan ng lamesa nito.

"I assume that you knew what happened the other day" panimula ng guro habang nakasandal ito at ang isang kamay ay tumutuktok sa lamesa.

"Yes"

"And I assume that you have something to tell me. Regarding about the guy you encountered at the roof"

"Yes"

Pinaliwanag naman ni Zai ang lahat sa lalaki. Hindi na siya nagulat ng malaman niyang may alam pala ang guro sa nangyari. Batid niyang naramdaman niya ang presensya nito sa malayo.

Sinabi niya rin ang kagustuhan nitong dakpin si Axen at kung anong ginawa nito sa binata. Sinabi niya ang buong pagkatao ng lalaki rito habang si Sinner naman ay nanatiling tahimik at nakikinig lamang. Nang matapos niyang ipaliwanag rito ang lahat, nanatili ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

Tumayo si Sinner at hinarap siya ng madalas nitong ekspresyon habang nakalagay ang kamay sa loob ng bulsa.

"I'll report this to the headmaster. I'll entrust Axen's safety to your hands." utos nito at nilagpasan na siya upang lumabas. Ngunit tumigil ito noong bigla siyang nagsalita muli.

"Sensei. Tell Levine this," lumingon sa kanya ang dalaga ngunit nanatili siyang nakatalikod. "Never tell that old geezer about Axen's existence."

Hindi sumagot ang guro. Pinagpatuloy na lamang nito ang paglalakad hanggang sa tuluyan itong nakalabas ng silid.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon