Kabanata 50

7.1K 380 28
                                    

Pagkarinig na pagkarinig ni Zai sa hudyat ay mabilis siyang tumakbo patungo kay Caliver habang nasa kaniyang kamay ang isang espada na dala niya kanina.

Mabilis na iniwas ni Caliver ang kaniyang ulo noong biglang itinusok roon ni Zai ang kaniyang sandata. Tinuhod niya ang tiyan ng dalaga ngunit mabilis na sinalo ni Zai ang kaniyang tuhod at sinipa ang kaniyang ulo.

Napahakbang naman siya dahil sa lakas noon. Hindi inakala ni Caliver na malakas pala ang dalaga kahit na hindi naman mukhang malakas ang katawan nito. Noong tinignan niya ang dalaga ay wala na ito roon. Mabilis niyang inilibot ang kaniyang tingin ngunit hindi niya ito mahagilap.

Sinubukan niyang pakiramdaman ang presensya nito ngunit wala siyang maramdaman.

How can she hide her presence so well?

Napahawak na lamang siya sa kaniyang tagiliran noong makaramdam roon ng hapdi. Nakita niyang punit na ang kaniyang damit at may dugo na rin doon. Pero nanatili siyang kalmado at hindi niya pinakita ang pagkabahala sa kaniyang mukha. Marahan siyang huminga ng malalim at pinaramdaman ang kaniyang paligid.

Mabilis siyang umiwas noong maramdaman ang mahinang paggalaw ng sahig. Nakita naman niya si Zai na nasa kaniyang harapan na umatake sa kaniya. Mabilis niyang sinipa ang tiyan ito kaya naman ay napagulong ito ngunit mabilis itong nakatayo at mukhang hindi man lang naapektuhan sa kaniyang atake.

She took her stance and immediately attack Caliver but suddenly a sword appeared in front of the man, preventing her sword to wound him. Bigla namang nagsilitawan ang iba pang mga espada sa likod ni Caliver at lahat ng iyon ay nakatutok sa kaniya. Mabilis siyang tumalon palayo. All she could do was click her tongue while staring at the swords. She can manage if this is a normal fight but it isn't.

May tatlong espada ang tumungo sa kaniyang direksyon ngunit imbes na takbuhan ay sinalubong niya ito. Noong malapit na ang isang espada ay ipinadulas niya lamang ito sa espada niyang hawak at iniwasan ang dalawang espada na paparating.

Mabilis niyang ibinato ang hawak na espada sa ulo ni Caliver ngunit umiwas ito. Mabilis siyang tumalon at umikot sa hangin at binigyan ng sipa sa mukha si Caliver noong muli itong humarap. Napaatras naman ang binata at pinunasan ang dugong lumabas sa kaniyang ilong.

Lahat ay nagsigawan dahil sa ginawa ni Zai. Lalong lumakas iyon noong muling sinipa ni Zai ang pisngi ng lalaki at mabilis na sinundan ng axe kick.

Napaluhod ito sa sahig at muli niya itong binigyan ng axe kick kaya tuluyan itong napadapa sa semento. Ngunit mabilis siyang umiwas noong nagsiliparan ang mga espada sa kanya. She even felt her cheek sting because of a wound.

Muli niyang pinulot ang kaniyang espada at mabilis itong isinangga sa mga espadang dumating. Sa sobrang dami nito at bilis ay nasusugatan na rin siya. Nakita naman niya sa di kalayuan si Caliver na pilit tumatayo at pinupunasan ang dugo na nasa gilid ng kaniyang labi.

Biglang lumakas ang pwersa ng mga espada at natutulak na siya patungo sa barrier. Nagulat na lamang siya noong biglang tumalsik ang hawak niyang espada dahil sa malakas na paghampas dito ng isang espada. Lahat ng espada ay tumutok sa kanya.

Nakita naman niya sa gilid si Levine na halatang kinakabahan at gusto ng pasukuin siya. Ngunit ayon sa rules ng larong ito, ang may karapatan lang na magtigil ng laro ay ang mismong mga manlalaro. Kahit na siya ang Headmaster ay wala siyang karapatan na labagin ang rule na iyon.

Ang sunod niyang tinignan ay si Arnock na mukhang nasisiyahan sa nakikita. Hindi naman masama ang pagkakangisi nito ngunit mukhang interesado ito sa hindi niya malamang dahilan.

Ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa mga espada na nakatutok sa kanya. Nakita niyang itinaas ni Caliver ang kaniyang kamay at alam na niya kung ano ang susunod nitong gagawin. Mabilis niyang ihinarang ang kaniyang mga braso sa kaniyang ulo noong mabilis na gumalaw ang mga sandata patungo sa kaniya. Ngunit laking pagtataka na lamang niya ay tila ba may lumitaw na barrier sa paligid niya at biglang nagkapira-piraso ang mga espada na dapat ay tutuhog sa kanya. Kulay asul ang naturingang barrier at sakto lamang ang laki nito sa kaniya.

Excelium [Editing]Where stories live. Discover now