3

21 4 0
                                    

INVISIBLE PEN

"So. Let's get started, Miss Freshner?" Tanong ni Wilson sa dalaga.

"Ano pa nga ba?"

Napangiti lang si Wilson sa tinuran ni Kaliza saka pinindot ang record button ng camera niya.

"Miss Freshner. You've been writing your novels since you were sixteen and all of a sudden you left, why is that?" Panimula ni Wilson.

Naikunot ni Kaliza ang kaniyang noo. Nagtataka sa paraan ng pagtanong ni Wilson.

"Psychiatrist ka ba o reporter? Are you kidding me?" Nagtatakang tanong niya sa binata.

"Don't worry, Miss Freshner. Hindi ito lalabas sa tv o anuman."

"Hindi ko rin malalaman dahil sira ang tv ko."

"Bibilhan kita kung yan ang problema."

"Hindi ako isang pulubi, Mister."

Humagalpak na ng tawa si Wilson nang hindi na niya mapigilan ang sarili.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko, Miss Freshner. Isa'ng tanong isang sagot lang."

Saglit na hindi nagsalita si Kaliza. Huminga siya ng malalim at inayos ang pagkakasandal sa upuan.

"Why did you left? You've been writing novels since you were sixteen. Everybody idolizes you and they are confused why you left?" Pag-uulit niya sa tanong.

"That question is very confidential. I was… I was…" Naipikit niya ang mga mata niya nang mahirapan sa pagsasalita.

Muli na naman niyang nakita ang nangyari walong taon na nag nakararaan. Isang gabi, madilim na gabi. Umuulan at tanging katawan lamang ng lalaki ang nagtatakip sa kanya upang hindi lubusang mabasa habang takip nito ang bibig niya.

"You were…?"

Nalunok niya ang sariling laway.

"Okay, next question na lang. But, we'll going to take it back."

Tumango siya sa sinabi ni Wilson.

"Ano ang nangyari eight years ago?"

Naipikit niyang muli ang mga mata. Parang walang nagbago sa tanong.

"Eight years ago.. I was eighteen years old."

"Okay…"

"And… ah, na-nabulag ako dahil… dahil nabuhusan ako ng kemikal sa mukha."

"Kemikal?"

"Oo. Binuhos iyon sa akin noon."

"Kilala mo ba ang nagbuhos sayo ng kemikal?"

A crime that will never be easy for every women to admit. A crime that is not hard to forget. And a crime that could lead suicide to every victim of rape.

"He's my rapist."

Nanlaki ang mga mata ni Wilson sa narinig na sinagot ni Kaliza.

"You were raped?"

"Yes." Malamig ang boses na sagot ni Kaliza.
Para siyang nasampal ng nagkakapalang tipak ng yelo sa pisngi nang sumagot.





--
KUYA JAZ: So, how was it? I need your opinion, Einsteins.

Invisible PenWhere stories live. Discover now