25

12 1 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Kaliza’s POV)

Dito ko na siya sa bahay pinatuloy muna kase gabing gabi na nang maihatid niya ako. Ayoko naman na baka madisgrasya siya sa pagmamaneho dahil gabi na.

Sigurado akong tulog pa siya dahil ang ingay niya kagabi. Kanta ng kanta parang ayaw pa akong patulugin kaya doon ko siya pinatulog sa kabilang kwarto ko na puro libro lang ang nakalagay.

Agad akong naghilamos sa cr at nag-sepilyo. Nagtimpla na rin ako nang maiinom namin.

Hawak ko ang tray ng dalawang tasa ng hot chocolate nang bigla ay maramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa baywang ko. Mabili na kumabog ang dibib ko!

May hawak ako kaya hindi ko siya nagawang itulak.

"Wilson… ba-bakit?"

"Kaliza, hindi mo pa rin ba ako mahal?"

Nalungkot ako nang itanong niya sa akin ang isang tanong na magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot. Wala akong makitang sagot.

"Wilson… ahm." Paano ko ba sasabihin nang hindi siya nasasaktan? "Bi-bitawan mo muna ako, okay? Mag-usap tayo haang nag-a-almusal." Saad ko.

Bigla akong nabunutan ng tinik sa leeg nang umalis siya sa likod ko. Siya na ang nagdala ng tray na hawak ko pero hindi niya ako inalalayan sa paglalakad gaya ng dati na niyang nakagawian.

Malungkot ba ako dahil doon?

Naupo ako agad saka tumikhim. Gusto kong marinig ang boses niya. Nararamdaman kong nakakunot noo siya.

"Wilson--"

"Mahal kita. Kahit ulitin ko pa ulit iyan, hindi ako magsasawa malaman mo lang na mahal kita."

"Bakit ba kase minahal mo ako? Agad." Balik na tanong ko.

"Ewan ko. Hindi naman sasagot ang puso kahit tanungin ko. Basta, mahal na kita."

"There should be a reason. Hindi ako naniniwala na hindi mo matatanong ang puso mo."

Hindi ko siya narinig na nagsalita.
Hindi na rin ako nagsalita. Ayokong mag-away kami dahil lang sa ganito. So immature.

"Matagal na kitang kilala…"

Bigla akong nag-angat ng mukha nang magsalita siya. Seryoso na ang boses niya, malalim at malungkot.

"Matagal na Kaliza. Matagal na kitang mahal."

Invisible PenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang