13

28 4 2
                                    

INVISIBLE PEN

Malalakas na kalabog ang umalingawngaw sa kabuuan ng bahay niya. Naalimpungatan siyang tumayo habang kinukuskos ang mga matang mapupungay pa.

Sunod sunod ang kalabog na iyon kaya nagmamadali siyang nangapa sa paglalakad papunta sa pintuan.

"Sino iyan?"

Tanong niya habang binubuksan ang pinto.

"Kaliza."

"Ate Esther? Bakit ho?"

Boses pa lang ay nakilala na niya ang kapitbahay niya. Mabait ito pero may pagka-suplada.

"Sino ba 'tong lalaking natutulog sa labas ng bahay mo?" Bakas ang galit at pagka-irita sa boses ni Ate Esther.

"H-ho?" Takang tanong niya.

"Kagabi pa siguro rito ang lalaking 'to. Heto at dito pa natulog. Hayan." Hinawakan niya ang kamay ni Kaliza saka nilapat sa malamig at basang buhok ng lalaki.

Nagitla siya kaya agad niyang binawi ang kamay sa kapitbahay.

"Sino ba iyan? Mabuti at hindi nakita ng kung sino, baka ireklamo."

"Ah. Ako na ho ang bahala sa kaniya Ate Esther. Marami po'ng salamat sa pagsabi." Nakangiting sabi niya.

"Kung may problema kayo ng boyfriend mo, pag-usapan niyo hindi iyong ganito."

"Pero…"

"Alis na ako."

Hindi pa niya natatapos ang nais pa sanang sabihin pero narinig na niya ang malulutong na tunog ng takong ng kapitbahay papalayo.

Nakamot niya ang ulo saka lumuhod sa sahig para gising si Wilson. She shrugged Wilson's shoulder.

"Wilson?" Tawag niya sa pangalan ng lalaki.

"Uhm…?"

Gumalaw si Wilson kaya agad niyang nilayo ang katawan sa lalaki.

"Bakit dito ka natulog, ha?"

"Uhm… Kaliza…?"

Nagmulat ng mata ang binata. Mukha agad ni Kaliza ang nakita niya kaya napangiti siya.

"Baliw ka na ba? Hindi ka talaga umuwi sa bahay mo?"

"I told you…" Umupo siya saka hinaplos ang pisngi ni Kaliza.

Mabilis na inalis iyon ni Kaliza saka tumayo.

"Tumayo ka na at umuwi."

"Aren't you going to ask if I'm alright?"

"Wilson, tigilan mo na 'to. Kalokohan ang lahat ng ito. Hindi kita gusto at hindi tayo bagay." Pagdidiin niya sa bawat katagang kaniyang sinambit.

Tumayo rin si Wilson saka lumapit kay Kaliza. "Liligawan nga kita… kahit ano gagawin ko kung para sayo."

"Iyon ang nakakatakot."

"What do you mean?" Takang tanong naman ng binata.

"Nakakatakot ang kung anumang kaya mo'ng gawin."





--
KUYA JAZ: I'm not pertaining to someone else, but that line (kahit ano gagawin ko para sa iyo) for me is out of style, it's old-fashioned. Gasgas at bulok na haha.
Kapag naririnig ko iyan, naiirita ako. Seriously? Lahat magagawa mo? Nakapaloob sa phrase na iyon ang maari niyang gawin ay pwedeng something 'bout crime. Tsk. Ingat kayo girls sa mga sinasabi ng manliligaw.

Invisible PenWhere stories live. Discover now