9

25 4 2
                                    

INVISIBLE PEN

Binasa niya ang isang talata sa tulang isinulat ni Kaliza.

'Inisip, naisip sino?
Inisip mo ba ako?
Iniwan, naiwan, paano?
Bakit ako'y iniwan mo?
Sinaktan, nasaktan ako.'

Bigla namang humagalpak ng tawa si Wilson matapos mabasa ang unang talata.

"Ano't tumatawa ka?"

"Wala. Masyado kase'ng malalim. Karamihan kasi sa mga nobela mo ay Ingles. Bakit ito, tagalog?"

"Iyon ang pumasok sa utak ko. Bakit ba?"

"Maganda naman. Actually, lahat ng gawa mo ay maganda."

"Ano sa mga naisulat ko ang nagustuhan mo?" Pagkuwa'y tanong niya sa binata.

"Lahat naman e. Pero mas tumatak ang Sweet Adieu. Paano mo napagtiyagaan ang ganoong kahaba'ng nobela? Almost a thousands of chapter." Nakangiting sagot niya.

Ngumiti rin si Kaliza na siya'ng nagpa-awang sa labi ni Wilson.

"Naisulat ko iyon base sa reyalidad. Mga krimen, kasinungalingan, pag-ibig at pagpapatawad. Iyon rin ang paborito ko kasi kahit na may sakit sa puso ang main character ay lumaban siya hanggang dulo. Ako nga iyong nagsulat pero parang ako pa iyong hindi magawa ang nagawa ng karakter na binuo ko." Nakangiting sagot niya.

"Uhm…" napahawak siya sa dibdib niya nang lumakas ang pagtibok ng puso niya. "Oo. Tama ka. Inlove nga yata ako sa bida eh."

"Hindi naman sila totoo. Masasaktan ka lang kase hindi iyan masusuklian."

"Kahit pa."

"Tunay na tao ang ibigin mo. Kase ang tao may puso. Ang mga fictional character ay hindi ka kilala, hindi rin nila alam na mayroong Wilson na nabubuhay."

"Ang drama mo, ah.."

"I'm just facing the reality."

"Hindi ka talaga lumalabas ng bahay mo? Paano mo pinapasa sa Publishing Company ang mga sulat mo?"

"Email." Tipid niya'ng sagot. "Pero, may taong pumupunta rito para tulungan ako."

"Nagtitiwala ka sa mga tao'ng di mo nakikita?"

"Sasagutin ko ba iyan?"

Natawa si Wilson saka nakagat ang pang-ibabang labi. He ran his fingers through his hair and wet his lips.

"Kahit hindi na. Mukhang alam ko na ang sagot."

"Akala ko ba ay nagugutom ka?"

"Concern ka?" Nanunuksong tanong naman ni Wilson sa dalaga.

Invisible PenWhere stories live. Discover now