33

12 0 0
                                    

INVISIBLE PEN Part 33

(Kaliza’s POV)

Natigil ako sa pagtitipa sa aking laptop nang may pumindot sa door bell ng bahay ko.

Naikunot ko ang noo ko bago naisipang tumayo at sumilip muna. Wala akong nakitang tao kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Napaatras ako nang makita ang isang pamilyar na mukha na kahit minsan ko lang nakita ay hindi na nawala sa aking isipan!

Umawang ang labi ko. Matutuwa ba ako magagalit? Namuo agad ang luha sa aking mga mata.

"Wil… Wilson?" Bigkas ko sa pangalan niya.

"Ahm…" Napatango siya habang naiiling.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis ko siyang niyakap! Mahigpit n yakap para malaman niya kung ano ang ginawa niya!

"Ah, te-te-teka! Teka!" Inalis niya ang braso ko sa leeg niya na para bang nasasakal. Inayos niya pa ang neck tie na nagulo ko yata.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Dumating sa buhay ko?"

Pinalo ko siya sa braso. "Bakit mo ako iniwan?! Alam mo bang nakakakita na ako?"

"Alam ko haha!" Natawa pa siya. "Pero, hindi ako nandito para sayo."

"Ano?"

"Hindi ako si Wilson. Oh! I mean, Wilson nga ang pangalan ko pero hindi ako ang Wilson na tinutukoy mo."

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Heto si Wilson." Anas niya saka niya hinila mula sa likuran niya ang kamukhang kamukha niya!

"Ano 'to?"

"Kaliza…" anas niya.

"Maiwan ko na muna kayo." Saka na lumabas si Wilson.

Sino ba sa kanila ang Wilson Denver na nakilala ko?!

Naramdaman ko ang paghawak ni Wilson sa kamay ko. Binawi ko iyon saka ko siya sinampal!

"Manloloko ka." Pagdiiin ko sa kataga. "Iniwan mo ako sa hospital! Hindi mo ba ako naisip kung sino ang kasama ko? Paano kung na-rape uli ako?!" Sigaw ko habang pilit na pinipigilan ang luha na nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata.

"I'm sorry."

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Manloloko ka! Sinabi mong mahal mo ako! Sinabi mo iyon pero ang dali lang sayo na iwan ako nang mag-isa!"

"Kaliza, patawarin mo ako. Ginawa ko iyon para say--"

"Sinungaling!"

Invisible PenWhere stories live. Discover now